Kagabi ay hindi ko na napigilan ang sarili na lantarang tawagin ang pansin ng butihing palaisip na si G. Leloy Claudio, na sumulat sa Rappler.com ng kaniyang pagtatanggol sa General Education Curriculum (GEC) ng Commission on Higher Education (CHED), lalo na hinggil sa duda ng ilang partido na malay na pagsikil nito sa Wikang Filipino.
Hindi ko na sana ito papansinin, tulad ng mga hindi ko pagpansin sa mga okasyonal niyang pakikisawsaw sa kung ano-anong usapin. Ngunit ang nakatigalgal sa akin ay ang pagtawag niya sa mga nanunuligsa na “emotionally-charged”, at “ill informed” pa nga sa pagrerehistro nila ng mga “national polemics about the national language.” Binasa ko nang husto ang maikling artikulo niya sa website, sa mithing maunawaan ang kung ano ang talagang sinasabi niya hinggil sa maaanghang na nasabi na hinggil sa usaping ito. Labis kong ikinagulat ang marami niyang akala.
Marami sa mga sinasabi niya ay nasabi na—tulad ng mga “options” lalo na para sa mga gurong lumalabas at nahihintakutan dahil posibleng mawalan ng trabaho sa pagdating ng ganap na pagpapatupad ng K-12, at ngayon nga ay mistulang naghuhuramentado sa midya. Sa tesis na “hindi naman pinag-initan” ang Filipino sa paglikha ng bagong kurikulum sa kolehiyo, kibit-balikat na ipinanukala ni G. Claudio ang animo’y talagang mga napakadali ngunit hindi makataong solusyon: ang retraining o pagtuturo ng asignaturang tulad ng Art Appreciation; secondment sa hayskul, at pagbaling sa mga dalang posibilidad ng interdisiciplinarity.
Ang mga panukalang ito sa pangkabuuan ay nakaangkla sa kaniyang pangunahing ideya: “In asking the CHED to have mandatory Filipino language instruction in the college curriculum, advocates are, in effect, calling for the outright privileging of Tagalog over English. None of them advocate returning both Tagalog and English instruction.” Hindi ko alam kung natitiyak niya ang kaniyang sinasabi sapagkat ang totoo, hindi naman isyu ng mga sinasabi niyang “polemiko” ang tungkol sa pribelehiyo ng ano mang wika, bagaman malinaw namang sa mahabang panahon ay marhinalisado ang Filipino (at iba pang wikang Filipino) sa akademyang tubog sa Ingles.
[Huwag na muna nating isama pa ang marhinalisasyon ng mga wikang Filipino mula sa iba’t ibang lupalop. Kamakailan, nakasagutan ko sa Facebook ang isang guro na kasapi yata ng lumilitaw ngayong pangkat ng mga dalubwika (dalubhasa sa wika) na humihingi ng “linguistic justice”. Bigla akong napaisip nang marinig ko ang kataga—linguistic justice. Kapag pinagnilayang mabuti, hindi lamang sila talaga ang nangangailangan ng katarungang pangwika. Lahat ng mga wikang Filipino—kasama na ang Tagalog—ay nangangailangan ng pagkakaaahon mula sa pagkakadusta, at sa wika nga ni Vicente Rafael, ay “pagkakasakit” ng kolonyalismo, sa ahensiya ng pagsasalin. Oo, may mga lumitaw na hegemon sa wika, tulad ng Tagalog, ngunit ang hegemoniya ng mga ito ay hawa ng kolonyal na kamalayan, at dapat ngang mapalitaw. Sinabi ko na sa isang pagkakataon na tiyak na may sakit ding ganito ang iba pang Kristiyanisadong wika sa Filipinas. Kaya may katumpakan ding sabihin na tungkol sa linguistic justice ang usaping ito.]
Iniisip marahil ni G. Claudio na sapat na ang pagtatalaga sa Filipino sa mababa at mataas na paaralan. Ang sabi niya, ang mga kurso sa GEC ay talagang “advanced” na, at sa kaniyang lisyang retorika, inaasahan na ang ganap na kahusayan sa pag-aaral ng wika sa Enhanced K-12 Basic Education Program (BEP). Lubhang ideyal ang ganitong pananaw, lalo’t kung hindi naman nakikita o nalalaman ang totoong sitwasyon sa ibaba. At ang kataka-taka, sinusukat niya ang maaaring “kahusayang” ito sa bilang ng oras na maituturo ang Filipino sa BEP. Ang sabi pa niya sa kaniyang addendum sa humahaba nang usaping ito, “(t)he two years of senior high school, according to CHED documents, require 80 hours of Filipino language instruction per sem(ester). So I’d like to know what the concern is.”
Sasagutin ko siya ngayon sa pamamagitan ng marami kong tanong. Ano nga ba ang ipinagpuputok ng butse naming nagsasalita hinggil dito?
Sabi pa niya, “(t)he net effect is, in fact, an increase in time and resources devoted to the study of the national language.” Non sequitur. Kung oras nga lamang talaga ang sukatan ng inaasahang kahusayan, palagay ko, hindi natin makikita ang maraming kabagang sa gayong “karahas” na pakikipagtalo. Sapagkat hindi oras ang isyu kundi ang mismong pagkalusaw ng institusyong pangkalinangang-wika, na mistulang pagtalikod na rin kung tutuusin sa diwang pang-pambansang wika na nakasaad sa ating Saligang Batas. Naniniwala akong hubad sa kritikalidad ang ganitong praktikal na tugon, at myopiko ring pananaw ito na tiyak na magbubunsod ng mas malalaking suliranin para sa bansa. Isang mainiping pagtaya at di makatwirang pagtatanggol sa isang programang sa mula’t mula ay may nabubulok na ubod.
Sinasabi ni G. Claudio na sapat na ang Filipino sa BEP, samantalang may pagkakataong pumili ang mga institusyon ng Ingles o Filipino sa pagtuturo ng bagong mga asignaturang isinalin pa nga (ay, pasalamat tayo) sa Filipino sa CHED GEC, sa Memorandum 20 na nilagdaan ng tagapangulo ng CHED Patricia Licuanan noong Hunyo 28, 2013. Makalulusot pa sana ang CHED sa pagigiit ng “option” na “English or Filipino” sa GEC, lamang ay talagang inisip, dinalumat ang kurikulum sa Ingles—at nananatiling isang “option” ang Filipino, hindi lamang dahil inihuli ito, kundi lalo’t higit, tiyak na mas pipiliiin ang Ingles sapagkat nakasanayan nang gamitin at madaling madadala sa bagong sistema. Burado na ang presensiya ng Filipino sa malawakang sistema.
[Kaya ipinagtataka ko rin kung bakit pinaggigiitan ng isa pang kritiko ng wikang Filipino na “misguided” ang mga tagapagtanggol ng pambansang wika. Kung mamalasin natin sa pangkabuuan, hindi lamang naman ang sinasabi nilang hegemonikong Tagalog ang naisantabi. Ang lahat ng mga wikang Filipino ay naisantabi sa bagong sistemang ito, na nagmimithi lamang na ihanda ang mag-aaral sa global na merkado, kahit ibinabandera pa ang nasang hulmahin ang kabataan na “secure in their identities as individuals and as Filipinos.” Sang-ayon ako sa Mother Tongue Based Language Education, oo. Ngunit hindi dapat matapos sa maagang yugto ang pag-aaral ng mga wikang pambansa. Kung maaari pa nga, dapat na iakyat din ito sa mataas na paaralan, maging sa kolehiyo. Ito sa palagay ko ang paraan upang makamit ang linguistic justice na tinatawag. Ang huwag patahimikin ang mga wika sapagkat nabigyan na naman ito ng espasyo sa sistema. Ang patuloy na pagdidiskurso sa mga wika at sa Filipino ang tunay na diwa ng pagtupad sa diwa ng Saligang Batas sa nagsasaad ng mithing linangin ang wika.]
Muli, ang usapin ng dali. Kaya tama rin si G. Claudio na baka nasa hayskul nga ang pag-asa. Marahil.
Ngunit wala ito roon. Sa isang matalik na pagsusuri ng kurikulum ng BEP Filipino, makikita ang maraming butas sa iniisip si G. Claudio na “mas pinalakas” na Filipino. May bilang na 141 pahina ang mapang pangkurikulum na ito, at higit na hahaba ang talakayan kung sisimulan ko sa simula—sa Kinder. Ang pagtitig ko sa mapa ay nakatuon sa pangmalawakang balangkas nito, at sa kabuuang pagturing sa panitikan ng programang hayskul, na siyang bungad ng mga kabataang papasok sa senior high school o sa kolehiyo.
Una, ang mismong programa ng K-12 Filipino, na kompartmentalisado ang mga kasanayang tumutugon sa kakayahang pang-ika-21 siglo [maka-agham at teknolohiya ang balangkas], ay sumusupil sa ubod ng katuruan ng wika. Ang pinakamataas na antas ng wika, ang panitikan ay patuloy na kinakasangkapan dito bilang lunsaran ng pangwikang kasanayan, at hindi binabasang panitikan, gaya ng sana’y inaasahan. Malabo ang posisyon ng mapang pangkurikulum sa aspektong ito, kahit tila ba pinaniniwala ng mga gumawa nito ang kanilang sarili na sapat nilang binalangkas ang mga aralin sa mga kunwang kaukulang kasanayang nakabaling sa mga anyo at uri ng panitikan.
Kung tititigan ito, makikitang sa bawat gawain, nangingibabaw ang paggamit sa panitikan sa napakababaw na pamamaraan ng pakikipagtalastasan. Malawak at tumutugon sa teknolohikong panahon. Isinasaalang-alang ang lahat ng sinasabing “makro-kasanayan”. Ngunit horizontal lamang ang tiyak na magagawang paglawak. Walang lalim. Halimbawa, sumasapat na ba ang pagmapa ng Pag-unawa sa Binasa kapag itinakda nitong ang kasanayan ay “Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa”? Pag-unawa nga ba talagang may lalim sa Binasa ang “Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan”? Bakit paulit-ulit ang pangangailangang ilahad ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Bisaya at Mindanao, halimbawa? May pagkakaiba ba? Bakit ba lagi na lamang nagsisimula sa pag-uugnay sa daigdig at kasalukuyang pangyayari ang pagbasa ng panitikan? Bakit kailangang laging ipasulat sa mag-aaral ang mga alternatibong katapusan sa mga kuwentong o pagsasalaysay na kadalasan ay “hindi maganda” ang katapusan?
Kung mamarapatin, sa bahaging nauna, ang kasanayang “Pag-unawa sa Binasa” lamang ang binabasa, tinititigan ko, sapagkat susi sana ito sa pagtutuwid sa lisyang pagtuturo ng panitikan na malaong ipinapatupad ng ating sistema ng edukasyon. Ang pagsipat na ito sa ilan sa mga problematikong gawain (ilan sa talaga namang napakarami pa!) ang magpapakitang halos walang ipinagbago ang metodo ng pagpapaunlad sa kasanayang ito, na hahango sana sa ating mga mag-aaral sa lusak ng kakulangan sa pagkamalikhain at hahasa sa pagkamapurol ng kritikal na pag-iisip. Ang mga lumikha ng kasanayan ay hindi gaanong maalam sa pinapaksa nilang panitikan, kung kaya’t lumilitaw sa mapang pangkurikulum ang mga tulad ng “Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap,” na nakatuon sana sa pagsuri ng isang teksto ng kulturang popular.
[Isa pang kataka-takang bahagi ng mapang pangkurikulum ang patuloy na pag-unawa sa sinasabi sa linguwistika na mga “suprasegmental” na katangian ng pagbigkas sa salita. Ginamit ito sa isang aralin sa tula. Ang nais ng aralin, ipabigkas sa mag-aaral sa tamang tono, himpil, at diin, ang tula. Wala namang problema. Ngunit kung babalikan natin ang mga pundamental, hindi nga ba, iba talaga ang ating wika, iba sa mga wikang may malinaw na mga katangian ng himpil o diin, halimbawa? May hinala akong isinalin lamang ito ng mga bumalangkas ng kurikulum mula sa Ingles, dahil kagulat-gulat na kahit marami nang naisulat hinggil sa katutubong palatugmaan natin sa Filipinas—mula pa kay Rizal—parang wala pa ring nakabasa na wala naman tayong mga pagdidiin (stressed) at di pagdidiin (unstressed) sa salita. Mayroon lamang tayong apat na tudlikan: mabilis, malumay, malumi, maragsa.]
Bakit din ba panay ang munti’t malalaking pagkakamali sa kurikulum, na parang tanda ng kakulangan sa kahusayan ng mga lumikha nito? Bakit ba ginagamit ang salitang “kabanata” sa Florante at Laura gayong batid naman natin na ito ay nasa anyo ng awit at patula? Baka kasi nga ito ri’y may katangiang pasalsaysay. Inisip ba nilang kaydaling gawin sa pagbulatlat sa teksto ang layong “Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga tulang Asyano”? Handa kaya ang guro sa ganitong mahaba-habang paliwanagan? At, handa kaya ang mag-aaral. Ano ang ibig sabihin ng kurikulum map nang iatas nito sa isang item ng Pag-unawa sa Binasa ang “Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos”? Isang pabula ang paksa, at kumbensiyon ng pabula ang pagkasangkapan sa hayop! Balak bang pagsa-tauhin ang karakter?
At bakit ba pinipilit tayo nang pinipilit ng mapang pangkurikulum, sa mga pagkakataong magagawa nito, na suriin ang mga teksto “batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo humanismo naturalistiko at iba pa”? Matagal nang tinututulan ng mga eksperto sa panitikan ang ganitong lisyang pagkasangkapan sa “teorya” sa hayskul dahil una, hindi naman naituturo talaga nang maayos ang mga dalumat at pamamaraan ng sinasabing teorya o lapit-pagbasa. Ikalawa, hindi naman mga pananaw, ni lapit-pagbasa, ang mga binabanggit na “teoryang” ito. Bukod sa nakakagulo sa pag-aaral ng panitikan, maging ng wika—na sana’y nagtutuon na lamang ng pansin sa mga tamang pamamaraan ng pagtitig sa teksto—ginugulo pa nito ang isip ng mga bata sa pagpipilit na ang “humanismo”, “romantisismo”, o “naturalismo” ay mga paraan ng pagbasa. Nagagamit nga sa talasalitaan ang teksto, nagiging salalayan ng gramatikong kasanayan, ngunit patuloy na binababoy ang pampanitikang katangian nito.
Ang pinakamasaklap sa palagay ko ay ang tuluyang marhinalisasyon ng mga malaon na nating tinatanggap at ipinagmamalaking obra maestra. Ang mga ito—ang Florante, Ibong Adarna, at ang mga nobelang Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo—ay muli at muling idiniyestiyero sa huling quarter ng mga taon, at dahil nga roon ay hindi na mababasa nang buo dahil sa hayskul, ang huling quarter ay yugto ng mga pagmamadali. Ang tugon ng mga materials developer dito—yaong mga gumagawa ng teksbuk—ay lumikha ng buod sa mismong mga bagong teksbuk, na malinaw namang inhustisya sa mga akdang pampanitikang nabanggit. Sa pagkakataong sari-sari nang puna ang naibato sa mga patakbuhing kompanya ng teksbuk na naglalathala ng mga “pinagaang” na bersiyon ng mga akdang pampanitikan na ito, isang hakbang paurong ang pagpipi sa mga ito bilang mga dakilang akda ng ating kultura. Isang kabulastugan, kung tatanungin ako ni G. Claudio, na patunay lamang na wala sa haba ng oras ang kalakasan ng isang programang pang-edukasyon kundi nasa nilalaman nito.
Panitikan ang paksa at teksto ng pag-aaral ng wika sa BEP ng K-12, at itong mga halimbawang butas na ito sa pag-aaral ng panitikan ang nagpapakita na hindi pinalalakas ng programa ang Filipino, bagkus ay pinapatay pa ito sa pamamagitan ng ganitong mga nakapanlulumong pagpapabaya. Oo, may 80 oras ngang itinuturo ang Filipino kada semestre, pero tiyak kong 80 oras iyon ng pagtuturo ng sari-saring kalisyaan at basura. Ang masaklap pa, sinusunod ng kurikulum, sa pangkalahatan, ang balangkas na spiralling ng mga aralin. Lalong lumalala ang problema sapagkat nag-i-spiralling ding malinaw ang mga kamaliang pinayagang maitala sa mapang pangkurikulum.
[Magsasapantaha ako: bakit nagkaganito? Marahil ay minadali ang pagpaplano. Maaari ay maraming hindi pagkakasundo. Maaari ring maraming may interes sa pagbabagong mangyayari na nagmithing makakuha ng posibleng negosyo, lalo na sa produksiyon ng mga teksbuk. Ang balita ko, naging “pahirapan” ang pagkuha ng mga mapang pangkurikulum na ito para sa mga materials developer—animo’y kontrabandong ipinupuslit noong nakatakda pa lamang itong matapos. Gaano kaya ito katotoo?]
Kung ako kay G. Claudio, sapagkat may mithi naman siya na maging tagapamansag ng interdisciplinarity, aaralin ko muna ang laman ng mga kurikulum na itong lilikha nga ng mga mag-aaral na tutugon sa “pangangailangang panlipunan at global na pamayanan”, ay lilikha rin tiyak ng mga Filipinong kubikong ang kamalayang pambayan. Sabihin na nating anti-nasyonalismo siya, na siya ngang posisyon talaga niya sa ispera publika. Malinaw na may direksiyong pambayan ang kurikulum sa Filipino, na agad-agad din nitong tinatalikuran sa pagmamapa nito ng mga kasanayanang nararapat na mapaunlad sa loob ng klasrum. Ginagawa ngang nakatutugon sa teknolohikong sagitsit ang mga bata, ngunit upang hayaan lamang nilang maging busabos ang bayan nating sawi.
Sana nga ay ganoon kadali ang lahat. Sana nga ay madaling kamtin ang mga mithi. Ngunit ang dali at praktikalidad na nasa hinagap ni G. Claudio ay sadyang napakalayo sa realidad.
Hindi ko lamang alam kung gaano kalalim ang kabatiran ni G. Claudio sa lagay ng ating edukasyon sa ibaba para maging madali sa kaniya ang malinaw namang pagtatanggol sa pamahalaan, sa CHED GEC, at sa DepEd BEP, sa isyung ito ng Filipino. Pinalad—o minalas yata—akong makapag-ikot sa maraming bayan sa Filipinas upang tumulong sa tinatawag na mga “teacher training” at nakausap ko ang mga guro mula sa mga sentro at malalayong bayan. Hindi sila handa para sa mga minimithing pagbabago ni G. Claudio, na mithing pambayan ko rin naman. Nababagabag sila. Mungkahi ko kay G. Claudio na sa lalong madaling panahon ay mag-ikot-ikot upang makaharap ang nakapanlulumong sitwasyon ng kakulangan sa paghahanda. Nakaambang lalong maging mangmang ang mamamayan. Lalong pinalala ng mapang pangkurikulum ang buhay ng mga guro, na lubhang hirap na dahil sa mababang sahod, kakulangan ng mga pasilidad ng paaralan, at higit na kawalan ng pagkakataong makapaghanda sa daluyong na ito ng K-12. Isa lamang ang disenyong pangkurikulum sa napakalaking balakid sa pagtupad ng mga gurong ito sa mga katungkulan nila, at tila hinayaan na lamang silang lumangoy sa malawak na karagatan ng estado.
Ngayon, dinadalaw ang lahat ng takot na mawalan ng trabaho, at sa palagay ko, hindi iyon dapat na ipagkibit-balikat lamang. Minsan, kailangang lumipas ang panahon ng hinahon upang ligaligin ang malupit na tiraniya ng pagtanggap-na-lamang at pagtitiis, na nakaambang sumakop muli sa atin. Naririto ang rebolusyong hinahanap ni G. Claudio, sa rebolusyon ngayon, ng mga pinatatahimik, sa ngalan ng pangako ng kaunlaran. Sa rebolusyon ng mga handa at matatapang na magsiyasat ng mga lingid na balangkas ng repormang ito, na handang humimay ng mga diskurso at dokumento sa ngalan ng tunay na pangangatwiran, bansagan mang “polemiko” o ultra-makabayan. Wala akong nakikitang masama, lalo na kung ganito kasama ang isinasalaksak sa ating mga lalamunan.
Isa pa, ang sabi ng mapang pangkurikulum ng BEP Filipino, layon nitong makahulma ng “buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.” Bakit kaya ang lumalabas ngayon, parang higit na kamangmangan, lalo na sa pagiging Filipino, ang tinutunghang landas ng mapa? Ito ba ang tuwid na daan? Daan patungo sa kamangmangan? Hayaang mabusabos ang wika at kasamang mabubusabos ang panitikan. Ang pagbusabos sa panitikan at wika ay hindi lamang atake laban sa kabansaan. Atake din ito sa totoong nilulusaw na disiplinang akademiko sa panahong ito ng neoliberal na pananampalataya—ang humanidades, na kandungan ng pagkatao at pagpapakatao. Isa sa mga haligi nito ang wika, ang panitikan. Nagtuturo man ang mga guro sa Filipino o sa Ingles, mismong estruktura ng pag-iral ng mga disiplinang tinatalunton nila ang nilulusaw ng sistema.
[Sa ibang pagkakataon, susuriin ko ang mismong balangkas ng CHED GEC. Nais kong ipakita ang pagkatuta nito sa “global” na mga kahingian. Tinik sa lalamunan ng globalisasyon ang humanidades sapagkat sa larang na ito sinisinop, sinusuri, at inuusig ang laksa nitong mga pagkukunwari.]
Nauunawaan ko ang sentimiyento ni G. Claudio hinggil sa imposibilidad ng kabansaan. Ngunit, sa ganang akin, hindi makatwiran na ganap na tanggalan ang mamamayan ng pagkakataon na mithiin ito, kahit patunay pa nga ni Caroline Hau ay isa itong katha. Kailangan din ang kuwentong ito. Kahit itatwa pa niya, ang pag-aaral ng wika ang batayan ng pagkamakabansa ng mamamayan. Maaari tayong maligaw ngayon, kung hahayaan natin ang mga sariling ganap na ma-tiyanak ng globalisasyon, at ng ASEAN 2015 Integration.
Salamat kay Dr. Antonio P. Contreras.
87 responses to “Pagkalusaw ng Isang Disiplina”
Arcibal, Jason A
Fil10 – A2
Matapos kong mabasa ang akda, hindi ko akalaing magkakaroon ng maraming problema sa pagdagdag ng dalawang taon sa pag-aaral ng mga estudyante dito sa ating bansa, pero bago ko sabihin at talakayin ang aking opiniyon tungkol sa aking nabasa, aaminin ko na nahirapan akong intindihin ang akda na binabasa dahil sa mga ginamit na malalalim at paulit-ulit na salita sa isinulat na akda.
Hindi ko alam kong ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa pagbabasa nito dahil magkasamang galit at tuwa ang aking naramdaman at ang dahilan kung bakit ay dahil mayroong pilipinong gustong tanggalin ang wikang tagalog sa ating pagaaral lalo na sa kolehiyo dahil sa ingles daw ang mas nakasanayang lenggwahe sa pagtuturo, at ang dahilan naman kung bakit ako natuwa ay dahil kahit papaano sa ating modernisadong bayan ngayon na kahit mas marami na ang gustong gumamit ng salitang ingles mayroon paring mga taong ipagtatanggol ang sarili nating wika dahil alam nila na ito ang mas magpapaunlad ng ating bansa.
Kung tutuusin may punto si G. Claudio sa iba niyang opiniyon dahil ang pagpapatupad nitong K-12 sa ating bansa ay hindi pangkaraniwan at mas lalong hindi madali dahil kagaya ng sinabi niya na mawawalan ng trabaho ang maraming guro sa bansa lalo na ang mga guro sa kolehiyo pero sa aking palagay mas gugustuhin ng ibang guro lalo na sa mga pribadong paaralan ang sitwasyong ito marahil ang dahilan ay madadagdagan ang kanilang sahod dahil madadagan ang taon sa pagaaral ng mga estudyante kaya naman kahit na matagal na itong ipinatupad ng gobyerno wala paring masyadong nagrereklamo dahil isa sa pinagkakagastusan ng mga Pilipino ay ang pagaaral.
Isa rin sa problema dito ay ang nagiiba nang paraan ng pagtuturo at ang malaking pagkakamali sa kurikulum, dahil dito sa akda nais nilang bigyan ng halaga ang maayos na pagtuturo pero katulad ng nabanggit tungkol sa oras na mayroong walumpung oras sa pagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino pero hindi ito napapahalagahan dahil hindi nila nagagawa ang dapat na gawin sa isang classroom dahil hindi oras ang dapat na idagdag kasi minsan hindi ito nagagamit, sabihin na nating mahalaga ang oras katulad ng mga sinasabi ng matatanda na ang oras ay ginto dahil ito ay mahalaga pero hindi ito ang solusyon ang dapat nilang idagdag sa ating kurikulum ay ang mga nilalaman nito dahil mas mabuti nang buod kung naiintindihan naman ng mga mag-aaral.
Malinaw na sinabi sa akda na minadali ang paggawa at pagdesisyon sa K-12 at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng gobyerno kung bakit nila ginawa ito, ayan ang mga gumugulo sa aking isipan siguro gusto nilang mapataas ang antas ng edukasyon sa Pilipinas pero ang nangyayari ay kabaligtaran dahil sa mga kabi-kabilang mga problema na dulot nito.
Kaya naman sa aking palagay na mas mabuting pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno at pagusapan kung paano ba talaga mapapataas ang kalidad ng edukasyon sa pilipinas at sa aking opiniyon na mas mabuting alamin nila ang nilalaman ng isang asignatura upang ituro sa mga estudyante hindi yung dadagdagan nila ang oras at mas mabuti kung gagamitin ang sarili nating wika sa pag-aaral.
LikeLike
Bilang isang batang estudyante sa unang taon sa kolehiyo, nahirapan akong maintindihan kaagad ang mga pananaw nina G. Claudio at G. Sanchez dahil sa teknikalidad ng pagtuturo ng wikang Filipino ang kanilang pinagtatalunan. Ang aking pananaw pagkatapos kong ilang ulit basahin ang kanilang akda, ay nahahati. May mga magandang dahilan si G. Claudio at may mga magandang pagsalungat si G. Sanchez na nagsusuporta para sa wikang pambansa.
Siguro nga ay may kabilisan ang pagpapatupad ng programa ng DepEd na K+12, at kulang ang oras na ibinigay sa paglilikom ng opinion at pananaliksik mula sa mga taong maaapektuhan nito, tulad ng mga guro, mga nagpapalakad ng mga paaralan/unibersidad at pati na mga magulang. Sa ngayon kasi, hirap na ang karamihan sa mga magulang sa pagtustos ng pag-aaral ng kanilang mga anak, maski na sa pampublikong paaralan. Sana ay matibay na susuportahan ng gobyerno ang pagdagdag ng “national budget” para sa edukasyon, dahil malamang, maraming bata ang malilipat mula sa pribado papuntang publikong paaralan dahil sa dagdag na gastusin. Ayon sa aking lola at magulang, kung ikukumpara naman ang kalidad ng edukasyon noon at ngayon, parang mas nasubaybayan ng mga guro ang kanilang mga estudyante noon; kaya maaaring hindi sagot ang pagdagdag ng 2 taon sa hayskul, kundi ang mas mabuting paglinang ng mga gustong maging guro. Kung maganda ang pagtrato sa mga guro, lalo na sa pampublikong paaralan, tulad ng maayos na pasahod at tamang dami ng estudyante bawat silid-aralan, mas maayos siguro ang magiging edukasyon ng mga bata, mapa-Filipino man o mapa-Ingles na asignatura.
Tungkol naman sa pagiging makabayan, kung hindi malalim ang pagkakatanim sa puso’t isip ng mga bata ang pag-ibig sa bayan mula sa elementarya, wala ring saysay at mababagot lang ang mga ito kung ipipilit sa kanila ang malalim na pag-aaral ng wika hanggang magtapos ng kolehiyo. Sa aking palagay, hindi nga tama na madaliin ang pag-aral ng mga obra maestrang nobela,at pag-ukulan lamang ng maiksing panahon sa hayskul. Ang mga malalalim na akdang panitikan ay dapat mas maagang umpisahan ang pagtuturo (tulad ng unang taon sa hayskul) upang mas maipaliwanag sa mga bata at mapapahalagahan nila ang kagandahan ng wikang Filipino. Maraming kurso sa kolehiyo ang mahirap ituro sa Filipino dahil ang mga teknikal na salita ay talagang banyaga tulad ng Medisina, Physics, Mathematics, Chemistry at iba pa. Siguro, mas mainam kung yung mga kursong may kinalaman sa pamumuhay, kultura at batas ng mga Pilipino ang maging obligado sa masusing pagtuturo ng wikang pambansa, tulad ng Edukasyon, Abogasya, Sining at Kultura, Pag-aaral maging Pulis, Sundalo, Pari, atbp. Para sa akin, ang pagiging makabayan ay hindi lang masusukat sa pananalita, kundi ang mga gawaing nakatuon para sa ikabubuti ng bansa at kapwa Pilipino.
LikeLike
Sumasangayon ako sa inyong opinyon, tunay na mahalaga ang sariling wika at marapat lang na ipagpatuloy ang paggamit nito para na rin sa ikauunlad ng ating bansa.
LikeLike
Sa tingin ko po ay hindi magandang alisin ang akadamikong Pilipino sa kurikulum. Para saan pa’t itoy naging ating sariling wika kung hindi naman natin ito mapag aaralan. Naturingan tayong Pilipino ngunit hindi tayo marunong tumangkilik sa ating sariling wika.
LikeLike
Mr. Sanchez, maraming salamat po at naibahagi niyo po ang inyong mga ideya sa pamamagitan po nitong blog. Sa totoo lang po ay noong hindi ko pa nababasa ito ay sa tingin ko ay isang magandang ideya ang K-12 sa panahong iyon. Nang mabasa ko po ang iyong blog ay napagtanto na ‘napaka-idealistic’ ng aking mga pananaw ukol sa paksang K-12. Tama po ang mga sinabi mo na marami ang mga guro ang hindi pa handa. Sa sitwasyon naman ng mga mag-aaral, Naniniwala rin po ako na hindi magandang gawing basehan ng pagkakaroon ng magandang edukasyon ang oras ng pagtuturo dahil ang importante ay ang kalidad nito at kung ang 80 oras ba na iyon ay magagamit upang talagang mas mapalalim ang kaalaman ng mga estudyante sa wikang Filipino.
Naniniwala ako roon sapagkat noong ako ay nag-aaral ng hayskul ay kahit gaano kami katagal nag-aaral ng Filipino ay, oo, ‘na-mememorize’ ko ang mga iyon pero hindi ko ito naisasa-puso at nabibigyan ng importansya. Noon, mas pinipilli ko pa ang paggamit ng wikang Ingles sapagkat mas madali ko itong nagagamit at mas binibigyang-diin sa amin ang paggamit ng wikang Ingles dahil para raw kami ay maging “Globally Competitive”. Ngunit, pagtungtong ko ng kolehiyo, nagapasalamat ako at nagkaroon ako ng isang propesor na naging instrumento para linangin ang wikang Filipino at gamitin ito. Sang-ayon ako sa inyo pong mga sinabi dahil ang karanasan ko pong iyan ay isang patunay na talagang ang kalidad ng pagtuturo ang dapat pagtuunan ng pansin at hindi ang oras.
Mula sa sinabi ko kanina, hindi ko naman po itatanggi na hindi natin kailangan ang wikang Ingles dahil importante rin ito dahil sa globalisasyon. Pero ang sabi nyo nga kung saan ako ay sumasang-ayon, ay wag sana maging sanhi ang globalisasyon upang tayo ay makalimot at hindi mapalago ang ating sariling atin.
Tungkol naman po roon sa mga teorya, iniisip ko po na hindi naman masama gamitin ang mga teoryang iyon pero huwag lang sana itong gamitin kung ito na ay magiging hadlang sa pag-intindi ng mga estudyante sa kanilang mga binabasa. Sa palagay ko, ang paggamit ng mga teorya ay maari din makatulong sa mga estudyante makita ang iba’t ibang angulo ng kanilang binabasa para magkaroon sila ng iba’t ibang ideya, ngnunit, gaya nga po ng inyong sinabi ay maaaring maguluhan lamang ang mga estudyante. Sa tingin ko ay nakasalalay sa pagtuturo ng guro ang kaguluhan ng estudyante sa mga teoryang iyon. Bilang estudyante, nakakakuha po ako ng mga bagong ideya sa mga teoryang iyon kapag ako ay nagsusulat ng kuwento.
Matapos ko pong mabasa ang inyong blog ay mas naintindihan ko na po ang panig ng mga guro at kung bakit mayroong may hindi gusto sa K-12. Sana po ay patuloy po kayo magsulat ng mga ganitong blog entries kung saan ang mga estudyanteng katulad ko ay nalilinawan sa mga bagay-bagay.
Maraming Salamat po!
LikeLike
Sumasang-ayon sa halos lahat ng sinabi ni G. Sanchez dito lalo na sa sinabi niyang hindi oras ang batayan sa pagiging bihasa natin sa ating wikang Filipino. Sang-ayon din akong hindi lang dapat wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo dahil ang pag-aaral ng ibang wika ay napakarami ring naitutulong sa ating kahusayan sa pagkakaintindi ng mga bagay bagay. Sa totoo lang, hindi ako sang-ayon sa programang K-12, dahil ang dami nitong maidudulot na problema. Una, mas maraming hindi makakapag-aral dahil sa kakulangan ng pera pambayad sa eskwelahan. Oo, mayroong mga pampublikong paaralan na hindi nagpapabayad ng matrikula ngunit hindi naman nito sakop ang iba pang pangangailangan ng isang estudyante. Pangalawa, maraming guro ang mawawalan ng trabaho sa kadahilanang ang mga estudyante ay hindi na kailangang mag-kolehiyo pagkatapos nila ng grade 12. Nais kong malaman mula kay G. Sanchez kung hindi ba siya sang-ayon sa programang K-12. Naniniwala akong hindi dapat tayo bumabatay sa ibang bansa sa kung paano tayo uunlad. Ang programang ito ay may pangakong kaunlaran sa edukasyon na sanay matupad ng gobyernong lumathala at nagpatupad dito.
LikeLike
Ako ang sangayon sa mga bagay na sinasaad ng artikulong ito. Hindi tamang madaliin ang mga bagay lalo na ang pagaaral upang makamit ang matamis na kinabukasan. Hindi mo mabibingwit ang isang isda gamit ang pagmamadali. Kailangan nating isipin na ang pagbabago ng kinaugalian at paraan ay hindi madali, dahil kaakibat nito ang pagtapon ng mga bagay na mistulang hadlang sa ating hinahangad.
Naghahangad tayo ng mas magandang kinabukasan, mas marangyang edukasyon at mas teknikal na pagiisip para sa ating bansang Pilipinas. Ngunit bakit sa panahon ng pagbabago at pagpapalit, tayo ay nagsusumbatan ng mga hinaing at problema sa isat isa.
Mga problemang gumugulo sa mga guro, estudyante, magulang at mga makatang mataas ang naibahagi sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ang pagtatago ng mga bagay na ito ay magdudulot lamang ng mas malaking kalamidad sa huli. Hindi maling ipatupad ang K-12 na edukasyon sa Pilipinas, ngunit sa lumalabas na mga balita at isyu, imbes na ito ay isang solusyon ito ay nagiging problema.
Walang bahid ng konsiderasyon sa mga taong maapektuhan ng pagbabagong ito, nakakabulag ang premis ng makabagong paraan. Pagsunod sa mapang gusto itakda upang hindi maligaw ng landas. Hindi ito pag babago, hindi ito pag bibigay ng mas mabuting edukasyon, ito ay isang “guide book” upang pasunurin ang maaamo rito. Kasama sa mapang ito ay ang pag basura ng wikang Filipino sa kolehiyo, ito ay isa mga katraydoran ng pagiging Pilipino. Pagamit sa ng Wikang Ingles upang ipalaganap ang mas mahusay na pagtuturo, mabilis na pagunawa ng mga bagay na teknikal at walang kapantay na kaalaman. Hindi ito ay tamang daan, hindi ito ang tamang pagpapalit ng ating edukasyon.
Mali bang pagaralan ang isang bagay ng marahan at maayos ? Mali bang bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na malaman ang kanyang abilidad sa pagiintindi ? Mga tanong na hindi nabibigyang pansin dahil sa pagtatago sa dilim ng mga tauhang nais lamang ay pagbabago. Ako ay naaawa sa mga mag-aaral namaiiwan ng bangka sa oras na lumayag ang barko patungo sa walang kaplano-planong kinabukasan. Mga batang marahan ang pagiintindi ng ibig sabihin at katuturan ng kanilang mga mapagaaralan. Mawawalan ng saysay ang mga bagay na naghihiwalay sa pagunawa at pagsunod lamang. Gagawan natin ng pader ang karunungan na hindi lahat ay makakabot.
Hindi ba mas magandang isipin at talakayin ang mga bagay na iyong nakamit papunta sa iyong pangarap? Ang iyong pangrap ay nariyan lamang nagaantay ngunit ay iyong daan ay puno ng pasikot-sikot at madidilim na daan. Huwag natin bigyan ng daan ang ating mga mag-aaral na hindi nila makikita, bagkos sila ay samahan ng dahan dahan. Gamitin natin ang Wikang Pilipino at lahat ng kaakibat nito upang mapaliwanag natin ang daan na tatahakin pa lamang.
Ako ay malakas na sumasangayon sapagpapasa ng K-12 na edukasyon sa Pilipinas. Ngunit ito ay dapat munang pagisipan at pag-aralan pa ng maayos. Dahil kapag ito ay pumalpak at hindi naging mahusay. Ito ay magdudulot ng malaking kaguluhan sa mga kabataan. Maari nitong ibahin ang pananaw ng mga esdudyante sa edukasyon ng Pilipinas. Kailangan nating protektahan ang koneksyon na naguugnay sa ating mga kabataan at kalamaan.
Sumulat : Kendrix Pentecostes
LikeLiked by 1 person
Bago paman ipinatupad ang k-12 sa ating bansa ito’y ay pinoproblema na ng ating mga gobyerno, mga eskuwelahan at ang mga magulang dahil kailangan natin mag dagdag ng mga kwarto sa paaralan at magkakaroon ng bagong mga panksang aaralin at madadagdagan ng taon para makapag tapos ng pag-aaral. Pero para sa akin may punto rin si G. Claudio na ang pagpapatupad nitong K-12 sa ating bansa ay hindi pangkaraniwan at mas lalong hindi madali dahil kagaya ng sinabi ni G. Claudio na mawawalan ng trabaho ang maraming guro sa bansa lalo na ang mga guro sa kolehiyo pero sa aking palagay mas gugustuhin ng ibang guro lalo na sa mga pribadong paaralan ang sitwasyong ito marahil ang dahilan ay madadagdagan ang kanilang sahod dahil madadagan ang taon sa pagaaral ng mga estudyante kaya naman kahit na matagal na itong ipinatupad ng gobyerno wala paring masyadong nagrereklamo dahil isa sa pinagkakagastusan ng mga Pilipino ay ang pagaaral.
LikeLike
Isa itong paksa na ito sa mga paksang kumukuha sa aking intres kahit minsan, inaamin ko naman na hindi ako palabasang tao. Kahit pa noong bata ako ay lagi kong tinatanong sa sarili ko, “Bakit nga ba hindi ang Wikang Filipino ang ginagamit namin?”, at dahil bata pa ako noon, hirap na hirap akong matuto ng Wikang Ingles. Nagagalit pa lagi sa amin ang aming guro kapag nagsasalita kami gamit ang wikang Filipino.
Ngayong nasa kolehiyo na ako, hindi na ang sarili ko ang aking tinatanong, kung hindi ay ang mga namamahala ng edukasyon sa ating bansa, ang Department of Education, Commision on Higher Education at pati narin ang Gobyerno. Napapaisip ako kung minsan na “Mahirap ba ang gamitin ang sariling wika sa pag-aaral, eh hindi ba mas madali iyon? Mahirap bang ipatupad iyon bilang batas?” Pero siyampre ang pagpapasa ng batas ay alam ko naamn na hindi madali at mabilis. Pero dapat pa ba anamn pagdebatihan ang paksang ito? Hindi ba madaling sagutin ang tanong na, “Anong mas naiintindihan mo? Wikang Ingles o Filipino?”.
Siyempre, ang Wikang Ingles ay dapat parin nating matutunan, ito ay para magkaroon tayo ng kalamangan lalo na sa mga taga ibang bansa na hindi marunong mag salita ng Ingles. Pero dapat parin na ang wikang Filipino ang gamit sa daloy ng pag-aaral.
Nais ko pong mahingi ang inyong opinyon sa mga bansa na hindi kasama sa kanilang edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Ingles at gamit lamang ang kanilang sariling Wika ngunit malakas at maunlad parin ang kanilang bansa kung ikukumpara sa ibang bansa na marunong ng Wikang Ingles tulad ng Pilipinas.
LikeLike
Una sa lahat, salamat po sa magandang artikulo dahil nag bigay ito ng maganda pananaw sa isang makabuluhan paksa.
Hindi po ba ang Pilipinas ay nahuhuli na sa buong bundo pagdating sa education, na lahat po ay sumusunod na po sa K-12 na systema? kung ganun po ba isa rin sularin ba ang education natin sa pag-unlad ng bansa?
Sa aking pananaw ang isa po gusto iparating ng inyong artikulo ay hindi po kayo sang ayon sa systemang K-12, dahil ito po ay isa po hadlang sa pagtuturo ng wikang Filipino , katulad na lang iyong halimbawa na may roon 80 oras at malamang ito ay mag tuturo lamang ng mga sariling kalisyaan at basura.Ang isa pa po gusto iparating ng inyong artikulo ay ang pagtangal ng Filipino sa kolehiyo at mawawalan ng trabaho ang mga professor.
Ang wikang Filipino rin ay isang complicado wika, hindi to madali ituro at maintindihan dahil marami ito sinusundan ng mga alintuntunin. tulad na lang ng pagamit ng “din at rin” at marami pang iba, kaya sa aking tingin dapat ito ay matutunan ng isang estudyante para ito ay mapahalaga nya pa ito.
Ang aking opinyon ay una ay isang malaking benipisisyo ang K-12 dahil ito ay magbibigay ng maraming oportunidad sa mga kabataan at lalo na madadalian na sila sa kolehiyo. Pero ang hadlang lang po to sa mga professor po ay mawawalan ng trabaho at may mga asignatura sa eskuwela na lalo na mahihirapan maitindihan ng mga estudyante kapag wikang Ingles ang gagamitin nila.
LikeLike
Pagkatapos kong basahin ang blog ni sir Louie John Sanchez ay agad agarang pumasok sa aking isipan ang importansya ng ating wika sa atin bilang mga mamamayan at mga anak ng ating inang bayan. Ayon kay Sanchez, ang ating wika raw ay hindi dapat natatapos sa mabilisang paraan. Ang hindi pagturo ng maayos ng wika sa ating mga paaralan; pampubliko man o pampribado, ay isang malaking pagkukulang dahil ang pagaaral at pagususuri ng wika ay isang malasensitibo na bagay. Ito ay sensitibo dahil ang wika natin ay sumasalamin din sa ating mga kasaysayan at mga nakasanayang mga kultura
Kung ating babalewalain at kakalimutan ang ating wika ay ito ay agad agarang mawawala ng parang bula dahil maraming eksternal na impluwensya na mabilis nakakapagbago ng isipan ng mga tao. Isang magandang halimbawa rito ay ang mga naimbentong mga bagong salita katulad ng jejemon. Ang jejemon ay sumisira sa tunay ng pagbabaybay at pagbibigkas ng mga salita.
Ang k-12 program ng DepEd na naipasa noon ay magiging epektibo na sa susunod ng school year. Maraming mga pagbabago na magaganap; sa pisikal man na pagabago ng mga eskwelahan o sa paraan ng pagturo ng bagong curriculum ay siguradong mababawasan ang pagtuturo ng Filipino dahil mukhang mas bibigyan pansin ang Ingles dahil para raw makasabay tayong mga Pilipino sa globalization. Kung totoo nga ang ito ay lubusang mawawala ang tunay na kahalagan ng ating sariling wika sa ating mga tunay na gumagamit nito sa pang araw araw na pamumuhay natin. Isa pa ang pagkawalang saysay ng mga pangunahing pinagmamalaking mga obra katulad ng Ibong Adarna, Floranter at Laura at Noli me Tangere at El filibusterismo na inilikha mismo ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Oo, itinuturo nga ang Filipino sa ating mga paaralan ngunit tinatanong ba natin kung ang pagtuturo na ito ay sapat na upang matawag natin na mahal natin ang ating sariling wika at hindi nga mga dayuhang mga salita?. Bilang isang estudyante ng Mapua at isang ordinaryong mamamayan,gusto kong magkaroon ng mas magandang pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino. Yung pagtuturo na kung saan mas bibigyan pansin ang pagtukoy ng importansya ng wika sa atin ngayon, sa atin sa kinabukasan at sa mga susunod pang mga henerasyon.
LikeLike
Magandang pagbati sayo ginoong Louie Jon A. Sanchez, Ako nga pala si John Rheden R. Lawas, Isang estudyante mula sa klaseng Filipino 10 pangkat A3 sa paaralan ng Mapua institute of technology sa dakong intramuros. Ng aking mabasa ang iyo pong blog ay duon ko lamang na lububsang naunawaaan na napakalaki pala ng ipekto ng pagbabago ng sistema na inalalathala ng sistemang K-12 ng ating edukasyon na pangkasalukuyang napapatupad na sa ating bansa. Akin din napagtanto na kung ating mamarupatin ang sistemang ito ay maypagkukulang sa mga maapektuhan nito tulad ng mga guro na posibleng mawalan ng trabaho dahil ang mga kurso na kanilang tinatalakay ay posibleng ng tanggalin at palitan ng sistemang nakasaad, ikalawa ang mga magulang na hirap na hirap ng paaralin ang kanilang mga anak lalaong lalo na an mga kapos para mapagaaral ang kanilang mga anak lalong lalo na ang mga estudyante sa pampublikong paaralan at ang panghuli ay ang mga estudyante na aabot sa sistemang ito dahil .
Aking din napagaalaman na mas natututkan ang pagaaral ng estudyante nuon kesa ngayon kaya’t aking masasabi na duon palang sa pahayag na iyon ay hindi sulusyon ang pagpapalit ng sistema ng edukasyon kaya aking napagpalagay na ang problema ay nasa estudyante dahil kung ikaw mismo di mo alam kung ano ba talaga ang dapat na ginagawa ng isang tulad mo ay kahit mayK-12 o wala eh matututo at matututo ka padin. Aking din naintidihan na kahit palitan man ang edukayson ng K-12 kahit anong ipilit ay ganun padin mana ang sistema ngunit ito ay maspinagdikit dikit kesa sa normal na klase ng edukasyon kaya’t mahihirapan makibagay ang mga estudyanteng tatamaan ng sistemang ito.
Kung atin namang ipapaliwanang sa prospektibo ng pagiging makabayan ay ito ay isang malaking mali para sa ating mga pilipino dahil una salahat nakasaad sa sistemang ito na tanggalin ang kursong pilipino. Diba? napakahibang ng nagiisip neto dahil ikaw bilang isang pilipino ay tatanggalin mo ang kursong ito, Parang itinanggi mo nadin ang sarili mong bayan kung ganun. Kaya’t aking ng naintindihan na dapat hindi madaliin o gawing ang sistme ng K-12 dahil magiging isa lamang malaking butas ito sa ating kumunidad na ibes makatulong sa pagpapaunlad ng ating lipunan ay baka lalo pa itong lumubog sa dami problema na posibleng maidulot nito. Nais ko din sabihin na imbes na pagpapatubad ng K-12 ay atin nalang dapat pinapalakas at pinapalawang ang ating wikang pamabansa sa ating pagtuturo ng di lang termino kung di pati nadin ang mga salitang walang pagsasalin sa wikang pilipino na pwede pa nating magamit upang mas mapadali ang edukasyon sa ating bayan. Kaya aking masasabing magandang panimula ang blog na ito upang makabuo ng mas makabagong ideya o opinyon patungkol sa sistemang gustong ipatupad ng ating pamahalaan ang K-12 Kagaya ng aking ginawa mahulma ang aking ideya o opinyon patungkol sa sitemang ipanpaliwanag sa akdang ito at mailahad ang aking saloobin ng mas klaro at magkaroon narin ng sapat na kaalaman para aking mapipahayag ang aking saloobin patungkol sa K-12
LikeLike
Noong mga nakaraang araw ay naglabas ang CHED ng isang desisyon na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Iba’t-iba ang tugon ng bawat tao sa desisyong ito. Marami ang na pabor sila rito dahil sa mas makabubuti kung pagtutunan ng pansin at atensyon ang ibang asignatura tulad ng Matematika, Sipnayan at Ingles. Sinasabi din na mas epektibo ang pag-aaral ng mga estudyante kung nakatuon sa isang wika lamang ang lahat ng asignature at yun ay ang wikang Ingles. Ngunit, marami ring naniniwala na ang pagtanggal nito sa estraktura ng kurikulum ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay parang pagpatay sa sariling wika. Oo, marahil ang wikang Filipino ay gagamitin din sa ibang mga lugar bukod sa paaralan, ngunit hindi maituturo at maiwawasto ang tamang paggamit nito sa lahat ng sitwasyon. Kung tatanggalin ang Filipino sa kurikulum, mas lalong mahihirapan ang mga estudyante sa pagsasanay ng wikang Filipino.
Isa rin sa paraan ng pagpapalawak at pagpapaunlad ng isang wika ay ang maayos at wastong paggamit nito. Kung tatanggalin natin sa mga paaralan, ang kaisaisahang lugar kung saan maiiwawasto ang kamalian sa paggamit ng wikang Filipino, mas lalong mamatay ang wikang ito at mapapalitan ng mga modernong wika na sumabay sa pagbabago ng panahon tulad ng jejemon, conyo at bekimon. Ngayon, kung gusto nating maging daan ang wikang Filipino sa pagsisimula ng mga intelektwal at akademikong mga diskurso, kailangan natin itong linangin at palawakin. Hindi rapat tayo limitado sa mga hiram na salitang banyaga sa halip ay humihiram tayo sa ating mga kapwa kababayan ng mga salita.
Bilang wakas, naniniwala akong ang hindi paggamit ng wika ay siyang papatay sa isang wika. Kung hindi natin ito lilinangin, mananatili itong isang wika na kailangang tanggalin upang magbigay-daan para sa ibang wika na gamitin para sa pang intelektwal na mga diskurso. Ang pagtanggal sa wikang Filipino ay marahil isang hakbang lamang ngunit ito ay mayroong malaki at pangmatagalang epekto sa mga Pilipino. Ito ay simula lamang sa unti-unti nating pagpatay sa ating wika.
LikeLike
Magandang gabi, G. Sanchez. Ako ay lubos na sumasang-ayon sa iyong pananaw ukol sa problema patungkol sa edukasyon ng Pilipinas. Nabigyan niyo na malinaw na paliwanag ang patungkol sa kurikulum na ipapatupad kaakibat ng K-12 program implementation. Nabuksan niyo ang aking isipan at kamalayan sa totoong estado ng ating edukasyon.
Una sa lahat, isang maling hakbang ang pagtanggal ng Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo. Mahirap ang ating bansa. Isang paraan upang tulungan ito ay ang paggamit ng sariling wika. Nararapat ng matigil ang pagsaalang-alang ng globalisasyon sapagkat naaapektuhan nito ang ating bansa sa maraming aspeto. Marahil para na ring nawalan ng sariling katauhan ang isang tao tulad ng pagkawala ng isang wika ang bansa. Ang wika natin ay napakamakapangyarihan. Ito na ang instrumento at nagpapakilala sa atin bilang isang bansa, isang nasyon. Kaya’t hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang gamitin ang Ingles sa pagtuturo gayong nariyan naman ang Filipino na unang wika ng bansa. Nakalimbag na rin sa bawat isa na mas nagkakaintindihan ang mga Pilipino kapag Filipino ang ginagamit. Pangalawa, ang K-12 para sa akin ay isa lamang kalokohan. Kung mapapansin natin, paano naging tulong sa mga mamamayan ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa pag-aaral? Dagdag lamang ito sa mga gastusin at dagdag problema sa mga estudyante, guro at magulang. Ang oras ang hindi nagdidikta sa pagkakaroon ng mas madaming kaalaman. Ito nga naman ay nakasaalang-alang sa mga nilalaman at tinuturo ng ating mga minamahal na guro. Kaya’t maling banggitin ni G. Claudio na isang epektibong paraan ang pagtanggal ng kursong Filipino sa kolehiyo. Hindi natin masisiguro na kung idagdag ito sa aniya’y Senior High ay mas lalong magiging “advanced” ang kaalaman ng isang estudyante. Pangatlo, ang mga nakasaad sa kurikulum ay dapat pinag-aaralang mabuti sapagkat nakasalalay ang kinabukasan ng hindi lamang iisang tao kundi ng buong bansa. Ang pag-aaral ay hindi pabrika ng manggagawa bagkus ito’y lugar ng pagbuo ng bagong kaalaman na maiaambag sa ating bayan. Bawat salitang nabitiw ni G. Sanchez ay sinasang-ayunan ko patungkol dito. Pang-apat, walang kasiguraduhan na hindi mawawalan ng mga trabaho ang mga guro. Paano kung Filipino lamang ang tinuturo ng isa? Posible itong mangyari. Panglima, ukol sa huling taon ng pagtuturo sa hayskul, mali na minamadali ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng mga nasabing panitikan. Kailangang malaman ng bawat isa ang mayaman na kultura ng ating bansa paggdating sa literatura. Ang mga akdang Florante at Laura, Noli me Tangere, at El Filibustrismo ay mga akdang nakakapukaw ng atensyon at pagmamahal sa bansa. Mali din na ang mga pinaikling akda ang ituro sa mga mag-aaral sapagkat hindi nila malalaman ang mas malalim na kahulugan na nakapaloob sa mga akda. Bilang pagwawakas, bilang mag-aaral sa kolehiyo, dapat hindi tanggalin ang Filipino. Dahil hindi lamang ang pagbigkas ng mga salita, mga ponema at mga istruktura ang tinuturo dito bagkus mas malalim pa ang naibibigay nito sa bawat isa sa atin. Marapat na pag-isipang mabuti ang kurikulum at huwag patayin ang kamalayan sa ating wika. Maging isa tayo, isa sa isang mabuting mithiin di lamang para sa isa kung hindi sa buong bayan.
Maraming salamat po.
LikeLike
Ang ating wika ay karapat dapat lamang pagaralan kahit na mag dagdag pa sila ng dalawa pang taon sa high school dahil ito ang sarili nating wika at ito ay karapat dapat lang matutunan at maisabuhay ng bawat pilipino. Ito ang ating wika ipagmalaki ito at isabuhay ang wikang Filipino. nararapat lang na malaman ng bawat isa saatin kng gano ito kahalaga sa buhay ng isang pilipino.
LikeLike
Magandang gabi po sainyo Sir Sanchez. Ako po ay sumasang-ayon sa inyong sinasabi na hindi dapat tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Kahit pa na K to 12 na ang sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas. Minsan nga ay nagtataka ako kung bakit ganito na ang nangyayari sa Pilipinas. Bakit kaya ginagaya ng gobyerno ang sistema ng ibang bansa? Bakit umaabot sa punto na gusto na natin kalimutan yung sarili nating wika?
Kung tutuusin nga, may mga bata o dalagita o binata, kasama na ako, na hindi na pamilyar sa ibang salita ng Filipino. Yung kinakailangan igoogle translate mo galing sa English papuntang Filipino. Hindi ba’t nakakahiya yung ganon. Hindi tama yung ginagawa ng gobyerno eh. Buti pa kung ang lahat ng gagraduate ng highschool ay ekspert ka na sa asignaturang Filipino, doon nila tanggalin ang Filipino sa kolehiyo. Pero hindi eh. Hanggang sa makatapos tayo ng pag-aaral, kailangan parin natin tong pag-aralan. Dapat sanayin natin ang ating sarili sa Filipino dahil ito ang ating wika. Ito ay kailangan nating paunlarin sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa kapwa. Kaya dapat mamulat ang mga mamamayan dito.
LikeLike
Sa aking palagay, mabuti pang ibasura na lamang ang k-12. Maayos na ang dati nating sistema, bakit pa babaguhin ? Sabi nila for “improvement”, alam naman nating lahat na hindi lahat ng pagbabago ay maganda o makakaayos ng sitwasyon. Tungkol naman doon sa pagtanggal ng akademikong Pilipino, hindi ako sang-ayon dito. Tayo ay mga Pilipino, bakit hindi natin pag aaralan kung ano ang atin? Alam kong kulang ang aking kaalaman sa mga ganitong mga paksa. Ito ay mga opinyon ko lamang.
LikeLike
Masasabi ko sa aking sarili na sang ayon ako sa sinasabi ni G. Sanchez, Sa pag tangkilik ng ating wika ito ay isang bagay na masasabi natin na tayo ay isang filipino. Pero sa pagka-wala ng Filipino ay meron pa rin ito mga positibiong epekto lalo na sa ating ekonnomiya sa ating bansa. Alam natin na ang pilipinas ay humaharap sa matinding “economic crisis” sa pagbaba ng ating mga ekonomiya at pagiging 3rd World country ay masasbi natin na kailngan natin ang ibang bansa upang umasenso ang ating bayan. Ang pangunahing bagay na kailngan natin sa kanila ay ang lenguage Ingles at ito ang tulay uapng magka intindihan ang mga taga-iba bansa. Masasabi natin na marami guro ang matatangalan ng trabaho dahil sa K-12 at sa pag tangal ng Filipino sa istruktura ng edukasyon masasabi natin na mas lalo pa natin matutunan ang wika ingles at mahahasa ito pero sa pag lago ng mga taga’iba bansa ay masmarami ang nawawalan na ng interest sa pag-aral ng sarili wika at ito ay nakaka alrama dahil sa pagka wala ng ating wika masasabi natin na parang sumuko na tayo sa ating bansa at nung pnag laban natin ang pilipinas laban sa mga dayuhan ay parang wala na bisa ang pag laban nila dahil hindi natin napanatili ang pagka filipino natin. Pero sa aking opiniyon sa pag dagdag ng edukasyon o simpleng K-12 ay masasbi ko na tama lang ang pag dagdag nito oo matatagalan tayo sa ating pag-aaral at mas lalo pa nito mapapahaba ang ating pag-aaral pero sa pag-aaral natin ng mahaba sa mababa edukasyon ay masasabi ko na ito ang daan upang mas lalo pa mabusisi ang pag aaaral ng ating mga filipino sa mga bagay-bagay katulad nalang ng math ako po ay isang engineering student at masasabi ko pa mahirap po talaga ang kulang-kulang na edukasyon na nattunan ko at kailangan ko pa mag handa sa aking buhay bago ako lumaban sa kolehiyo. Pero sa pag dagdag ng dalawa ng taon ay mas lalo ko pa mabubusisi ang aking mga makakaya at mas marami pa ako matutunan. Hindi naman masasayang ang dalawa taon kung tutusin nga mas mapapagisipan pa natin kung ano talaga ang gusto natin pag dating ng kolehiyo. May mga huling katangan lang ako dahil sa pag baba ng ating ekonomiya ito ay isang hadalng sating bansa dahil sa mga filipino hindi marunong mag ingles pano natin mapapatunayan na umasenso pa rin ang pilipinas? At kung tutukan natin ang ingles hindi naman ba masama ang pag asenso nito? Ang alam ko lang naman na mali dito ay ang pag tangal ng pag-aral ng Filipino dahil ito lamang ang daan upang maipag malaki natin ang ating bansa.
LikeLike
Sa aking ipinyon, sabi nila sa isang paglalabanan ng dalawang panig dapat gumitna ka at wag kumampi. Sa pagbabanggaan ng ideya ng tutol sa sang-ayon. Palaging mayroon tama at mali sa parehas na panig. Ngunit Oo tama na hindi dapat isang tabi ang Wikang Filipino lalo na sa edukasyon ngunit hindi ba tama din naman na baguhin na ang sira-sira o gutay-gutay na sistema ng edukasyon. Lahat naman ng bagay ay may mali at tama, kaya sana imbis na maghilaan tayo o magparamihan ng simpatya ng mga kababayan natin bakit hindi nalang tayo magtulungan lahat para sa mas ikaaayos at ikauunlad ng lahat.
Sa bawat pagpapakilala ng pagbabago laging may sasang-ayon at may kokontra. Madalas parehas may tama at mali sa magkabilang panig. Ang kulang lang ay mag-bigayan. Sa estado ng kaalaman niyo sa mga bagay na ito malamang ay alam niyo na kung ano talaga ang dapat at hindi. Walang ibang makakapag ayos ng problema sa pagbabangaan ng ideya kundi ang magkabilang panig.
Madami nagsabi na gumagaya lamang tayo sa ibang bansa. Bakit? hindi ba natin sila dapat gayahin?. Kaya nga sila maunlad dahil maayos ang sistema nila. Isa pa hinding hindi mawawala o mamamatay ang sarili nating wika kung alam natin sa sarili natin kung san tayo nagsimula. Parang relihiyon lang yan, kung alam mo sa sarili mo na may pananampalataya ka. Hindi lang din dahil sa kailangan natin pumasa sa isang subject natin sa kolehiyo e papanig na tayo agad sa kung saang panig ang ating guro o magpapaka Pilipino tayo bigla sa isang iglap lang.
Kung sa tutuusin karamihan sa sumang-ayon ay sila pa tong mga ingleshero-ingleshra. Ako bilang sawa na sa bangayan ng mga pumipigil at nagpupumilit ng pagbabago wala na din dapat akong pakialam dito at hayaan nalang umikot ang mundo pero kailangan ko magkumento at makakuha ng grado sa isang subject ko.
Ang masama pa ang daming namulat daw. O pinilit nalang na sabihing namulat dahil kailangan lang ng grado. Magbigayan nalang tayo para mawala na ang dalawang sulok at maging isa.
LikeLike
Pagkalusaw ng disiplina
Napakagandang mga punto ang ipinamulat sa akin si Sanchez. Napagtanto ko kung gaano kalaking bagay ang wika sa isang pamayanan ngunit ang pinaka tumatak sa aking isipan ay ang “wala sa haba ng oras ang kalakasan ng isang programang pang-edukasyon kundi nasa nilalaman nito.”
Ako man, bilang eestudyante ay nakakaugnay sa suliraning ito. Noong ako nga ay nasa Hayskul pa, ang haba ng oras upang pag-aralan ang mga bagay lalo na ang mga istoryang tumatak satin katulad ng FLorante at Laura, Ibong Adarna at ang mga librong likha ni Rizal Noli mi Tanghire at El filibutirismo. Ngunit, dahil sa ito nga ay Filipino, sa palagay ko ay nakadagdag ito upang mapatgal ang diskuysyon sapagkat napakalalim ng ng mga salitang ginamit. Nahihirapan kami upang unawain ang ibig sabihin ng mga may akda tungkol dito. Alam naman nating hindi isang “plain story” lamang ang mga ito ngunit may mensahe itong pinapahayag sa atin. Noon nga, kapag kami ay tinatanong tungkol sa buod ng istorya, sobrang madalang lamang ang nakakainitndi sapagkat hindi nga gaanong sanay sa wikang Filipino.Ako man ay nahihirapan intindihin ang artikulo sapagkat para sa akin ay napakalalalim ng mga salitang ginamit ng manunulat.
Ngunit, kung bibigyang pansin siguro ang Filipino, at hindi ibababsura marahil ang klase ng ating pakikipagtalastasan sa Filipino ay magiging madali at sa pamamagitan nito, makaktulong tayo sap ag-unlad ng wika nating pambansa. Ngayon nga na maisasagawa na ang K-12, bakit kailangang isantabi ang Filipino gayong ito ang tumatatak sa aating pagkaPilipino. Bakit kinakailangan itong alisin gayong ito ang kailangan ng marami sa atin sapagkat ito ang huhulma sa ating pagka-Pilipino. Hindi lamang iyon, dahil dito,hindi lamang mga estudyante ang apektado ngunit magingmga guro na mawawalan ng trabaho.
Bilang mag-aaral, ang kinakailangan naming ay kalidad ng edukasyon sapagkat kung may kalidad, hindi mo aalalahanin ang haba ng oras na iyong naitutuon dito. Ang kalidad ay higit na epektibo kesa sa haba ng oras na wala ka namang naiinitindihan.
LikeLike
Costales, Erika Mae D./Fil10-A3
Sa aking opinyon, wala naman siguro mali sa paghangad ng kung ano man ang minimithi ni Ginoong Claudio sa kanyang artikulo patungkol sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Nagkamali lang siya sa paggamit ng mga salitang “emotionally-charged” at “ill-informed nationalist polemics” sa mga taong pinagtatanggol ang kanilang trabaho sa pagturo at ang asignaturang tinuturo nila. Sa tingin ko, dapat hindi tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at ang dapat ituro rito ay ang iba’t ibang lingguwahe na meron sa Pilipinas. Karamihan sa mga estudyante ngayon sa kolehiyo ay maaaring pumayag rin na tanggalin ito sa kadahilanan na paulit-ulit na lang raw ang itinuturo na siya namang aking pangsasang-ayunan rin. Pero kung tatanungin ko ang sarili ko at kung titingnan ko ang kumento ko rito, ay baka marami akong maling grammar. Aaminin ko rin na kung minsan, ay hindi ko kayang magsalita ng deretsong Tagalog kahit ito ang aking mother tongue. iIsa pa, Tagalog ang tinaguriang Pambansang Wika ng Pilipinas, pero para mabigyang hustisya ang sinasabi nilang wikang Filipino, dapat tinuturo rin kahit papaano ang ibang lingguwahe na meron sa bansa. Paano natin masasabi na alam na nga natin ang wikang Filipino kung iisang lingguwahe lang ang alam natin diba? Ang pag-aral ng wikang Filipino ay hindi lang kung paano bumuo ng pangungusap, ang tamang gamit ng pandiwa, at iba pa.
LikeLike
Ako ay lubusang tumututol na tanggalin ang wikang Filipino bilang pangwikang akademiko. Sa kadahilanang ang wikang Filipino ay ang susi sa pag-unlad ng ating bayan. Dahil sa paglinang ng wikang Filipino ay sabay na rin ang pag-unlad ng ating bayan. Hindi dapat tayo palaging sumunod sa mas makapangyarihan sa atin. Dahil hindi parati ay sila ang tama. Dapat marunong tayong mangatwarin lalo na’t wika ang usapan dito.
LikeLike
Sangayon ako sa pinaglalaban ni G.Louise Sanchez sapagkat marami pa ang dapat asikasuhin ang ched kaysa sa pagpapatupad ng k-12 program at sa tingin ko na mas dapat bigyan ng importansya ng ched ang wika natin hindi pwede magtakda ang gobyerno na limatodong oras sa pagaaral nito at alam ko di kaya ang 80 oras para maging dalubhasa ka sa wika .it takes years para maging dalubhasa ka pero kung iuukol nila ito o gagawing dahilan para dagdagan ang kurrikilum aba mahiya naman sila dahil wag silang masyadong OA pwede mo namang iseminar ang mga guro pero hindi ito sapat na dahilan para habaan ang kurrikilum at sana naisip din ng gobyerno na kung maraming di nakakapag aral kung ganito pa ang Sistema ng edukasyon sa ating bansa pano pa kaya kung dadagdagan pa nila ito.
LikeLike
Hindi ako payag sa paglusaw ng ating wika, ngunit hindi rin naman sarado ang isip ko sa paggamit ng ibang wika sa ating bansa. Nakikita ko ang mga problema at mga negatibong epekto ng pagsikil sa Wikang Filipino, pero may mga positibong maidudulot naman ang paggamit ng Wikang Ingles. Sa aking pagbabasa aaminin ko na nahirapan akong intindihin ang ilang bahagi ng inyong sulatin. Madalang akong magkaroon ng problema sa pagunawa sa mga babasahin kung ito ay nakasulat sa Ingles. Marahil simula pagkabata ako, ay mas binigyang pansin sa pagtuturo ang pagbabasa, pagsusulat at pakikinig ng Ingles kaysa sa Filipino. Dahi sa aking karanasan, napatunayan ko na may problema nga ang ating edukasyon tungkol sa pagtuturo ng ating Wikang Pambansa. Nakakahiya minsang isipin na tayo ay nahihirapang umintindi at magpahayag ng ating mga ideya sa sarili nating wika. Nabasa ko sa inyong blog na hindi sa oras nakabatay ang pagkatuto ng mga estudyante kundi sa nilalaman ng pagtuturo. Dahil dito, naniniwala ako na hindi nabibigyan ng hustisya ang ating Pambansang Wika.. Sa aking palagay, kung pagiisipan pa at aamyendahan ito, maaring makinabang ang magkabilang panig tungkol sa isyu na ating kinakaharap.
LikeLike
Isang napaka lalim na lathala ang aking nabasa. At ang isinasaad ng nagsulat dito ay napapanahon ngayon, ang tungkol sa K-12. Simula noong hindi pa naipatutupad ang K-12 maayos naman ang pag-aaral ng mga bata, ngunit noong nadagdagan ng dalawang taon pa marahil ang mga magulang na hirap paaralin ang kanilang anak ay lalong mahihirapan dahil sa dagdag na taon ng pag-aaral hindi lamang ang mga magulang kung hindi ang mga kabataang naabutan ng ganitong uri ng edukasyon. At lubos naman akong sumasangayon sainyo na dapat ipagpatuly ang ating wika sa paggamit nito sa pang araw-araw nating buhay.
LikeLike
Pagkatapos basahin ang blog post, madami akong natuklasan at natutunan tungkol sa ating systema ng edukasyon at sa ating bayan. Kinailangan kong basahin ng ilang beses ang mga sinulat para talagang maintindihan ko ito ng maayos. Noong una, ako ay isa sa mga sumusuporta sa K-12 dahil sa tingin ko, ito ay may madaming maitutulong sa ating bansa sa pangmatagalan. Tulad na lamang ng puwede nang mag-trabaho pagkatapos ng ika-12 na grado at ang pagbigay ng mas madaming panahon sa mga estudyante para malaman ang kanilang gusto talagang pag-aralan sa kolehiyo. Sa paraan na ito, hindi nasasayang ang pera ng mga magulang kapag nais magbago ng kurso ang kanilang mga anak dahil hindi pa pala sigurado sa kanilang mga gusto. Ngunit nang malaman ko sa blog post na ito na hindi pa pala handa ang ating bayan na ipagpatupad ang sistemang K-12, naisip ko na dapat hindi muna ngayon ang oras para ipatupad ito.
Hindi ko nabigyan ng mas malalim na isipan ang mga kailangan gawin at makamtan para maipatupad ang sistemang K-12. Maraming rason na humahadlang sa pagpapatupad nito, tulad ng sinabi sa blog post na ang kulang sa preparasyon. Mukhang masyadong minamadali ang pagsagawa ng sistemang K-12 na hindi pa nakakapaghanda ng maayos ang mga guro at eskuwelahan. Ang madudulot lang nito ay ang mahinang edukasyon na makakamit ng mga estudyante dahil hindi pa nakalaan ang kurikulum na pinagaaralan nila. Ito ay magtutungo lang sa pagurong imbis na pasulong. Dapat munang iplano ng maayos ang bagong systema at bigyan ng pansin lahat ng posibleng maapektuhan nito. Sa tingin ko isa sa mga unang rason ay ang kakulangan sa mga silid aralan. Ngayon palang nga na wala pang K-12 ay kulang kulang na ang mga batayan na kailangan, paano pa kaya kapag ganoon na ang sistema? Kailangan muna bigyan ng panahon ang mga paaralan para sila ay makapaghanda at makapagplano ng maayos at detalyado para sa kalidad ng edukasyon ng mga kabataan. Hindi dapat minamadali ang mga batas na ganito dahil ito ay may malawakang epekto sa ating bansa at sa magiging kinabukasan ng sambayanan.
Tungkol naman sa pagaaral sa ating wikang Filipino, ako ay sumasang-ayon na hindi ito natuturo ng mahusay at epektibo dahil na nga lamang sa sinabi sa blog post na mali ang kurikulum. Parang paturol lang ang pagtuturo, na binibigay lamang ang impormasyon at hindi mas pinapaisip ng mas malalim ang mga mag-aaral na kung ano ang iba pang puwedeng ibig-sabihin o ang kanilang sariling pagkaintindi o opinyon. Sumasang-ayon ako na nawawalan na ang mga kabataan ng kritikal at malikhain na pagiisip. Sa unang taon ko lamang sa kolehiyo ay nakikita ko na ito sa mga klase. Walang kumokuwestiyon sa mga tinuturo ng guro, mga tuntunin ng panitikan, at basta nalang nila ito sinusubo. Kung meron mang tanong o kaya’y naiibang opinyon, hindi ito masyadong nailalantad sa klase dahil siguro nahihiya o kaya’y pakiramdam ay hindi ito isasang-alang ng guro. Hindi nahihimuk na magbigay ng sariling opinyon na naiiba ang mga estudyante. Minsan naman ay wala rin namang masyadong kaalaman o opinyon ang guro kaya hindi rin naipapahayag ang kritikal na pagiisip. Para sa akin, dapat mas bigyang pansin ang mga bagay na ito dahil ito ay parte ng ating kultura. Sa katunayan na may mga usapan kung dapat tanggalin ang wikang Filipino sa mga aralin ay nakakapagkulo ng dugo. Ito ay isang pangunahing parte ng ating bansa at kultura at kung wala ang ating pambansang lengguwahe, ano ba talaga tayo? Ang wikang Filipino ay dapat mas pinapairal o bigyan ng halaga at tanggalin ang kolonyal na pagiisip tungkol dito.
LikeLike
Marami pong salamat sa artikulong ito. Mga apat na beses ko muna po ito binasa bago maintindihan nang lubusan. Marami po akong salita na hindi naiintindihan dito, siguro epekto po iyon ng kawalan ng disiplina ko malinang ang aking bokabularyo. Buti nalang natalungan ako ni Google upang masalin ang iba dito. Marami po akong napagtantong bagay dahil dito. Namulat po ang aking kaisipan hinggil sa paghina ng ating wika. At marami rin po akong sinasang-ayunan sa mga nabanggit niyo.
Sa aking palagay, ang paggamit ng Filipino bilang isang opsyonal na midyum para sa pagtuturo ay nakakababa sa kabuluhan ng pag-aaral nito. Ito ay isa lamang sa maraming kakila-kilabot na galaw ng ating pamahalaan. Binabago nila ang kurikulum ng mga unibersidad at ginagawa nila itong pabrika ng mga nakapagtapos na estudyante na magiging alipin lamang sa pangangailangan ng pandaigdigang merkado. Ang patakaran ng CHED sa paglalagay ng asignaturang Filipino sa mataas na paaralan ay magbibigay ng isang limitadong kaalaman/pag-unawa at talakayan para sa isang guro sa kanyang mga estudyante dahil nakatuon lamang ito sa mga aklat-aralin. Kung ipagpapatuloy ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo, makapagbibigay ang mga guro ng isang kritikal na pagsusuri at pag-unawa sa wikang Filipino, sa ating kultura at sa kasaysayan ng ating bansa . Ito ang dapat pagnilay-nilayan ni Ginoong Claudio. Ang tunay na isyu dito ay hindi na pagkawala ng trabaho kung hindi ang pagkakakilanlan ng ating bayan at ang pangangailangang mailipat ito sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Hindi rin nakakatuwa na ang mga gurong nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino ay mapipilitang magturo na lamang ng isa sa mga pangkalahatang edukasyon o asignaturang may koneksyon sa kanilang kurso. Ang edukasyon sa mataas na paaralan ay naiiba rin, at nangangailangan din ng kadalubhasaan sa larangang ito at dapat ikaw ay nakapasa ka sa LET . Ang pagkawala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at paglalagay lamang nito sa matas na paaralan ay nangangahulugan ng potensyal na hindi natin maggamit ang mga kaalamang ipinasa sa atin ng mga dalubhasang Pilipino. Kung ganito lamang ang mangyayari, hindi magtatagal, magkakaroon na lamang tayo ng hindi higit pang mga tao sa larangan ng pag-aaral ng ating kasayasayan.
Nilalamon na tayo ng banyagang kaisipan – o nalamon na tayo? – sa labis nating pinag-aralan. Nakalimutan na natin ang kahalagahan ng ating sariling pagkakakilanlan. Sa ganitong pag-iisip na tila lason na lumilihis sa tunay na isyu.
LikeLike
Manalang, Kenneth E.
Fil10 – A1
Ayon sa aking pagkakaintindi sa pahayag ni Louie Jona Sanchez, maraming tao ang mas nais gamitin ang Ingles kaysa sa Filipino. Ayon kay G. Claudio, may pagkakataong pumili ang mga institusyon ng Ingles o Filipino sa mga asignaturang isinalin. Ako ay nalulungkot sapagka’t madaming mas may pabor sa ideya na ang Filipino bilang isang opsyon at naikukumpara sa Ingles. Tayo, bilang isang Pilipino, ay dapat hindi pinipili na mawala ang Filipino kaysa sa ibang mga lengwahe bilang paraan ng pagtuturo sa mga institution.
Ang ating wika ay ang nagsasalamin sa ating kultura, kasanayan at karanasan bilang isang Pilipino kaya’t kapag nawala ito, sino na tayo? Papayag nalang ba tayo na makisama sa mga bansa na Ingles ang kanilang wikang pinagmulan? Ayon sa aking mga nalalaman, maraming mga kolehiyo ang hindi na itinuturo ang wika dahil hindi ito makakatulong ng higit kaysa sa Ingles dahil ang Ingles ay ang lengwahe na kadalasan ginagamit. Dahil sa K-12, nagbabalak na rin na itigil ang pagaaral ng Filipino sa kurikulum ng mga papuntang hayskul. Ang pagaaral ng wika ay pagaaral ng ating kasaysayan, karanasan at katibayan na tayo ay isang Filipino. Kapag itinigil natin ito, para bang itinigil natin ang sarili natin na maging isang Filipino. Magiging parang isang taga-ibang bayan tayo sa sarili nating pinagmulan. Sa pahayag ni Louie Jona Sanchez, naunawaan ko na hindi dapat sa huling mga taon ng haysul itinuturo ang mga dulang itinanghal sa ating bansa na kinahihiligan ng mga taga ibang bansa katulad ng Florante, Ibong Adarna, Noli me Tangere at El Filibusterismo dahil madalas na hindi natin natatapos ito. Hindi natin malalaman kung gaano kaganda at kahalaga ang mga dula na ito.
Naunawaan ko na maraming butas ang sistema sa kurikulum sa pagtuturo ng Filipino dati. Ngayon ay ipinapahayag nila na tatanggalin na ito sa kurikulum ng K-12. Hindi dapat natin itatanggal ito dahil hindi tayo maituturing na Pilipino kung hindi natin matututunan na mahalin ang ating sariling wika. Kapag natuloy at tumagal ang ginagawa ng mga taong ito na tanggalin ang Filipino sa kurikulum, unti unting mawawala ang ating wikang Filipino. Dapat maliwanagan ang diwa ng nasyonalismo sa mga taong ito dahil hindi maganda ang maidudulot nito sa ating wikang pinagmulan.
Bilang estudyante, nais kong maituro ang wikang Filipino sa aming kurikulum dahil dapat nating malaman kung ano ang mga nangyari sa ating bansa at kung papaano naging ganito ang ating wikang pambansa.
LikeLike
Ang asignaturang Filipino ay hindi dapat tanggalin sa kurikulum ng mataas na paaralan. Sumasang-ayon ako sa tinuod ni G. Sanchez lalong higit sa kaniyang pagtatanggol sa ating mother tongue laban sa pagpaplanong tuluyang pagkatanggal nito sa kurikulum. Ito ang isang isyung aking tinututulan. Ang pagkawala mg asignaturang Filipino bilang kapalit saan? Sa mas masklap na kinabukasan? Sa mas mangmang na bansa? Sa mas mahirap na mamamayang Pilipino?
Ayon sa aking opinion, hindi dapat tanggalin ang Filipino bilang isang asignatura dahil una’t huli ito ang ating wikang pambansa. Ito ang tulay sa mas maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga mamamayang Pilipino. Ito ang daan sa mas nagkakaisang bayan. Ito ang magtutungo sa kalinangan ng mga bagay na dapat pang linangin. Ang mga Pilipino ay mas nakakaintindi ng wikang Filipino. Kung tuluyan na itong mawawala ay tuluyan na ding maglalaho ang diwa ng isang makabayang Pilipino. Nakakatakot, nakakakilabot, nakakarimarim ang aking nakikita kung sakaling ipatupad na ang panukalang ito. Bakit? Ito ay sa kadahilanang hindi na natin mapapaunlad ang ating wika at mababara tayo sa isang sitwasyong pinipilit nating maging global kahit sa katotohanang ang pagiging lokal ay hindi natin maiayos ng tama. Nasaan na ang pagkakaroon ng pagkakaisa kung sakaling bawat isa sa atin ay uutal-utal na at tila pilit na ginagamit ang wikang hindi naman natin nakasanayan. Tama bang alisin ang isang napakahalagang asignatura sa mga taong sila pa ang nalalapit sa tunay na kamalayan at kahandaan para sa bayan? Tama lang na hindi karagdang kaalaman o pagiging makaPilipino ng mga Pilipino ang dulot ng planong ito base sa kurikulum ng k-12. Bagkus ito pa ang magiging daan tungo sa mas masaklap na kinabukasan. Bakit nga ba kailangan pang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Hindi ito ang tanong bagkus kailangan pa bang tanggalin ang ating mother tongue bilang isa sa mga asignaturang gigising sa tunay na kahandaan ng ating bansa. Ano nga ba ang mga baka sakaling mangyari kung matuloy ang planong ito. Magiging kompetitib ang ating bansa at makikipagsabayan ito sa iba pang mga bansa. Ang pagamit ng wikang Ingles na may malawakang epekto sa buong bansa ay hindi isyu. Hindi naman problema ang pagiging kompetitib ang akin lang mas magiging kompetitib tayo kung alam nating suriin ang tunay na problema ng ating bansa. Ang masaklap sa pagbabagong ito ay ang pagsasakripisyo ng ating wikang pambansa kapalit ng isang planong wala naming katiyakan.
Salamat kay G. Sanchez sa pagmulat sa ating mga Pilipino sa mga posibilidad ng pagpaplanong inihahanda sa ngayon. Ngunit huwag natin hayaang ang mga posibilidad na ito ang maglimita sa atin ng kamulatan sa tunay na posibilidad na pag-unlad.
LikeLike
Kapag ang ating wika ay patuloy na isinasantabi, mawawala ang ating pagkakilanlan bilang Pilipino. Tayo ay tuluyang magiging kolonyal ng bansang Amerika kapag ito ay pinagpatuloy.
Sumasang-ayon ako na ang ating wika ay dapat bigyan ng pansin at espasyo sa Sistema. Para sa akin, hindi lang dapat gamitin ang ating wika sa edukasyon lamang, dapat pati na rin sa usapang akademiko kagaya sa mga Kongreso. Kailangan natin tangalin sa ating mga isipan na ang wikang banyaga ay mas mataas kaysa sa ating sariling wika. Ito ay pantay pantay lamang, walang mas mataas at wala rin mas mababang wika. Marami sa ating mga kabataan ang hindi binibigyan ng halaga ang pag aaral ng kursong Filipino. Na ito ay pag-aaksaya lamang ng oras.
LikeLike
Sa tingin ko ay maganda na makakapagtrabaho agad ang mga estudyante kahit na highschool pa lamang ang kanilang natatapos ngunit masasayang ang mga taon na ginugol ng mga guro upang makapagturo kung aalisin nila ang ibang mga aralin.
LikeLike
Sa pagbasa ko nang inyong akda ay dito ko nakita na ang problema na inyong sinusulatan ay mas malala pa kapag ito ay minasdan pa lalo. Sa pagbabasa ko dito ko nalaman na ang Wikang Pilipino ay maaring matangal sa kurikulum ng mga eskwelahan at kolehiyo dahil sa banta ng Globalisation, at ang planong K-12.
Dahil na rin sa planong K-12 ay may posibilidad na madaming guro na nagtuturo sa ibat-ibang antas ng edukasyon ay madamay at mawalan ng trabaho dahil sa K-12. Para saakin ay dapat hindi naman muna natin kailangan tuparin ang programa dahil ang ibat-ibang eskwelahan ay magkakaroon ng kakaibang K-12 dahil sa marami ay kulang sa mga kailangan upang makasunod sa iba.
Ang pag-aaway naman ng dalawang panig na “English o Pilipino” ang gamitin dapat sa pagbigay instractura ay malalim din ang akda tungkol dito, dahilan to kung bakit madami rin ay ayaw magpatupad sa programang K-12 dahil ang Wikang Pilipino ay maaring palitan oh bigyang priyoridad dahil sa magiging bagong sistema ng edukasyon. Sang-ayon din ako na ang Wikang Pilipino ay dapat mapagaralan parin kahit tapos na ng elementarya.
Sa pagpapalagay ko ay kelangan muna tignan ng mabuti ang programang K-12 dahil marami parin mga butas na kailangan ayusin bago it ma implement ng buo.
Sa pagbasa ko nang inyong akda ay dito ko nakita na ang problema na inyong sinusulatan ay mas malala pa kapag ito ay minasdan pa lalo.
LikeLike
Sumasang ayon ako sa mga sinabi ni G. Louie Jon A. Sanchez, sapagkat ako rin ay naniniwala na ang pag lipat ng pagtuturo ng wikang Filipino mula sa kolehiyo papuntang hayskul ay walang magandang maidudulot o hindi makakatulong sa pagpapaunlad o pagpapayabong ng ating sariling wika. Sa aking opinyon, hindi sa dami ng oras na inilalaan sa pagtuturo ng Filipino o sa pag aaral ng tamang bigkas o ng mga teksto mapapaunlad ang ating wika kundi sa pag tatak sa isip ng mga mag-aaral kung pano mahalin o isabuhay ang ating wika. Ang gusto ko lamang sabihin ay mapapaunlad lamang natin ang ating wika kung maitatak sa isipin ng bawat Filipino na kayang makipagsabayan ng ating wika sa ibang pang wika gaya ng ingles, kung mawawala ang kaisipang na ang Filipino ay isang “option” na lamang sa ating bayan o ang Filipino ay para sa mangmang lamang at hindi makakatulong ang paglipat ng wikang Filipino sa hayskul dito. Ang ganitong pangyayare ay lalo lamang magbibigay ng kaisipan sa mga Filipino na upang tayo ay may magtagal sa ating lipunan ay kelangan nating sumunod sa gusto ng “global na merkado”, na ang ibig sabihin ay mas kelangan natin ang ingles kesa sa Filipino. Idagdag pa natin ditto ang magiging problema sa ekonomiya dahil sa pagkakawala ng trabaho ng mga ibang guro na nagtuturo ng Filipino. Ang gusto ko lamang iparating ay tama at sang-ayon ako sa punto na gusting iparating ni G. Louie Jon A. Sanchez sa atin. Na maraming mali sa paraan ng pagtuturo ng Filipino sa ating bayan na hindi naman makakatulong sa pag-unlad ng ating wika, na hindi solusyon ang pagbaba ng pagtuturo ng wikang Filipino sa hayskul upang mapaunlad natin ang ating sariling wika, na hindi natin kelangan ng ingles upang umunlad o magkaparehas dapat ang tingin natin sa ingles at Filipino at ang panghuli, na hindi natin kelangan maging tuta ng globalisasyon upang tayo matagal sa lipunan. Ngunit, sa kabila ng aking pagsangayon sa iyong opinyon, may mga tanong paring na mahirap sagutin katulad ng sa wikang Filipino lang ba makikita ang pagkakaroon ng Nasyonalismo? Mawawala ba talaga ang pagtuturo ng wikang Filipino o ililipit lamang sa hayskul? At marami pang iba.
LikeLike
Ang isa wika ay mahalaga sa isang bansa, dahil naprepreserba nito ang magandang kultura ng Pilipinas. Kaya ang wikang Filipino ay isang mahalagang bagay sa atin. Hindi dapat ito itigil at ikahiya dahil atin to, wika natin to, dito tayo nakikilala. Dapat Tuloy tuloy ang pag gamit ng wikang Filipino para narin sa mga susunod pang mga henerasyon ng mga Pilipino para malaman nila ang kultura ng Pilipinas. Dapat palagi itong ginagamit upang umunlad ang ating bansa. Mas magiging matatag tayong bansa kung tatangkilikin natin ang ating sariling wika.
LikeLike
Sa aking opinyon,
Ang hirap isipin na ang dami nang sumasang ayon sa paggamit ng Ingles sa edukasyon sa Pilipinas. bakit? sa tingin ba nila may magandang maidudulot ito sa ating bansa ? ito ba ang tunay na makabansa ?. Hindi siguro dahil dito pa lang pinapatunayan na nila na naka-asa pa din ang Pilipinas sa wikang Ingles na hindi naman dapat. Dahil dito makikita natin ang napaka bulok na sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.
Bakit kaylangan nating makisabay sa ibang bansa? kung ang dulot lang naman nito ay maling kaalaman sa ating mga estudyante ng bansa. Lalo na ang pagpapatupad ng K-12 sobrang daming mga propesor at mga guro ang maaaring mawalang ng trabaho kapag naipatupad na ito. Pwede naman tayo magkaroon ng bagong korikulum sa ating edukasyon ngunit ang pagpapalit ng Ingles at aalisin ang Filipino naisip ba nila na dahil dito maaaring lalong bumaba ang antas ng ating bansa ? dahil sa gagawin nilang ito ? tayo ay isang Pilipino na dapat maging isang makabansa ay patuloy na suportahan ang ating sariling Wika na pinaniniwalaan ko na mag aahon sa Pilipinas upang umunlad. Dahil sa maling sistema na ginagawa ng ating gobyarno ngayon ay lalo nila tayo nilulugmok sa lupa na para bang isang napaka laking puno na hindi mo basta basta maiaangat dahil sa sobrang kapit nito sa lupa dahil sa mga ugat.
Sa tingin ko ang sistemang ito ay pinag-kakait sa ating mga Pilipino ang pagka-makabansa bakit ? dahil na lamang sa mga sobrang maling sistema na ito nakalulungkot isipin na ganito ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Kung totoo ang bagay na ilalagay sa huling quarter ang pag-aaral ng Florante at Laura, Ibong Adarna at iba pa. ay ano na lamang ang saysay ng ating wika ? wala ! ano pang saysay ng mga ito kung parang ang ginawa nila ay pag iisang tabi ng mga dapat talagang pag-aralan ng isang estudyante patunay lamang ito na napaka bulok ng sistema ng ating bansa at tila isa na lamang itong obligasyon sa isang estudyante.
Nakalulungkot namang isipin na tayo ang lulugmok dahil lang sa hindi pagtangkilik sa ating sariling wika na dapat ay pinag papayaman natin magpa sa hanggang ngayon dahil ito ay sariling atin. Naniniwala ako na isa sa magpapaunlad sa ating bansa ay ang ating sariling wika at naniniwala pa din ako na mayroong mga taong katulad mo Louie Jon A. Sánchez na patuloy na sinusuportahan ang ating wika magpasa hanggang ngayon.
LikeLike
Ngunit, ang k-12 program ay may layunin din na magdadagdag ng dalawang taon sa pagaaral sa highschool na ito ay tinatawag na grade 11 at grade 12. sa aking opinyon maganda rin ito dahil mas madadagdagan ang kaalaman ng mga estudyante ngunit sa iba ito ay hindi nararapat dahil nga naman sa laki ng tuition na binabayaan ng ating mga magulang. ngunit may iba iba naman tayong pananaw ukol rito. sa paggamit namang ng wikang filipino, napakaimportante nito sapagkat ang katayuan ng Filipino ay ang pagiging pambansang simbolismo ng lahat ng ating wika na ginagamit. ayun lamang po.
LikeLike