Pagkalusaw ng Isang Disiplina

Kagabi ay hindi ko na napigilan ang sarili na lantarang tawagin ang pansin ng butihing palaisip na si G. Leloy Claudio, na sumulat sa Rappler.com ng kaniyang pagtatanggol sa General Education Curriculum (GEC) ng Commission on Higher Education (CHED), lalo na hinggil sa duda ng ilang partido na malay na pagsikil nito sa Wikang Filipino.

Hindi ko na sana ito papansinin, tulad ng mga hindi ko pagpansin sa mga okasyonal niyang pakikisawsaw sa kung ano-anong usapin. Ngunit ang nakatigalgal sa akin ay ang pagtawag niya sa mga nanunuligsa na “emotionally-charged”, at “ill informed” pa nga sa pagrerehistro nila ng mga “national polemics about the national language.” Binasa ko nang husto ang maikling artikulo niya sa website, sa mithing maunawaan ang kung ano ang talagang sinasabi niya hinggil sa maaanghang na nasabi na hinggil sa usaping ito. Labis kong ikinagulat ang marami niyang akala.

Marami sa mga sinasabi niya ay nasabi na—tulad ng mga “options” lalo na para sa mga gurong lumalabas at nahihintakutan dahil posibleng mawalan ng trabaho sa pagdating ng ganap na pagpapatupad ng K-12, at ngayon nga ay mistulang naghuhuramentado sa midya. Sa tesis na “hindi naman pinag-initan” ang Filipino sa paglikha ng bagong kurikulum sa kolehiyo, kibit-balikat na ipinanukala ni G. Claudio ang animo’y talagang mga napakadali ngunit hindi makataong solusyon: ang retraining o pagtuturo ng asignaturang tulad ng Art Appreciation; secondment sa hayskul, at pagbaling sa mga dalang posibilidad ng interdisiciplinarity.

Ang mga panukalang ito sa pangkabuuan ay nakaangkla sa kaniyang pangunahing ideya: “In asking the CHED to have mandatory Filipino language instruction in the college curriculum, advocates are, in effect, calling for the outright privileging of Tagalog over English. None of them advocate returning both Tagalog and English instruction.” Hindi ko alam kung natitiyak niya ang kaniyang sinasabi sapagkat ang totoo, hindi naman isyu ng mga sinasabi niyang “polemiko” ang tungkol sa pribelehiyo ng ano mang wika, bagaman malinaw namang sa mahabang panahon ay marhinalisado ang Filipino (at iba pang wikang Filipino) sa akademyang tubog sa Ingles.

[Huwag na muna nating isama pa ang marhinalisasyon ng mga wikang Filipino mula sa iba’t ibang lupalop. Kamakailan, nakasagutan ko sa Facebook ang isang guro na kasapi yata ng lumilitaw ngayong pangkat ng mga dalubwika (dalubhasa sa wika) na humihingi ng “linguistic justice”. Bigla akong napaisip nang marinig ko ang kataga—linguistic justice. Kapag pinagnilayang mabuti, hindi lamang sila talaga ang nangangailangan ng katarungang pangwika. Lahat ng mga wikang Filipino—kasama na ang Tagalog—ay nangangailangan ng pagkakaaahon mula sa pagkakadusta, at sa wika nga ni Vicente Rafael, ay “pagkakasakit” ng kolonyalismo, sa ahensiya ng pagsasalin. Oo, may mga lumitaw na hegemon sa wika, tulad ng Tagalog, ngunit ang hegemoniya ng mga ito ay hawa ng kolonyal na kamalayan, at dapat ngang mapalitaw. Sinabi ko na sa isang pagkakataon na tiyak na may sakit ding ganito ang iba pang Kristiyanisadong wika sa Filipinas. Kaya may katumpakan ding sabihin na tungkol sa linguistic justice ang usaping ito.]

Iniisip marahil ni G. Claudio na sapat na ang pagtatalaga sa Filipino sa mababa at mataas na paaralan. Ang sabi niya, ang mga kurso sa GEC ay talagang “advanced” na, at sa kaniyang lisyang retorika, inaasahan na ang ganap na kahusayan sa pag-aaral ng wika sa Enhanced K-12 Basic Education Program (BEP). Lubhang ideyal ang ganitong pananaw, lalo’t kung hindi naman nakikita o nalalaman ang totoong sitwasyon sa ibaba. At ang kataka-taka, sinusukat niya ang maaaring “kahusayang” ito sa bilang ng oras na maituturo ang Filipino sa BEP. Ang sabi pa niya sa kaniyang addendum sa humahaba nang usaping ito, “(t)he two years of senior high school, according to CHED documents, require 80 hours of Filipino language instruction per sem(ester). So I’d like to know what the concern is.”

Sasagutin ko siya ngayon sa pamamagitan ng marami kong tanong. Ano nga ba ang ipinagpuputok ng butse naming nagsasalita hinggil dito?

Sabi pa niya, “(t)he net effect is, in fact, an increase in time and resources devoted to the study of the national language.” Non sequitur. Kung oras nga lamang talaga ang sukatan ng inaasahang kahusayan, palagay ko, hindi natin makikita ang maraming kabagang sa gayong “karahas” na pakikipagtalo. Sapagkat hindi oras ang isyu kundi ang mismong pagkalusaw ng institusyong pangkalinangang-wika, na mistulang pagtalikod na rin kung tutuusin sa diwang pang-pambansang wika na nakasaad sa ating Saligang Batas. Naniniwala akong hubad sa kritikalidad ang ganitong praktikal na tugon, at myopiko ring pananaw ito na tiyak na magbubunsod ng mas malalaking suliranin para sa bansa. Isang mainiping pagtaya at di makatwirang pagtatanggol sa isang programang sa mula’t mula ay may nabubulok na ubod.

Sinasabi ni G. Claudio na sapat na ang Filipino sa BEP, samantalang may pagkakataong pumili ang mga institusyon ng Ingles o Filipino sa pagtuturo ng bagong mga asignaturang isinalin pa nga (ay, pasalamat tayo) sa Filipino sa CHED GEC, sa Memorandum 20 na nilagdaan ng tagapangulo ng CHED Patricia Licuanan noong Hunyo 28, 2013. Makalulusot pa sana ang CHED sa pagigiit ng “option” na “English or Filipino” sa GEC, lamang ay talagang inisip, dinalumat ang kurikulum sa Ingles—at nananatiling isang “option” ang Filipino, hindi lamang dahil inihuli ito, kundi lalo’t higit, tiyak na mas pipiliiin ang Ingles sapagkat nakasanayan nang gamitin at madaling madadala sa bagong sistema. Burado na ang presensiya ng Filipino sa malawakang sistema.

[Kaya ipinagtataka ko rin kung bakit pinaggigiitan ng isa pang kritiko ng wikang Filipino na “misguided” ang mga tagapagtanggol ng pambansang wika. Kung mamalasin natin sa pangkabuuan, hindi lamang naman ang sinasabi nilang hegemonikong Tagalog ang naisantabi. Ang lahat ng mga wikang Filipino ay naisantabi sa bagong sistemang ito, na nagmimithi lamang na ihanda ang mag-aaral sa global na merkado, kahit ibinabandera pa ang nasang hulmahin ang kabataan na “secure in their identities as individuals and as Filipinos.” Sang-ayon ako sa Mother Tongue Based Language Education, oo. Ngunit hindi dapat matapos sa maagang yugto ang pag-aaral ng mga wikang pambansa. Kung maaari pa nga, dapat na iakyat din ito sa mataas na paaralan, maging sa kolehiyo. Ito sa palagay ko ang paraan upang makamit ang linguistic justice na tinatawag. Ang huwag patahimikin ang mga wika sapagkat nabigyan na naman ito ng espasyo sa sistema. Ang patuloy na pagdidiskurso sa mga wika at sa Filipino ang tunay na diwa ng pagtupad sa diwa ng Saligang Batas sa nagsasaad ng mithing linangin ang wika.]

Muli, ang usapin ng dali. Kaya tama rin si G. Claudio na baka nasa hayskul nga ang pag-asa. Marahil.

Ngunit wala ito roon. Sa isang matalik na pagsusuri ng kurikulum ng BEP Filipino, makikita ang maraming butas sa iniisip si G. Claudio na “mas pinalakas” na Filipino. May bilang na 141 pahina ang mapang pangkurikulum na ito, at higit na hahaba ang talakayan kung sisimulan ko sa simula—sa Kinder. Ang pagtitig ko sa mapa ay nakatuon sa pangmalawakang balangkas nito, at sa kabuuang pagturing sa panitikan ng programang hayskul, na siyang bungad ng mga kabataang papasok sa senior high school o sa kolehiyo.

Una, ang mismong programa ng K-12 Filipino, na kompartmentalisado ang mga kasanayang tumutugon sa kakayahang pang-ika-21 siglo [maka-agham at teknolohiya ang balangkas], ay sumusupil sa ubod ng katuruan ng wika. Ang pinakamataas na antas ng wika, ang panitikan ay patuloy na kinakasangkapan dito bilang lunsaran ng pangwikang kasanayan, at hindi binabasang panitikan, gaya ng sana’y inaasahan. Malabo ang posisyon ng mapang pangkurikulum sa aspektong ito, kahit tila ba pinaniniwala ng mga gumawa nito ang kanilang sarili na sapat nilang binalangkas ang mga aralin sa mga kunwang kaukulang kasanayang nakabaling sa mga anyo at uri ng panitikan.

Kung tititigan ito, makikitang sa bawat gawain, nangingibabaw ang paggamit sa panitikan sa napakababaw na pamamaraan ng pakikipagtalastasan. Malawak at tumutugon sa teknolohikong panahon. Isinasaalang-alang ang lahat ng sinasabing “makro-kasanayan”. Ngunit horizontal lamang ang tiyak na magagawang paglawak. Walang lalim. Halimbawa, sumasapat na ba ang pagmapa ng Pag-unawa sa Binasa kapag itinakda nitong ang kasanayan ay “Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa”? Pag-unawa nga ba talagang may lalim sa Binasa ang “Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan”? Bakit paulit-ulit ang pangangailangang ilahad ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Bisaya at Mindanao, halimbawa? May pagkakaiba ba? Bakit ba lagi na lamang nagsisimula sa pag-uugnay sa daigdig at kasalukuyang pangyayari ang pagbasa ng panitikan? Bakit kailangang laging ipasulat sa mag-aaral ang mga alternatibong katapusan sa mga kuwentong o pagsasalaysay na kadalasan ay “hindi maganda” ang katapusan?

Kung mamarapatin, sa bahaging nauna, ang kasanayang “Pag-unawa sa Binasa” lamang ang binabasa, tinititigan ko, sapagkat susi sana ito sa pagtutuwid sa lisyang pagtuturo ng panitikan na malaong ipinapatupad ng ating sistema ng edukasyon. Ang pagsipat na ito sa ilan sa mga problematikong gawain (ilan sa talaga namang napakarami pa!) ang magpapakitang halos walang ipinagbago ang metodo ng pagpapaunlad sa kasanayang ito, na hahango sana sa ating mga mag-aaral sa lusak ng kakulangan sa pagkamalikhain at hahasa sa pagkamapurol ng kritikal na pag-iisip. Ang mga lumikha ng kasanayan ay hindi gaanong maalam sa pinapaksa nilang panitikan, kung kaya’t lumilitaw sa mapang pangkurikulum ang mga tulad ng “Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap,” na nakatuon sana sa pagsuri ng isang teksto ng kulturang popular.

[Isa pang kataka-takang bahagi ng mapang pangkurikulum ang patuloy na pag-unawa sa sinasabi sa linguwistika na mga “suprasegmental” na katangian ng pagbigkas sa salita. Ginamit ito sa isang aralin sa tula. Ang nais ng aralin, ipabigkas sa mag-aaral sa tamang tono, himpil, at diin, ang tula. Wala namang problema. Ngunit kung babalikan natin ang mga pundamental, hindi nga ba, iba talaga ang ating wika, iba sa mga wikang may malinaw na mga katangian ng himpil o diin, halimbawa? May hinala akong isinalin lamang ito ng mga bumalangkas ng kurikulum mula sa Ingles, dahil kagulat-gulat na kahit marami nang naisulat hinggil sa katutubong palatugmaan natin sa Filipinas—mula pa kay Rizal—parang wala pa ring nakabasa na wala naman tayong mga pagdidiin (stressed) at di pagdidiin (unstressed) sa salita. Mayroon lamang tayong apat na tudlikan: mabilis, malumay, malumi, maragsa.]

Bakit din ba panay ang munti’t malalaking pagkakamali sa kurikulum, na parang tanda ng kakulangan sa kahusayan ng mga lumikha nito? Bakit ba ginagamit ang salitang “kabanata” sa Florante at Laura gayong batid naman natin na ito ay nasa anyo ng awit at patula? Baka kasi nga ito ri’y may katangiang pasalsaysay. Inisip ba nilang kaydaling gawin sa pagbulatlat sa teksto ang layong “Nailalahad ang sariling pananaw at naihahambing ito sa pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng paksa sa mga tulang Asyano”? Handa kaya ang guro sa ganitong mahaba-habang paliwanagan? At, handa kaya ang mag-aaral. Ano ang ibig sabihin ng kurikulum map nang iatas nito sa isang item ng Pag-unawa sa Binasa ang “Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos”? Isang pabula ang paksa, at kumbensiyon ng pabula ang pagkasangkapan sa hayop! Balak bang pagsa-tauhin ang karakter?

At bakit ba pinipilit tayo nang pinipilit ng mapang pangkurikulum, sa mga pagkakataong magagawa nito, na suriin ang mga teksto “batay sa pananaw/ teoryang: romantisismo humanismo naturalistiko at iba pa”? Matagal nang tinututulan ng mga eksperto sa panitikan ang ganitong lisyang pagkasangkapan sa “teorya” sa hayskul dahil una, hindi naman naituturo talaga nang maayos ang mga dalumat at pamamaraan ng sinasabing teorya o lapit-pagbasa. Ikalawa, hindi naman mga pananaw, ni lapit-pagbasa, ang mga binabanggit na “teoryang” ito. Bukod sa nakakagulo sa pag-aaral ng panitikan, maging ng wika—na sana’y nagtutuon na lamang ng pansin sa mga tamang pamamaraan ng pagtitig sa teksto—ginugulo pa nito ang isip ng mga bata sa pagpipilit na ang “humanismo”, “romantisismo”, o “naturalismo” ay mga paraan ng pagbasa. Nagagamit nga sa talasalitaan ang teksto, nagiging salalayan ng gramatikong kasanayan, ngunit patuloy na binababoy ang pampanitikang katangian nito.

Ang pinakamasaklap sa palagay ko ay ang tuluyang marhinalisasyon ng mga malaon na nating tinatanggap at ipinagmamalaking obra maestra. Ang mga ito—ang Florante, Ibong Adarna, at ang mga nobelang Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo—ay muli at muling idiniyestiyero sa huling quarter ng mga taon, at dahil nga roon ay hindi na mababasa nang buo dahil sa hayskul, ang huling quarter ay yugto ng mga pagmamadali. Ang tugon ng mga materials developer dito—yaong mga gumagawa ng teksbuk—ay lumikha ng buod sa mismong mga bagong teksbuk, na malinaw namang inhustisya sa mga akdang pampanitikang nabanggit. Sa pagkakataong sari-sari nang puna ang naibato sa mga patakbuhing kompanya ng teksbuk na naglalathala ng mga “pinagaang” na bersiyon ng mga akdang pampanitikan na ito, isang hakbang paurong ang pagpipi sa mga ito bilang mga dakilang akda ng ating kultura. Isang kabulastugan, kung tatanungin ako ni G. Claudio, na patunay lamang na wala sa haba ng oras ang kalakasan ng isang programang pang-edukasyon kundi nasa nilalaman nito.

Panitikan ang paksa at teksto ng pag-aaral ng wika sa BEP ng K-12, at itong mga halimbawang butas na ito sa pag-aaral ng panitikan ang nagpapakita na hindi pinalalakas ng programa ang Filipino, bagkus ay pinapatay pa ito sa pamamagitan ng ganitong mga nakapanlulumong pagpapabaya. Oo, may 80 oras ngang itinuturo ang Filipino kada semestre, pero tiyak kong 80 oras iyon ng pagtuturo ng sari-saring kalisyaan at basura. Ang masaklap pa, sinusunod ng kurikulum, sa pangkalahatan, ang balangkas na spiralling ng mga aralin. Lalong lumalala ang problema sapagkat nag-i-spiralling ding malinaw ang mga kamaliang pinayagang maitala sa mapang pangkurikulum.

[Magsasapantaha ako: bakit nagkaganito? Marahil ay minadali ang pagpaplano. Maaari ay maraming hindi pagkakasundo. Maaari ring maraming may interes sa pagbabagong mangyayari na nagmithing makakuha ng posibleng negosyo, lalo na sa produksiyon ng mga teksbuk. Ang balita ko, naging “pahirapan” ang pagkuha ng mga mapang pangkurikulum na ito para sa mga materials developer—animo’y kontrabandong ipinupuslit noong nakatakda pa lamang itong matapos. Gaano kaya ito katotoo?]

Kung ako kay G. Claudio, sapagkat may mithi naman siya na maging tagapamansag ng interdisciplinarity, aaralin ko muna ang laman ng mga kurikulum na itong lilikha nga ng mga mag-aaral na tutugon sa “pangangailangang panlipunan at global na pamayanan”, ay lilikha rin tiyak ng mga Filipinong kubikong ang kamalayang pambayan. Sabihin na nating anti-nasyonalismo siya, na siya ngang posisyon talaga niya sa ispera publika. Malinaw na may direksiyong pambayan ang kurikulum sa Filipino, na agad-agad din nitong tinatalikuran sa pagmamapa nito ng mga kasanayanang nararapat na mapaunlad sa loob ng klasrum. Ginagawa ngang nakatutugon sa teknolohikong sagitsit ang mga bata, ngunit upang hayaan lamang nilang maging busabos ang bayan nating sawi.

Sana nga ay ganoon kadali ang lahat. Sana nga ay madaling kamtin ang mga mithi. Ngunit ang dali at praktikalidad na nasa hinagap ni G. Claudio ay sadyang napakalayo sa realidad.

Hindi ko lamang alam kung gaano kalalim ang kabatiran ni G. Claudio sa lagay ng ating edukasyon sa ibaba para maging madali sa kaniya ang malinaw namang pagtatanggol sa pamahalaan, sa CHED GEC, at sa DepEd BEP, sa isyung ito ng Filipino. Pinalad—o minalas yata—akong makapag-ikot sa maraming bayan sa Filipinas upang tumulong sa tinatawag na mga “teacher training” at nakausap ko ang mga guro mula sa mga sentro at malalayong bayan. Hindi sila handa para sa mga minimithing pagbabago ni G. Claudio, na mithing pambayan ko rin naman. Nababagabag sila. Mungkahi ko kay G. Claudio na sa lalong madaling panahon ay mag-ikot-ikot upang makaharap ang nakapanlulumong sitwasyon ng kakulangan sa paghahanda. Nakaambang lalong maging mangmang ang mamamayan. Lalong pinalala ng mapang pangkurikulum ang buhay ng mga guro, na lubhang hirap na dahil sa mababang sahod, kakulangan ng mga pasilidad ng paaralan, at higit na kawalan ng pagkakataong makapaghanda sa daluyong na ito ng K-12. Isa lamang ang disenyong pangkurikulum sa napakalaking balakid sa pagtupad ng mga gurong ito sa mga katungkulan nila, at tila hinayaan na lamang silang lumangoy sa malawak na karagatan ng estado.

Ngayon, dinadalaw ang lahat ng takot na mawalan ng trabaho, at sa palagay ko, hindi iyon dapat na ipagkibit-balikat lamang. Minsan, kailangang lumipas ang panahon ng hinahon upang ligaligin ang malupit na tiraniya ng pagtanggap-na-lamang at pagtitiis, na nakaambang sumakop muli sa atin. Naririto ang rebolusyong hinahanap ni G. Claudio, sa rebolusyon ngayon, ng mga pinatatahimik, sa ngalan ng pangako ng kaunlaran. Sa rebolusyon ng mga handa at matatapang na magsiyasat ng mga lingid na balangkas ng repormang ito, na handang humimay ng mga diskurso at dokumento sa ngalan ng tunay na pangangatwiran, bansagan mang “polemiko” o ultra-makabayan. Wala akong nakikitang masama, lalo na kung ganito kasama ang isinasalaksak sa ating mga lalamunan.

Isa pa, ang sabi ng mapang pangkurikulum ng BEP Filipino, layon nitong makahulma ng “buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.” Bakit kaya ang lumalabas ngayon, parang higit na kamangmangan, lalo na sa pagiging Filipino, ang tinutunghang landas ng mapa? Ito ba ang tuwid na daan? Daan patungo sa kamangmangan? Hayaang mabusabos ang wika at kasamang mabubusabos ang panitikan. Ang pagbusabos sa panitikan at wika ay hindi lamang atake laban sa kabansaan. Atake din ito sa totoong nilulusaw na disiplinang akademiko sa panahong ito ng neoliberal na pananampalataya—ang humanidades, na kandungan ng pagkatao at pagpapakatao. Isa sa mga haligi nito ang wika, ang panitikan. Nagtuturo man ang mga guro sa Filipino o sa Ingles, mismong estruktura ng pag-iral ng mga disiplinang tinatalunton nila ang nilulusaw ng sistema.

[Sa ibang pagkakataon, susuriin ko ang mismong balangkas ng CHED GEC. Nais kong ipakita ang pagkatuta nito sa “global” na mga kahingian. Tinik sa lalamunan ng globalisasyon ang humanidades sapagkat sa larang na ito sinisinop, sinusuri, at inuusig ang laksa nitong mga pagkukunwari.]

Nauunawaan ko ang sentimiyento ni G. Claudio hinggil sa imposibilidad ng kabansaan. Ngunit, sa ganang akin, hindi makatwiran na ganap na tanggalan ang mamamayan ng pagkakataon na mithiin ito, kahit patunay pa nga ni Caroline Hau ay isa itong katha. Kailangan din ang kuwentong ito. Kahit itatwa pa niya, ang pag-aaral ng wika ang batayan ng pagkamakabansa ng mamamayan. Maaari tayong maligaw ngayon, kung hahayaan natin ang mga sariling ganap na ma-tiyanak ng globalisasyon, at ng ASEAN 2015 Integration.

Salamat kay Dr. Antonio P. Contreras.

87 thoughts on “Pagkalusaw ng Isang Disiplina

  1. Maraming salamat sa artikulo na ito, Louie. Hinahanap ko rin ang aklat ni Claudio at nais ko itong mabasa para sa aking sariling diskurso ng relasyong Filipino-Bangsamoro. Ngunit patuloy kong babasahin ang artikulo na ito, paulit-ulit kung maaari, hanggang sa dumating din sa akin ang katuturan kung bakit kailangan tanggihan ang Filipino sa mataas na paaralan. Kung bakit kailangan itong tanggihan ng mga Inglesero. Alam naman nating lahat na ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo ay hindi lamang pagtuturo ng wika bagkus pagtuturo rin itong ating kaakuhan, identidad, at katuturan bilang isang bayan/banwa/bangsa na darating pa lamang.

    Like

  2. Ang bawat tao ay may kanya kanyang perkspektibo. Mayroong taliwas sa katotohanan na perkspektibo at mayroon naming tamang perksperktibo sa mga bagay bagay. Habang binabasa ko ang artikulo ito, madaming sumagi sa aking isipan. Una, ang pagkalusaw ng ating disiplina. Bago magsalita laban sa ibang bagay dapat alam mong may posisyon o tama ang sinabi mo. Sumasang-ayon ako sa ideya ni Louie Jon A. Sanchez ukol sa isyu ng wikang Filipino. Sa modernong panahon, kahit madami ng binigay na impluwensya ang mga kanluranin sa wika ay hindi padin natin nakakalimutan na pairalin ang pagsasalita ng wikang Filipino. Ngunit may mga bumabatikos dito, may mga nagsasabi na dapat ito ay alisin na. Sa kadahilanang moderno na ngayon kaya dapat moderno nadin tayong mga mamamayang Pilipino. Ngunit ako ay hindi sang ayon sa ideyang iyan. Bakit? Ito ay dahil tayo ay isang grupo na may wikang pambansa. Bakit kailangan mas paunlarin ang wikang Ingles kung kaya naman nating umunlad gamit ang wikang pambansa?
    Para sa akin, hindi lamang isa o dalawang wika ang nangangailangan ng linguistic justice o katarungang pangwika kundi ito ay para sa lahat ng wika. Ayon nga kay Sanchez, lahat ng mga wika kasama na ang Tagalog ay nangangailangan ng pag-ahon mula sa pagkakadusta. Isa pang ideyang sinabi ni Claudio sa kanyang artikulo ay ang pagsasayang ng oras sa pag aaral ng wikang Filipino. Ako ay hindi sumasang ayon dito. Ang wikang Filipino ay pinag aaralan upang matulungan ang bawat isa na umunlad. Ngunit sa paanong pamamaraan? Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa iba at maaaring lumabas ang potensyal ng bawat isa kung sila ay mas komportable sa wikang kanilang binibigkas. Hindi naman oras ang isyu dito, kung hindi ang pagkalusaw ng paglinang sa wikang pambansa. Ito ay parang pagtalikod na din sa diwa ng wikang pambansa. Sa ideyang ito ay parang naging burado na ang presensya ng wikang Filipino sa ating sistema.
    Sa aking opinyon, kaya nating mga mamamayan na maging isang tagapagtanggol ng wikang pambansa. Ayon kay Sanchez, mayroong mga kritiko ng wikang pambansa na sinasabing ang mga tagapagtanggol ng wikang Filipino ay misguided. Ngunit hindi naman alam ng mga kritiko ang tunay na dahilan kung bakit iba ang persepsyon ng mga tagapagtanggol. Una sa lahat, hindi nila naisip na lahat ay maisasantabi kabilang na ang wikang Filipino para lamang maihanda ang mga mag aaral sa global na merkado. Taliwas naman ang sinasabi nila sa atin,na kailangang mahalin ang sariling atin. Ito ay isang napalaking pagkakamali. Hindi sapat na tapusin nalang basta basta ang wikang Filipino. Dapat ito ay iaakyat pa nga sa mataas na paaralan at sa kolehiyo. Kung kaya’t ako ay lubos na sumasang ayon kay Sanchez na makakamit ang linguistic justice o katarangunang pangwika kung hindi natin patatahimikin ang ating wikang pambansa. Huwag natin palabasin ang ideyang kamangmangan sa wikang Filipino. Huwang nating hayaang mabusabos ang wika pati nadin ang ating mga panitikan. Ang dapat ay mas paunladin at gamitin ang sariling wikang pambansa dahil dito tayo may potensyal bilang isang estudyante, guro, opisyales, at empleyado na mas umaangat bilang isang mamamayan ng iisang bansa.

    Like

  3. Sang-ayon ako sa iyong perspektibo ukol sa pagsulat ni G.Claudio sa Rappler.com. Hindi tama ang makiayon sa kung ano ang meron sa globalisasyon. Ang pagpapatupad ng mga desisyon sa ating edukasyon ay dapat maayon sa pangangailangan ng mga mamayanan at hindi sa modernisasyon ng mundo. Kung iisipin, tayo rin ang mahihirapan kapag ang sistema ay hindi naging maayos. Hindi isang biro ang mag-aral at magpa-aral ng isang bata ng karagdagagang taon sa hayskul. Pagod at oras ang puhunan para dito.

    Ang pagbabago ng sistema ng ating edukasyon ay dapat mapag-aralan ng mabuti at dapat maayon sa laki ng kita ng mga mamamayan. Sa pag-iiba ng sistema, natanong na ba ng mga nakatataas kung ito ba ay pangangailangan o isa lang maskara upang maging kaaya-aya ang ating bansa sa mata ng mundo?

    Ang paniniwala sa ating sariling kakayanan ang kailangan. Ang pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo ay senyales ng pagkabuhay ng kolonisasyon ng mga Amerikano. Nagiging alipin tayo ng mga daan at ayos ng edukasyon ng mga dayuhang bansa.

    Naniniwala ako na makakayanan nating maging maunlad sa pamamagitan ng lubusang paggamit ng ating sariling wika sa trabaho at sa simpleng pagbigay ng komento sa mga sulatin.

    Like

  4. Tenorio, Leslie Rose V.
    FIL 10/ A2

    Ako ay lubusang sumasang ayon sa blog na ginawa ni Sanchez, marahil hinimay-himay niya ang mga bagay bagay na dapat bigyan ng pansin. Hindi siya katulad ng iba na basta basta lang gumagawa ng mga hakbangin kundi isinasaalang alang niya ang kanyang bansa, hindi din siya basta basta nagsasalita inisip niya ang tunay na pinanggalingan na kaniyang tinatalakay. Para sa akin hindi ako sang- ayon sa pagpapatanggal ng wikang Filipino sa pag-aaral sa bansang Pilipinas dahil wala ito na ang wikang nakasanayan ng mga tao kung kaya’t kung ito man ay maipapatupad hindi ba at hindi magandang tignan na ang sarili kong bansa ay gumagamit ng wikang banyaga at yoon ay ang wikang Ingles.
    Sinuri at binasa ko rin ang artikulong inilathala ni Leloy sa Rappler.com at napagalaman ko talaga ngang gustong tanggalin ng CHED ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo sadyang hindi magandang pakinggan marahil nasanay na ang mga estudyante sa kolehiyo na mayroon ng ganitong asignatura simula’t sapul sa pag aaral. Dapat talagang bigyan ito ang pansin, lalo na kung ito ay pagdedebatehan pa ako’y talagang hindi sasang-ayon na tanggalin sa kurikulum dahil na rin Filipino ang unang wika na natutunanan ng bawat bata hanggang sa pag laki.sa madaling salita Mother tongue language. Katulad ng pagpapatupad ng K-12 sadyang hindi pa dapat ipatupad sa ating bansa dahil nasanay ang mga guro na magtuturo lamang sila ng sampung taon kada estudyante simula kinder hanggang sa sekondayaryang edukasyon. Pati na rin ang mga estudyante na walang kaalaman sa bagong sistema na ipinapatupad sa ngayon.
    Marami rin sa K-12 na edukayon mas magiging mabigat ito para sa mga magulang na nagpapa-aral sa kanilang mga anak lalo na sa gastos na magdagdag ng taon imbes na makalipas ng labing-apat nation ay mayroon na silang inaasahan subalit madadagdagan pa ng dalawang taon. Ang bagong mapa ng kurikulum ay talagang may kaakibat talaga na suliranin kagaya nan g kakulangan ng sahod para sa mga guro na nagbibigay ng “effot” para sa kailang maga estudyante pero an gang kanilang nakukuha at hindi sapat, hindi ba at hindi naman patas ang ganoon? Imbes na puro katiwalian ang umiiral sa ating gobyerno bakit hindi kaya naisip na mas magandang pagtuunan ang mga ganitong problema? Dapat siguro ito at maging isang hudyat para sa pagbabago sa ating bansa. Na hindi sagot ang pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas kung hindi ay pagiging bukas sa mga ganitong sitwasyon.
    Sadyang ang mithiin kuno ng kurikulum ay makahulma ng “buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.” Hindi parin ako sang-ayon kung puro basura nga naman ang maituturo sa loob ng paaralan ay wala ring saysay ang mga ganitong bagay kung kaya’t mas mabuting gawin ang nararapat. Isa pa bago ako magtapos, may pagkakataon na baka mawalan ng trabaho ang mga Filipino na guro dahil ang mas kailangan ang mga Ingles na guro. Wala ring may gusto sa CHED na gamitin ang parehong Filipino at Ingles na lenggwahe gamitin sa pag-aaral. Sana itong mungkahi na ito ay hindi maipatupad sa ating bansa dahil marapat lang na gamitin parin ang Filipino sa pag-aaral sa bansa.

    Like

  5. Sa aking opinyon, nararapat lamang na ang wikang Filipino ang gamitin kahit na ang mga mag-aaral ay na sa kolehiyo na. Naniniwala ako na ang paggamit sa wikang Filipino ay magpapaunlad at maglilinang sa mismong wika. Masyado nang umaasa ang ating bansa sa wikang Ingles na siyang sumasakop sa ating isip at pagiging makabayan. Ang pagiging bihasa sa wikang FIlipino ay simbolo din ng pagiging makabayan sapagkat tayo ay sumusuporta at gumagamit ng sarili nating wika. Ang pag abandona sa wikang Filipino ay isang kabulastugan sapagkat ang ating pagiging makabayan ay tuluyan nang masisira at malulusaw na parang yelo na ibinilad sa araw bagkus tayo ay dapat magsulong ng programa sa ating pang-akademikong kurikulum at italaga ang wikang Filipino bilang mas dominanteng wika sa diskursong pang-akademiko. Sa ganitong paraan, mas magiging bihasa ang mga mag-aaral at mga kabataan. Malilinang ang wika natin at lalakas pa ang pundasyon nito dahil ayon nga kay Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Maisusulong ang kaisipang pangmakabayan dahil ang mga mismong gumagamit nito ay kabataan katulad ko. Aaminin kong ako’y hirap makipag-usap gamit ang wikang Filipino dahil ako ay mas bihasa sa wikang Ingles na itinuro ng aking paaralan mula nung ako ay bata pa at ang aking dayalekto ay Waray na likas na dayalekto ng mga Leyteño. Ako ay nalulungkot dahil ang mga kabataan ngayon kabilang na rin ako ay napapabayaan at napapawalang bahala ang wikang Filipino. Ang kanluraning kaisipan na itinanim ng mga dayuhan noong sinakop ang ating bansa ng mga Amerikano ay patuloy na kinakain ang ating pusong nasyonalismo. Kung ang ating wika ay mas magagamit pa, tayong mga Pilipino ay mas magiging malakas at magkakaisa kahit anong mangyari dahil ang pundasyon ng ating wika ay matibay. Maari lamang itong mangyari kung maisusulong ang wikang Filipino sa mga asignatura sa kolehiyo. Kung maaprubahan ito, kaming mga kabataan ay mas magiging bihasa na maari naming maipasa sa susunod pang henerasyon. Ako’y sang-ayon sa iyo Dr. Contreras at nais kong makatanggap ng iyong komento sa aking reply sa iyo. Maraming salamat!

    Like

    1. *Ako’y sang-ayon sa iyo Ginoong Louie Jon A. Sanchez at nais kong makatanggap ng iyong komento ukol sa aking reply sa iyo. Maraming salamat!

      Like

  6. Ang akda sa blog na ito ay tuwirang tinutuligsa ang desisyon ng ating gobyerno sa pangunguna ni G. Claudio tungkol sa implementasyon ng K-12 program sa ating bansa at ang paglayon na tanggalin ang wikang Filipino sa asignatura ng mga estudyante sa kolehiyo at implementa na lang ito sa mas mababang antas ng pag-aaral tulad ng hayskul. Nabuksan ang aking isipan sa mga ganitong uri ng paksa na naisasantabi na, ngunit kailangan pagtuunan ng pansin. Unang-una sa lahat ang nasabing hakbang ng ating gobyerno ay nakaayon sa globalisasyon ng ating bansa, ito raw ayon sa nakatataas sa pamumuno na si Pangulong Noynoy Aquino ay isa sa mga paraan upang mapaunlad ang ating bansa. Ang desisyon na ito ay hindi masyadong napag-aralan at minadali dahil ang ating bansa ay kasama sa mga maunting bansa sa asya na hindi pa napapalitan ang apat na taon na kurikulum sa hayskul. Ang desisyon ng pagbabago ng kurikulum ng hayskul at pag-aalis ng Filipino sa mataas na antas na pag-aaral tulad ng kolehiyo ay may negatibong epektong sa ating mamamayan, lalo na sa mga estudyante at mga guro. Isa sa mga nabanggit sa blog na ito ay ang pagkawala ng trabaho ng mga guro at unti-unting pagpatay ng ating panitikan at esensya ng nasyonalismo. Sa pangkahalatan ang blog na ito ay tungkol sa di-pagsangayon sa pag-implementa ng K-12 program at pagtanngal ng wikang Filipino sa kurikulum sa mataas na antas ng edukasyon tulad ng kolehiyo. Ang aking masasabi ay tama ang naobserbahan ng may-akda na mali ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno hinngil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon ng ating bansa, ngunit kailan man ay hindi na talaga mababalik ang esensya ng nasyonalismo sa ating mga mamamayan at hindi na rin mapapaunlad ang ating wika at panitikan. Ito ay sa kadahilanan na ang Pilipinas ay isang kolonyal na bansa, tayo ay hawak pa rin ng Estados Unidos at kailanman ay hindi tayo makakapag-isa. Ang diwa ng nasyonalismo ay hindi na mababalik dahil ang Pilipinas ay para sa akin hawak ng isang gobyernong tuta ng ibang bansa, ang Pilipinas ay isang bansa kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap kung hindi mangingibang bansa ay lalong naghihirap. Bibihira ka nang makakakuha ng sagot mula sa estudyante na gusto niyang magtrabaho sa Pilipinas at hindi mangibang bansa. Dito pa lamang ay patay na patay na ang nasyonalismo sa puso ng bawat mamamayan. Karaniwan sa mga Pilipino ang layunin ay paunlarin ang sarili at hindi ang kanyang bayan, dahil alam nila na ang pagtratrabaho, buwis na pinaghirapan nila sa bayang ito ay mapupunta lamang sa mga gahaman na politico. Paano mo isusuksok sa isipan ng isang indibidwal ang ideya ng nasyonalismo, kung ang mga opisyal ng gobyerno nito ay walang nagawang maganda upang paunlarin ang kaniyang bayan.Karagdagan pa nito ay obserbahan mo ang iyong suot mula ulo hanngang paa, saan ba gawa ang mga produktong iyong suot? Sa Pilipinas ba? Hindi. Halos lahat ng produktong kinokonsumo at ginagamit natin sa ating bayan ay mula sa ibang bansa, wala tayong kakayahan na gumawa ng sarili nating mga produkto, umaasa tayo lahat sa ibang bansa at kailanman hindi na ito mababago. Kailanman hindi na mababalik ang nasyonalismo dahil noong panahon pa lamang ng Amerikano ay ninakaw na nila ang kakayahan nating mag-isip ng mga bagay at paunlarin ang ating sarili. Ito ay isang sumpa sa ating bayan na maipapasa natin sa mga susunod na henerasyon.

    Isa pa ay ang paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa. Pagpalagay na natin na Filipino ang gamiting wika ng buong Pilipinas. Isipin natin ang magiging epekto nito. Halos lahat ng kompanya sa Pilipinas ang may-ari ay mga taga-ibang bansa na ang ginagamit na midyum ng komunikasyon ay Ingles. Hindi natin kayang gayahin ang ibang bansa na gamitin ang kanilang sariling wika sa mataas na lebel ng lipunan dahil wala tayong kakayahan na paunlarin ang ating sarili, gaya nila. Dahil tayo pa rin ay isang kolonya ng Amerika, ito ay sa kadahilanan na binigyan nila tayo ng kalayaan kuno na kung saan pinaniwala nila tayong napalaya na tayo ngunit hindi pala dahil tuluyan na nilang nasakop ang ating isipan. Ang Filipino ay kailanman ay hindi magiging midyum ng komunikasyon ng mga matataas na antas, ito ay laging magiging wika ng mga karaniwang mamamayan. Ito marahil ang nasa isipan n gating gobyerno kaya gusto nilang tanggalin ang wikang Filipino sa kurikulum pangkolehiyo dahil para sa kanila ang wika ng mga “commoners” ay Filipino at wika ng mga “professional” ay Ingles. Ito ay kailanman ay hindi mababago, dahil ito ang historya, dito tayo sinanay ng ating mga mananakop. Ang nasyonalismo ay isang ideya ay kailanman di lilitaw sa Pilipinas.

    Like

  7. Ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ngayon ay malayo sa perpekto. Hindi madaling solusyonan ang malaki at malawak na problema ng edukasyon sa sistema ng ating lipunan. Mas madali ang sinasabi kaysa sa ginagawa. Gustuhin man nating lahat ang pinakamaganda para sa ating bayan, ay sadya bang napakalayo ng realidad sa ating mga pangarap. Saan nga ba nagmumula ang mga problemang ito? Maling pamamahala? Maling paniniwala? Maling sistema? Maaaring lahat ng ito ay nakakadagdag sa pagsadsad ng estado ng edukasyon sa Pilipinas. Ang sistemang K-12 ng pamahalaan ay umiikot sa kaisipang “quantity over quality” dahil sa pagpapahaba ng panahon na iginugugol ng mag-aaral sa paaralan ay hindi kasama dito ang pag-angat ng kalidad ng edukasyon na kanyang natatanggap at ito ay isang bagay na hindi nabibigyang pansin ng gobyerno. Ang sistemang ito ay paulit-ulit na nakatatanggap ng kritisismo mula sa mga guro, sa mga kritiko, sa mga eksperto at maging sa mga magulang na mas nahihirapan na magpaaral ng kanilang mga anak dahil sa madadagdag na taon na kanilang kailangang tustusan. Hindi sagot sa lumalalang problema ng edukasyon ang pagpapatagal ng hindi naaayon at hindi nasasapat klase ng edukasyon sapagkat ito ay nagdadala lamang ng mas maraming mga problema. Masyado nagpapadala ang gobyerno sa mga banyagang ideolohismo. Ang K-12 ay isang ideyang nagmula sa kanluran at doon ito ay binabansagan ngayong “obsolete”. Gaano na kasira at ligaw ang gobyerno? At hindi natin maitatanggi na kahit sa usapin ng edukasyon, naririyan ang korapsyon. Maaari bang pinatupad ang K-12 upang makinabang ang piling mga tao lamang? Ang problema sa edukasyon ay problemang dapat bigyan ng solusyon ilang tao na ang nakalipas. Hindi na dapat pinapatagal ang ganitong usapin. Walang mahahanap na pagbabago kung tayo ay titingin sa maling direksyon. Hanapin dapat ng pamahalaan ang tamang daan patungo sa matiwasay na Pilipinas

    Like

  8. Kelan pa naging batayan ng karunungan ang oras? Ang mga tauhang nasabi sa blog ay dapat mas may alam pa kaysa mga estudyante, ngunit bakit ang mapang pangkurikulum ay tila gawa ng isang taong kulang sa kritikal na pag-iisip o logic? Sila ang gumagawa ng desisyon kung sa anong paraan pa matututo ang mga estudyante. Ngunit bakit ang paraan na kanilang ginagawa ay hindi para sa ating ikabubuti? Bakit parang mas makakamangmang lang ito ng mga estudyante?
    Sangayon ako sa mga iminumungkahi mo Sir Louie. Tulad na lamang nung isa mong punto. Wala naman talaga sa haba ng oras ang pagkatuto o pagkaintindi ng mga estudyante sa isang paksa tungkol sa sariling wika. Tapos ang mga pinag-uusapan pa sa loob ng oras na iyon ay paulit-ulit na lamang. Kaya mas lalong nawawalan ng gana ang mga estudyante na intindihin ang dapat nilang intindihin. At bakit ba kasi ang pag-intindi sa mga paksa ay lagi na lamang nakabase sa “ang paksang ito ay maiuugnay sa ganito ganiyan”? Bakit ba ito na lang ang laging gamit sa mapang pangkurikulum? Usong baguhin para naman hindi lang doon nakapokus ang kritikal na pag-iisip ng mga estudyante. Dahil sa paulit-ulit na tanong sa isang paksa, imbis na maintindihan, mas lalo lang naguguluhan ang mga mag-aaral. Sa totoo lang, bilang estudyante, ang mga paksang nakasulat sa aklat ay hindi ko na minsan iniintindi dahil ang itatanong lang naman ay “paano mo maiuugnay ito sa iyong buhay?” na kayang-kayang sagutin kahit hindi mo basahin ang paksa. At anong konek ng mga ganung tanong sa paksa? Akala ko ba intindihin? E sa mga ganyang tanong hindi naman nakatutulong yun para maintindihan ang isang paksa e.
    Sa ganitong mungkahi ni G. Claudio parehas magugulantang ang mga guro at estudyante. Hindi kakayanin ng bawa’t isa ang ganitong paraan ng pag-aaral. Kapag nga end na ng quarter, wala ng nangayari. Lahat minamadali, lahat nagmamadali, pati ang pagkatuto minamadali. Resulta ng ganitong sitwasyon? Hindi natatapos ng maayos ang dapat tapusin. Ibig sabihin? Wala ding naiintindihan ang mga estudyante sa kanilang pinag-aralan.
    Isa pang punto na sinasangayunan ko. Totoo naman na mas matututo at magiging handa ang mga kabataan kung ito ay tuturuan mo gamit ang mother tongue. So bakit tatawaging “misguided” ang mga tagapagtanggol ng sariling wika. Sa tingin ba ni G. Claudio maganda tignan na ang sariling bansa natin gumagamit ng wikang Ingles at hindi ang sariling wika? Nakakahiya na sa lahat ng bansa, kahit saan ka magpunta nananatiling unique ang sariling wika. Hindi kailanman nahaluan ng kolonyalismo ang paraan ng kanilang pananalita. Tapos ngayon, na sa bawat araw ng paggising ko, lagi akong magigising sa katotohanan na isang “option” na lang ang ating wika? Na baka bukas makalwa, lahat ng tao nag-i-ingles na at hindi na nakaiintindi ng Filipino. Edi sana sa simula palang hindi na nagtatag ang mga opisyal ng batas tungkol sa paggamit sa sariling wika.
    Itinuturo nga ang panitikan sa hayskul at sa kolehiyo. Ang tanong may natututunan nga ba talaga ang bawat estudyanteng tumatango sa guro nila para lang masabing ito’y nakikinig sa talakayan? Sa lahat ng sinabi mo Sir Louie sa blog na ito, sangayon ako. Sana naman ang mga taong gumagawa ng ganitong klase ng desisyon ay magising sa katotohanan. Palibhasa hindi naman kasi nila alam kung ano talaga ang nangyayari sa realidad. Palibahasa puro sa opisana lang nakaupo’t nagkakape. Palibhasa bawat salitang binibitawan ay hindi pinag-iisipan. Akala kasi nila masiyado na silang matalino na bawat desisyong gawin ay tama at walang mali. Kaya lalong lumalagapak ang ating bansa dahil sa pagkwala ng kritikal na pag-iisip ng mga tao. Lalo na ang mga opisyal na nagiging rason kung bakit pati ang mga estudyante ay nagiging katulad nila.

    Like

  9. Sa aking palagay, tama ang mga sinasabi ni Ginoong Sanchez sapagkat nakakapagtaka nga kung bakit ganito ang nakalagay sa mapa ng kurikulum. Bakit pa nga nila inilagay na opsyon ang Filipino bilang wika na gagamitin sa pagtuturo kung alam naman pala na ang pipiliin ng karamihan ay ang wikang Ingles dahil sa ito na ang kanilang nakasanayan. Parang balewala lang din ang paglalagay nila ng Filipino bilang opsyon. Sa aking palagay, mas maganda siguro kung Filipino halos ang gagamitin na wika sa pagtuturo at gagamitin lamang ang Ingles sa mga sitwasyon na hindi pwedeng gamitin ang Filipino tulad na lamang sa matematika at siyensya.

    Ang pag-uugnay na pinapagawa sa mga mag-aaral pagkabasa ng mga nobela ni Rizal at iba pang manunulat ay nakakapagtaka. Siguro dahil ito’y may magandang aral na nais iparating ng manunulat o ng guro sa atin.

    Ang pagsusulat ng alternatibong katapusan sa mga kwento na may hindi magandang katapusan sa tingin ko ay ang paraan kung paano mahasa ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral. Ito rin siguro ay para magkaroon sila ng ideya kung ano ang nais nilang mangyari sa kwento.

    Like

  10. Noong nakaraang taon, pinatupad nila na ang pasukan ng mga estudyante sa kolehiyo ay gawing hulyo o agosto, ngunit hindi rin naging matagumpay na sa aking palagay dahil sa darating na pasukan ay magiging hunyo muli. Ang pagkakaroon ng K12, pagbabago sa kurikulum at maaring pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo. Hindi ako sang-ayon dito. Dahil malaki posibilidad na hindi maganda ang kalabasan nito. Sa pagbabago ng kurikulum at pagtanggal ng Filipino, bakit kailangan ibahin o tanggalin ang bagay na nakasanayan? Ang mga bagay na kailangan na pagtuunan ng pansin? Ang oras ba na ibinigay ay magiging sapat ba upang maturo at malinang ang mga kabataan na katulad ko? Paano malilinawan ang mga batang pag-asa ng bayan? Ako at sumasang-ayon na hindi makatwiran ang mga nagaganap na ito. Maaring maligaw si Juan Dela Cruz at maging sunud-sunuran sa mga dayuhan.

    Like

  11. Noong ibinabasa ko ang blog entry ni Louie Jon A. Sanzchez ang akala ko ay hindi ko magugustuhan ang nakalagay doon ngunit habang humahaba ang binabasa ko ay nakita ko ang laman ng kaniyang sinasabi. Hindi lang naman ito tungkol sa sumulat sa Rappler.com nasa si G. Leloy Claudio tungkol sa kaniyang pagtatanggol sa GE at CHED. Tungkol ito sa ating problema pag dating sa ating wika.
    Sa isinulat ni Louie nalaman ko na maraming mga manunulat din na hindi talaga alam ang kanila isinusulat. Hindi nila matukoy kung yun ba ang tamang salita na kailangan gamitin upang maipahayag niya sa mga mambabasa ang gusto niyang iparating. “Marami siyang akala” yan ang nasabi ni Louie kay Leloy at sumasangayon ako kay Louie marahil ang pag aakala sa isang bagay ang nag papagawa sa ating kaisipan na sumangayon sa mga bagay na iniisip nating tama at diyaan tayo madalas nagkakamali,
    Noong umabot na ako sa kalgitnaan ng isinulat ni Louie ay nabasa ko ang pagpapahayag ni Leloy na sapat na ang pagtatalaga sa Filipino sa mababa at mataas na paaralan ay mas nalinawan ako sa laman ng tekstong ito. Hindi tama na isinusukat natin ang kahusayang ito ayon sa oras na itinuturo ito sa loob ng eskwelahan. Kaya lang naman itinutura ang Filipino dahil yun ang nakalagay sa saligang batas. Malamang kung wala ang batas ay lahat ng tao rito ay nag ingles na. Kapag hindi ito nakasulat sa ating batas at naging option nalamang ang pag gamit ng Filipino ay baka wala ng gumamit nito. Tayo ay mga Filipino at hindi oras o batas ang ating mga problema kung hindi tayo mismo ang problema.
    Para saakin ay hindi lang naman hayskul ang pag-asa na mai-angat ang wika dahil hindi tayo kinukulang ng oras sa pag aayos ng ating problema. Totoo, na k-12 ang isang paraan upang umakyat ang wika ngunit kung yayakapin natin ang ating pag kukulang at an gating problema baka mas maintindihan natin at mas mabigyan natin ito ng solusyon. May 80 na oras nga ang pagtuturo ng Filipino ayon sa aking nabasa at totoo naman ngunit baka nasayang lang ang ating 80 na oras dahil basura lang din naman ang mga nature saatin noong hayskul. Hindi natin nalaman ang totoong anyo ng ating wika marahil “busy” tayo sa pag memorize ng talasalitaan. Nadala nga ba natin iyon ngayon? O bali wala lamang ang mga natutunan natin noon dahil lahat ng iyon ay hindi ipinatitibay ang ating wika ngunit ipinababagsak lang. wala sa haba ng oras ang lakas ng pag kakaintindi ng mga tao sa wikang Filipino ngunit nasa laman ng itinuturo saatin noong tayo ay mga bata pa lamang. Kaya’t kapag tamad o hindi marunong o wala talagang kinalaman sa ating wika ang tinuturo sa atin ay malamang nasayang ang ibinabayad natin dahil para lamang tayo binigyan ng lobo. Puro hangin.
    Buti nalang ay nabasa ko ang sinulat ni Louie at nalaman ko na halos nasayang ang oras dahil sa maling pagtuturo. Sana ay mabago ito na kahit na maraming mga guro ang mawawalan ng trabaho ay mas husayan nila ang pagtuturo sa mga estudyante dahil karapatan natin malaman kung ano na ba talaga ang nangyayare sa ating wika na nanghihina at malapit ng mamatay. Sana rin ay inaaral at itinuturo natin ito hindi dahil batas kung hindi dahil gusto natin buhayin ang ating wika.

    Like

  12. Alam nating lahat na ang pagsasalita ng filipino ay isang basihan na rin na pagiging isang makabayan kung tatanggaling ang filipino sa ating edukasyon para na rin nating binaliwala ang pagiging filipino at nagpasakop na tayp hanggang ngayon sa mga dayuhan. Ang wikang filipino ang mag bibigay satin ng pagkakaisa upang mapaunlad rin natin ang ating bansa. Sa tingin ko yung mga taong gusto mag tanggal ng filipino sa ating edukasyon ay walang pusong filipino. Pinaka tanga nilang naisip yan kung ako sakanila maghanapa nalang sila ng pagkakabalahang iba. Hindi rin ang wikang filipino ang may dahil kung bakit sa pag sasalita ng ingles ay hindi tayo ganun ka galing at alam nating lahat ang ingles ang pangunahing wika sa buong mundo pero hindi ito ang dahil para ito na rin ang gawing pangunahing wika sa ating bansan. Bakit ang ibang mga bansa kagaya ng tsina. Hindi nila tinatanggal ang mandarin, sakatunayan nga onti lang ang marunong mag ingles sakanilang lugar. Pero nasa tao pa rin yan kung paano nila sabay pagaaralan ang wikang ingles at filipino kaya hindi solusyon ang pag tanggal ng filipino sa ating edukasyon at mas lalong hindi ito ang dahil kung bakit hindi tayo magaling mag salita ng ingles o sa grammar. Ipagsasabaliwa nating ang kasaysayan at kultura n gating bansakung ang wikang filipino ay tanggalin sa ating edukasyon.

    Like

  13. Sumasang ayon po ako sa inyong mga pahayag. Nasa first year college palamang ako ngayon ngunit alam ko sa sarili ko na kulang pa ang aking kaalaman tunggkol sa ating wika. Paano pa kaya ang mga aabutan ng K-12 program? Dapat isipin muna ng DEP ED ang nais nilang gawin at ang mga kasalungat ng mga gagawin nila. Ano na lamang ang mangyayari sa susunod pang mga henerasyon kung tatanggalin na nila ang wikang Filipino sa colegio?

    Like

  14. Aking sinasangaayunan ang sinasabi ni G. Louie Sanchez. Ayon sa aking nabasa at pagkakaintindi, Malamang ay ang wikang Filipino na naman ang talo sa laban wikang Ingles. Malamang din na hindi nasusukat ang pagkatuto ng isang magaaral sa oras na ginugugol nito sa paaralan. Isa pa ito sa mga nagustuhan kong sinabi niya dahil hindi naman talaga ang oras, tagal, at haba ng panahon ang kailangan para matuto. Nakadipende pa rin ito sa mga taong nais matuto, gustong magkaroon ng bagong nalalaman, at maging interisado sa mga bagay bagay kagaya ng pagaaral ng wikang ating kinalakhan. Maganda ang pangitain at makapagbibagay ng bagong kaalaman ang mga sinabi ni G. Louie na kailangan din na magkaroon ng subject na FIlipino at maintindihan, at mapagaralan ito ng bawat mamamayang pilipino.

    Like

  15. Ang mga sinabi ng makata na si Louie Jon Sanchez ay aking sinasang-ayunan dahil lahat ng kanyang sinabi sa kanyang blog ay may punto at tama naman talaga. Ako man ay hindi naniniwalang kayang maintindihan ng mabilis at maayos ang gagawing pagtuturo ng wikang Filipino sa hayskul lamang kahit pa gawin na 80 oras ang tagal ng pagtuturo nito. Una, masyadong magiging mahaba ang ibibigay nilang oras ng pagtuturo ng Filipino sa isang klase bawat araw para lamang mapagkasya nila sa buong taon ng pag-aaral ng hayskul ng isang mag-aaral ang dapat nilang matutunan. Para sa akin, hindi dapat na ganoon dahil hindi kailangan ng mahabang oras ng pagtuturo nito dahil lalo lamang mawawalan ng interes ang mga mag-aaral na aralin at intindihin ito dahil sila ay maiinip lamang. Ang kailangan nila ay patuloy na pagtuturo at pagsasanay nito maging hanggang kolehiyo upang hindi nila makalimutan ang sarili nilang wika pagdating ng araw. Mas magiging mainam kung araw-araw ay patuloy itong itinuturo at nililinang sa mga mag-aaral kahit na sa kaunting oras kaysa naman pipilitin na ituro lahat sa hayskul ng mahabang oras at pagtungtong ng kolehiyo ay bigla na lamang mawawala ito sa kanilang asignatura. Mas lalo nilang hindi maiintindihan kung bakit pa kailangan aralin ang Filipino sa hayskul kung hindi rin lamang nila ito kakailanganin, magagamit at mapapakinabangan sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Huli, dahil ang wikang Filipino ay dinamiko at gaya ng sinasabi sa mga pananaliksik ng mga lingwistiko at eksperto, ang wikang Filipino ay dapat lamang na pagtuunan ng pansin at patuloy na gamitin sa diskurso at akademikong pagtuturo upang lalong maging bihasa ang mga Pilipino sa kanilang sariling wika.

    Like

  16. Ang blog ay para sa mga tao sa Pilipinas na tinatawag na Pilipino at para sa mga marunong mag salita ng Filipino at isinasa-puso ito, pinag-usapan dito ang pagtanggal ng Filipino na subject sa ating edukasyon pag dating sa college at magda-dagdag naman ng dalawang taon sa High School na tinatawag din na Junior high at Senior high level. Pero sa aking palagay kahit sila ay nagdagdag ng dalawang taon sa highschool ay hindi dapat tanggalin ang Filipino sa kolehiyo marahil ang Filipino ay ang ating National Language. Karapat-dapat ipag-malaki ang wikang Filipino at pag-aralan ito ng maigi, dahil para saakin ang pag tanggal ng Filipino subject ay hindi naman makakaabala sa pagpabilis ng oras marahil hindi naman priority ang subject na ito. Pero ngunit karapat-dapat padin natin to kunin at ipasa. Hindi kalian man naging dahilan ang Wikang Filipino sa pagkakaroon ng hindi ganun ka galling sa pag unawa ng wikang Ingles. Sa aking palagay mas binibigyan pansin ng mga Pilipino ang wikang Ingles dahil ito ang Universal Language at dahil dito nagkakaroon sila ng pagkaintiresado. Hindi kailangan ng wikang Ingles para maging mahusay kang manunulat or kung ano man ang gusto mo maging paglaki, ngunit pagmamahal at alaga lang sa ating bansa ay maari ka na maging mahusay. May mga bansa na hindi naman nila kailangan aralin ang salitang Ingles ngunit mag binibigyan pansin ang sariling wika. Ang sinasabi ko lang dito ay sana mas bigyan pansin ang sariling atin kaysa sa iba, ito ay para sa lahat lalo na sa mga kabataan ngayon. Kung ako ang massusunod o mabibigyan ng pagkakataong mabago ang Sistema ng ating edukasyon lahat ng sinabe ko ay i-apply ko at masi-sigurado ko na mas u-unlad ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng ating wikang pambansa.

    Like

  17. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagkaka baon ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang wika dahil sa maraming dahilan. Ang kulturang nakasanayan ay nag resulta sa pagbabagong anyo ng isip ng mga Pilipino dahil mga banyaga ang ating edukasyon. Oo, maaring malaya tayong nakaka gawa ng mga desisyon para sa ating mga sarili ngunit ang paraan ng ating pamumuhay ay nagmula sa ibang bansa.

    Ang edukasyon nalang ang natatanging paraan upang muling maibalik ang halaga ng ating wika. Naniniwala ako sa sinabi ni Louie Sanchez na ang pag-aaral ng wika ang batayan ng pagkamakabansa ng mamamayan. Hindi sapat na alam mo lang ang wikang Filipino. Dapat din nating matutunan ang mas malalim na dahilan kung bakit nga ba tayo nagtatag ng “National language”.

    Like

  18. Sa aking masuring pagpapalagay ukol sa akda ni Louie Jon A. Sanchez, nais ko munang maipabatid na ang lahat ng nilalaman nitong aking komposisyon ay pawang pansariling opinyon ko lamang. Ako ay sumasang-ayon sa may akda nitong blog. Tama naman na hindi dapat mawala ang ating sariling mga wika. Sa panukala ni G. Claudio, parang ang sinasabi niya na hindi na karapat-dapat bigyan pa ng pansin an gating sariling wika dahil hindi naman natin ito magagamit bilang wikang pang-internasyonal. Kumbaga ang dating sa akin ng mga sinasabi ni G. Claudio ay kinukunsinti niya ang pagtrato natin sa ating mga sarili bilang kolonyal. Hindi natin kailangang bitiwan ang ating wika sapagkat ditto tayo uunlad. Ito na lang ang nagpapakita ng ating kasarinlan at kalayaan bilang bansa, pagkatapos ay gagamitin natin ang dayuhang wika at kurikula? Para tayong malalayang tao na ipanapabihag ng boluntaryo ang mga sarili sa mga mananakop. Binubulag at pinapatay natin ang sariling atin, kung saan hindi naman ito ang dapat na umiiral. Sa panukala ni G. Claudio, ibinabaon niya ang esenya ng Filipino bilang wika at ang mga napasasailalim dito.
    Sa kabilang banda ay hindi rin maganda ang ginawang pagsalungat ng CHED at DepEd sa ginawa nilang mapang pangkurikulum. Sa kanila na mismo nanggaling na ang layunin ng mapa ay maging epektibo ang edukasyon at mapanitili ito sa pamamagitan ng pagtuturo nito hanggang sa sekondarya. Ngunit, ang mismong programa na kanilang isinulong ang tumaliwas rito, ang K-12. Ito ang tuluyang pumuksa sa pagtuturo ng wika dahil dito ay mas binigyang pansin ang pagkakaroon ng internasyonalismong mentalidad. Sa ganitong paraan ay parang tinuldukan na rin ang pagtuturo ng panitikan na siyang dapat magpapaunlad at magpapayabong pa lalo ng ating wika.
    Sa kabuuang pagkukuro ay nais kong suportahan si Louie Jon A. Sanchez sa kanyang paninindigan na ang siyang unang dapat magligtas sa ating sariling wika ay tayo, na siyang natatanging gumagamit nito. Pagsasabuhay at pagpapalawak ng kaalaman na may kaukulan sa tamang paggamit ng ating wika para sa ating kapakinabangan ang aking paninindigan at tatayuan bilang desisyon.

    Like

  19. Sa aking palagay ay may punto naman si G. Leloy Claudio sa kaniyang pinagsasabi. Sa perspektibo ng isang magaaral, marahil na nakaeengganyo ang kanyang punto dahil mababawasan ang bigat na ipinapasan sa kanila. Sa tingin ko ay sapat na ang pag-aaral ng Filipino sa elementarya at sa hayskul, at hindi lamang ang Filipino kung hindi ang iba pang mga “minor subjects” o mga programa na hindi naman nagagamit ng isang estudyante sa kurso na kaniyang kinukuha.

    Sa pagtanggal ng Filipino subject sa kolehiyo ay hindi naman nangangahukugang binibigyan ng pribilehiyo ang English subject dahil para sa akin ay dapat hindi na din ito isama sa korikulum kung hindi din naman importante para sa kurso ng isang magaaral. Sapagkat ang mga guro naman o ang institusyon ng isang paaralan ay may kalayaan kung Ingles o Filipino ang kanilang gagamitin para maipahayag ang kanilang mga itinuturo sa mga magaaral.

    Kumpiyansa ako na hindi mamamatay o hihina ang lenguwaheng Filipino dahil sa aking palagay ay ito parin naman ang gagamitin ng nakararami sa pangaraw-araw nilang pakikipag-usap sa kapwa nilang Pilipino. Hindi mababawasan ang mga taong gagamit nito dahil ang mayorya ay ito na ang kinalakihang lenguwahe, kahit sa kolehiyo, kahit na hindi na ito magiging isang programa sa kanilang mga kurso ay ito parin naman ang kanilang gagamitin bilang pangunahing wika sa isang silid-aralan.

    Ang lahat ng ito ang aking mga opinyon lamang, iba-iba ang pagkakaintindi ng mga tao sa iba’t ibang bagay, may mga taong sasangayon sa akin dahil sa tingin nila ay hindi naman ito importante para sa kurso na kanilang kinukuha, ang iba naman ay hindi sasangayon dahil sa tingin nila ay dapat nating gawing priyoridad ang wikang sariling atin para ito ay ating malinang at mapalawak pa lalo. Iba-iba man ang ating tingin sa mga bagay bagay, sa hulihan ay parepareho paring tayong mga Pilipino.

    Like

  20. Ang bawat isa ay may malayang karapatan na makapagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa isang bagay. Ang pagbulalas ng damdamin o opinyon ng isang indibidwal ay maraming paraan at isa na rito ay ang paggamit ng mga naglilipanang “social media sites” sa pamamagitan ng internet. Ngunit, ang paggamit ng mga ito ay dapat may kaakibat na pag-iingat at isaalang-alang na maraming tao ang makakabasa ng iyong opinyon.

    Pag-atake sa opinyon ng iba, hustisya para sa lingguwistika, kurikulum na mapa – mga salitang nakapukaw ng aking atensyon sa sanaysay ni G. Louie Jon A. Sanchez. Sa pagbabasa ko pa lamang sa unang bahagi ng sanaysay ni G. Sanchez ay bahagya niya akong napahanga dahil sa lakas ng kanyang loob na atakihin ang opinyon ng isang indibidwal (G. Leloy Claudio). Hindi ko masasabing mali ang ginawang iyon ni G. Sanchez sapagkat iyon ang kanyang opinyon at sumasang-ayon ako sa kanya na marapat lamang na lubos na maalam ang isang tao tungkol sa isang bagay bago siya magbitaw ng kanyang opinyon tungkol dito. Kadalasan sa mga Filipino, kababaihan o kakalalakihan, ngayon ay walang habas sa pagbulalas ng kanilang mga opinyon kahit na ba ay hindi nila lubusang alam ang bagay na kanilang binigyan ng opinyon.

    Hindi na kataka-taka kung bakit mayroong mga pangkat ng tao ang humihingi ng hustisya para sa lingguwistika sapagkat matagal nang isyu ang wikang Filipino sa ating bansa. Kung noon ay isyu ang wika na gagamitin ng ating bansa, ngayon ay ang pagkakadusta ng wikang Filipino at pag-aangat ng wikang Ingles. Maaaring karamihan sa atin ay gingamit ang wikang Filipino sa pagdidiskurso at sa mga paaralan ngunit marami na rin sa ating mga Pilipino na mas nais gamitin ang wikang Ingles sa pakikipagkomunikasyon at maging ang ibang eskwelahan ay hinihikayat ang kanilang mga estudyante na gumamit nito upang makasabay sa makabagong sistema. Ako ay sumasang-ayon kay G. Sanchez na ang pagkamit ng hustisya para sa lingguwistika ay hindi maaasam sa paglalaan ng maraming oras sa pag-aaral ng wikang Filipino kundi pagbubuhay ng diwa nito sa pamamagitan ng mga panitikang may nilalaman.

    Sa usaping mapang pangkurikulum, ako ay hindi sumasang-ayon dito. Ayon kay G. Sanchez, ang mapang pangkurikulum ay makapagpapalala lamang ng buhay ng mga guro lalo pa’t mababa ang kanilang sahod, kulang na kulang ang mga pasilidad ng paaralan, at kawalan na makapaghanda sa daluyong na ito ng K-12. Kung gayon din lamang ay mabuti nang huwag na lamang ito isagawa nang hindi maging mangmang ang mamamayan sa halip na maging literisado.

    Sa ating gobyerno, hahayaan na lamang ba nila na tuluyang mabaon sa lupa ang wikang Filipino upang makapagsabayan sa modernong sistema? Hahayaan na lamang ba natin na maglaho ang wikang Filipino na siyang ating batayan ng pagka-Filipino? Habang hindi pa huli ang lahat, sana ay maliwanagan ang ating gobyerno na sa bawat desisyong kanilang gagawin ay maaari itong magresulta ng negatibo na lubos na makakaapekto sa mamamayan at sa bayan.

    Gregana, Jocella Pearl C.
    Fil10/A2

    Like

  21. Sa pagkabasa ko ng blog ni Louie John Sanchez na “Pagkalusaw ng Isang Disiplina” ako ay sumasang ayon sa sinabi niya na dapat ang wika ay hindi dapat matapos sa maagang yugto. Hindi lamang ito hanggang pampaaralan lang. Dapat ang wika ay pinagaaralan pa ng mabuti dahil ang wika ay maliban sa ito ay ating ginagamit, ito rin ay sumasalamin sa ating kultura. Kung hindi na natin bibigyan ng pansin ang wikang Filipino ay mawawala na ito. Isa pa ay ang wika ay nagbabago. Hindi ito kung ano ang wika noong panahon ni Rizal ay ganun din ang wika na ginagamit ngayon.

    Ang K-12 program ay maipapatupad na sa susunod na taon. At ang mangyayari ay babawasan na ang pagtuturo ng Filipino sa paaralan. Kung ganoon ang sistema ng K-12 ay talagang mawawalang halaga ang sarili nating wika. Dahil kagaya nga ng sabi sa blog na papaikliin na o pagagaanin na ang pag-aaral sa mga obra maestra kagaya ng Ibong adarna, at ang dalawang nobela ni Rizal.

    Tama rin sinabi niya na malaking pagkakamali ang kurikulim na ito dahil kagaya nga sa Florante at Laura, Ginagamit ang salitan kabanata ngunit ito naman ay nasa anyong awit at patula hindi naman ito isang nobela. Maraming mali ang naituturo ngunit hindi nabibigyang pansin at aminado rin naman ako na marami sa mga turo nuong hayskul ay may mali at hindi ito gaanong binibigyan ng halaga ng guro man o ng ibang propesyonal.

    Ang wika natin ay tila hindi umuunlad. Dahil narin sa hindi natin pagbibigay pansin. Hindi na natin ito masinop na pinagaaralan. At ang mas binibigyang halaga ngayon ay ang mga maka-agham at teknolohiya. Sa pagpapatupad ng K-12 ay parang mas itinanatim sa ating isipan ang kolonyal na pagsasakop ng Amerika. At magiging laman ng ating isip ay ang magkatrabaho at hindi ang mapaunlad ang bansa o ang bawat isa. At ang sistema na ng edukasyon ay para ng training ground ng mga empleyado.

    Like

  22. Ang iba sa paksa na inyong sinabi ay akin ng narinig. Hindi ko naman tinutukan masyado ang paksang ito noong una ko itong marinig. Sa katunayan ay pabor pa ako sa bagong General Education Curriculum (GEC) ng Commission on Higher Education (CHED), dahil para sa akin ay ang hirap unawain ang Filipino kaya nararapat lamang na tanggalin sa kolehiyo at napagaralan na naman ito noong nasa haiskul ako. Noong meron kaming debate sa aming paaralan ngayong nasa kolehiyo na ako at ito ay tungkol sa “Tama bang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo o hindi?”. Napunta sa amin ang hindi pagsang-ayon na panig. Kaya naman may mga bago akong nalaman sa dalawang kampo ng paksang ito.
    Nais ko sanang magbigay ng opinyon sa inyong blog. Hindi nga naman tama na sabiin ni G. Leloy Claudio na “emotionally-charged”, at “ill informed” ang mga nanunuligsa. Hindi ko man nabasa ng husto ang kanyang artikulo ay mukhang hindi sapat ang kanyang kaalaman upang masabi ang pantawag s mga nanunuligsa. Sa inyong blog pa lamang ay nakita ko ang batayan na inyong ginamit. Sigurado din ako na hindi lamang kayo ang may ganitong pananaw. Kaya hindi talaga masasabi ni G. Claudio na walang alam ang mga nanunuligsa.
    Ako nga ay namulat sa mga bagong ideya na aking nabasa. Lalo na yung tungkol sa mga teksbuk. Hindi nga talaga dapat gumagawa ng buod sa mga huling pahina tulad ng Noli Me Tangere dahil mas lalong tinatamad basahin ng mga mag-aaral ang nobela lalo na at nasa huling markahan pa ito ng taon. Isa nga ito sa magandang punto. Batay sa aking karanasan ay wala nga ako masyadong naintindihan dahil paspasan ang aming pagbasa.
    Hindi talaga magiging “buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi” ang mga Filipino. Kung ito talaga ang layon ay sana pinag isipan muna talaga ng mga nasa puwesto ang tungkol sa batas na ito. Kung ang mga mismong guro at kagamitan ay kulang ay sana inuna muna ito kay sa pagdagdag ng dalawang taon sa haiskul.
    Tungkol naman doon sa pagawala ng mga trabaho meron pa din naman daw pong trabaho na naghihintay sa kanila. Ililipat sila sa dalawang nadagdag na taon sa haiskul. Kung ang mga guro sa kolehiyo na mas nakikitaan ko na mas magaling kaysa mga guro sa haiskul ang magtuturo sa mga mag-aaral ay mukhang mas mahahasa sila.
    Hindi pa talaga handa ang Pilipinas sa ganitong sistema, dahil madami munang dapat ayusin. Kung may ibang mga tao pa ang makakabasa ng mga pagbibigay linaw tulad ng inyong blog ay siguradong mas maiintindihan nga mga tao ang importansya ng Filipino.

    Like

  23. Ang pag-aaral sa kursong Filipino ay nakasanayan na nating mga Pilipino magmula pa noong tayo ay magsimula ng pag-aaral. Hindi maitatanggi na karamihan sa atin ay may mga kaalaman na sa kursong Filipino ngunit ang ating mga nalalaman ay hindi pa sapat upang tanggalin basta-basta ang kursong Filipino sa pag-aaral. Makabubuti nga ba o makasasama ang pagkawala nito sa pag-aaral sa kolehiyo?
    Ang pagtanggal sa Filipino sa kurikulum sa kolehiyo ay maaaring makapagdulot ng masamang epekto sa ating mga Pilipino. Isa sa maaapektuhan nito ay ang mga guro na nagtuturo ng Filipino. Maraming mga guro sa Filipino ang mawawalan ng trabaho kung ang Filipino ay tatanggalin dahil wala nang dahilan upang sila ay magturo ng Filipino. Maaapektuhan din nito ang higit na paglinang ng ating sariling wika at ang mga dagdag kaalaman pa. Sa ngayon, marami sa mga kabataan ngayon ang nagkakamali sa paggamit ng Filipino. Mas marami pa ang magkakamali sa paggamit ng Filipino kung sa mga susunod na taon ay aalisin ang Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo. Kahit na ang kursong Filipino ay dagdagan ng oras ng pag-aaral sa senior hayskul, hindi ito sapat kung ang paraan naman ng pagtuturo ay hindi tama dahil halos hindi rin nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo sa kanila. Sa pagtanggal sa Filipino sa kolehiyo, may posibilidad din naman na magkaroon ito ng magandang epekto para sa mga mag-aaral. Kung ang Filipino ay tatanggalin, ang mga mag-aaral ay mas makakapagpokus sa kanilang pag-aaral. May mga panahon na ang mga mag-aaral ng kolehiyo ay nahihirapan sa mga kurso tulad ng Filipino o Ingles dahil sila ay mayroon din naming iba pang mga kurso na mas kailangang pagtuunan ng kanilang pansin. Hindi sila lalong mahihirapan sa mga dagdag gawain na mabibigay sa kanila ng kanilang mga guro. Ang kanilang mga gawain ay mas mababawasan.
    Ang pagtanggal sa Filipino ay hindi na dapat mangyari upang walang Pilipino ang maapektuhan. Kung walang gagalawin ang mga taong namamahala sa edukasyon, walang mga taong magrereklamo ukol dito dahil nakasanayan natin na tayo ay may kursong Filipino. Ang kursong Filipino ay dapat lamang na ituro pa nang mabuti para sa kinabuksan ng mga kabataang Pilipino at ng mga susunod pang mga henerasyon.

    Like

  24. Hindi ko sinusuportahan ang kilos ng ating gobyerno na tanggalin ang wikang nagbigay ng kamalayan sa ating mga Pilipino. Ang pagtatanggal sa wikang Filipino bilang kurso sa mga unibersidad ay maling hakbang, pinapatunayan lamang nito na tayo mismo ay may mababang pagtingin sa wikang atin. Tayo ay Pilipino, hindi natin dapat alisin o gawing “option” ang paggamit ng wikang Filipino. Isipin na lang natin ang buhay na ibinuwis ng ating mga bayani upang ipaglaban ang wikang Filipino; kung noon ay nagtagumpay ang mga bayani natin, iba na ang kaso ngayon sa modernong diskurso sa isyung ito sapagkat kapwa natin Pilipino ang mismong sumusuporta rito dahil sa maling paniniwalang mas uunlad tayo sa pagpapatupad sa kilos na ito.
    Ang patuloy na pagtangkilik nating mga Pilipino sa wikang banyaga tulad ng ingles kaysa sa wikang Filipino ay hindi solusyon upang tayo ay umunlad at kilalanin (gaya ng layunin ng ating gobyerno), nililimitahan pa nga nito ang posibilidad na pag-unlad natin, ilang pag-aaral na ang magpapatunay nito. Ayon sa pag-aaral, mas nakakakuha ng mas mataas na iskor ang mga estudyante sapagkat ginamitan sila ng wikang mas naiintindihan nila, ang kanilang lingua franca. Kung bibigyang halaga ang mga naging pag-aaral, dapat isipin ng gobyerno at ng iba pang tiga-suporta na hindi natin ika-uunlad ang kanilang naging hakbang.

    Like

  25. Isang Reflection paper sa Pagkalusaw ng Isang Disiplina na isinulat ni: Louie Jon A. Sanchez

    Ang blog entry na ito ay maihahalintulad sa sanaysay na isinulat ni G. Renato Constantino na pinamagatang The Miseducation of the Filipinos. Parehong tinutuligsa ng may akda ang pamahalaan dahil sa patuloy na pagtatangkilik ng mga ito sa wikang Ingles na isang wikang banyaga, kesa sa sariling wika natin, ang wikang Filipino.
    May punto si G. Sachez dahil bakit nga ba kailangang tanggalin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo kung maari naman itong ipagpatuloy kahit na meron pang dalawang taong maidadagdag sa sekondaryang edukasyon. Ito nga ay mas mabuti dahil lalong mapag-aaralan ng mga estudyante ang ating pambansang wika. Mas mahahasa sila sa pagsasalita at sa paggamit ng wikang Filipino. Dapat lamang na bigyang importansya ng ating gobyerno ang asignaturang Filipino dahil ang wikang ito ang nag at mag bubuklod sa ating mga Pilipino.
    Hindi ako sang-ayon sa paniniwala ni G. Claudio na okey lang na mawala sa kolehiyo ang asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil may dalawang taon namang madagdag sa sekondaryang edukasyon kaya mas lalong mapagtutuunan ng atensyon ng mga estudyante ang pag-aaral ng Filipino. Sa pagpapahayag nya ng kaisipang iyon, para nya na ring sinabi na hindi ganoong kaimportante ang wikang Filipino. Dahil sa aking paniniwala, ang wikang Filipino ay dapat na patuloy na pag-aralan ng bawat mamamayang Pilipino sa buong durasyon ng kanilang pag-aaral hanggang sa siya ay makatapos. Dahil ang ating pambansang wika ay dapat patuloy na nililinang hanggang pwede pa itong malinang para sa ikauunlad ng ating kultura at kasanayan ng ating bansa.
    Ang k+12 na kurikulum ng CHED ay isang magandang modernisasyon para sa ating bansa, ngunit kung ito ay di naman maiimplementa ng maayos, lalo lamang itong makadadagdag sa mga problema ng ating bansa. Dahil sa ito ay magdadagdag ng dalawa pang taon sa kurikulum ng sekondaryang edukasyon, mas makakabigat ito sa bulsa ng mga magulang at ng mga may pinapaaral dahil imbis na diretso kolehiyo na ang kanilang mga pinapaaral, ay magiging anim na taon ang hayskul ng mga ito. Sinasabi ng pamahalaan na pwede ng magtrabaho ang mga nagtapos sa ilalim ng k+12 kurikulum ngunit meron na nga bang makukuhang mga disenteng trabaho ang mga gradweyt na ito? Marami na ngang mga Pilipino ang walang trabaho kahit na hindi pa k+12 ang kurikulum ng ating edukasyon, paano pa kaya yung mga gradweyt ng k+12 lalo na’t hindi pa organisado ang kurikulum na ito. Nakakabahalang isipin ang mga posibleng negatibong resulta ng kurikulum na ito.
    Ayon pa sa artikulong isinulat ni G. Claudio sa rappler.com, ang mga ginagawang bagong kurikulum at mga bagong asignatura ng CHED para sa kolehiyo sa kurikulum ng k+12 ay gagawing sentro sa sarili ng isang tao. Ngunit tatanggalin nila ang asignaturang Filipino. Hindi ba’t mas makakatulong nga ang Filipino sa kolehiyo lalo na’t kung ang bagong kurikulum ay patungkol sa sarili? Dahil para sa akin, ang pagiging bihasa ng isang mamamayan ng isang bansa ay mas nakakatulong sa pagpapaunlad ng kanyang sarili bilang maging isang mabuting mamamayan ng kanyang bansa.

    Like

  26. Tila bang di na pinagtutuunan ng pansin ang asignaturang Filipino, di lang ng kurikulum, pati na rin ng mga estudyante. Binabalewala na lang ito marahil sa pag-iisip na: “Filipino naman na tayo? Bakit pa kailangan pag-aralan yan? Isinasambit naman na natin ang Filipino.” Isa pang pag-iisip ay ang: ”Ew, Filipino? Mag-Ingles ka para mas sosyal ka tignan.” Dahil sa mga kakitirang pag-iisip na ito ay posibleng mangupas na ang asignaturang ito.

    Kung hindi natin babaguhin ang ugaling ito, di lang pangungupas ang maaaring abutin ng Filipino, kundi ang tuluyang pagkawala nito. Madami ang matututunan sa asignaturang ito kaya hindi ito maaaring kalimutan lamang. Masasabing ito ang Pilipinas na ibinuod na ibinabahagi sa atin, at ito na rin ang tanging bumubuhay sa ating pagkapilipino dahil parte nito an gating kultura, hanggang sa relihiyon, hanggang sa wika.

    Mahirap na kapag nawala sa kabataan ang Filipino. Hindi na nga sila Pilipino sa kabuuan, parte na lang sa kanila ang masasabing pilipino marahil na rin sa kolonisasyon, ay mawawala na ng tuluyan ang pagkapilipino hanggang sa puntong hindi na sila maaring tawagin na Pilipino. Kung tatanggalin ito nang tuluyan, hindi na malilinang ng ang ating wika at binibigo rin natin ang kabuuan ng ating bansa.

    Isipin na lang ang paghihirap na dinanas malinang lang ang Filipino. Malayo na ang narating nito at maaari pang mabigyan ng kahalagahan lalo na’t ang Pilipinas ay nasa proseso ng pag-uunlad. Isa ang asignaturang Filipino sa mga nag-ambag sa kinatatayuan ng Pilipinas ngayon kaya hindi dapat balewalain ang isyung ito tungkol sa mga pagbabagong gaganapin sa asignaturang Filipino.

    Like

  27. “Wika: Binhing Dapat Palaguin at Pagyamanin”

    Ang Wika parang isang binhing itinanim. Nariyang kailangan mo ito pangalagaan sa araw-araw at tugunan ang mga pangangailangan nito upang lumaki bilang isang malagong halaman. Maraming pangangailangan ang wika, tulad nang pangangailangan ng halaman upang lumaki. Sa pagpapalaki nang isang hardinero sa binhi, maraming iba’t ibang paraan na lumilitaw. At mula ito ito sa iba’t iba pang hardinero. Kung tutuusin, iba iba ang pamamaraan at pag-iisip. Marami rin lilitaw na kontra sa pamamaraan mo, at maging sa ideyang pagpapalaki ng binhi bilang isang halaman.
    Katulad na lamang sa blog na aking binasa. Nakasaad rito ang mga sa loobin ni Louie Jon A. Sanchez, isang blogger. Nakapaloob rin rito ang kanyang kontra sa mga sinasabi ni G. Leloy Claudio na sumulat sa Rappler.com, isang website para sa mga balita. Ipinagtanggol kasi ni Claudio ang General Education Curriculum ng CHED. Ang General Education Curriculum o GEC ay ang mga kinakailangan sa curriculum ng mga undergraduates. Kasama sa mga kinokontra nya ang ang ideya ni Claudio sa mga nanunuligsa sa GEC bilang “ill emotionally-charged” people at “ill informed” naman sa mga nagrerehistro ng makabansang argumento tungkol sa wika.
    Ayon sa blog, mayroon raw nabanggit si Claudio sa artikulo nito na kinakailangan ng halos 80 oras ang paggamit ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa bawat semester sa Senior High School. Sumasamng-ayon ako kay Sanchez, na hindi oras ang isyu rito. Kung gayon lamang na sa oras naidadaan ang pagpapayaman at pagpapalawak sa isang wika, bakit mapasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin laganap ang paggamit wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga paaralan? Ang hirap kasi sa atin, hindi malinaw ang pinanggagalingan nang mga problemang nire-raise natin. Sa tingin ko, ang problema ay hindi na natin alam ang dahilan kung bakit nasa Saligang Batas natin ang paggamit ng wikang Filipino. Nalimutan na natin ang ideya ng pambansang wika.
    Kailangan rin sanang maging hindi na maging option ang wikang Filipino. Nabanggit sa artikulo na may pagkakataong pumili ang mga institusyon kung Filipino o Ingles ang gagamitin bilang midyum. Pero hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mas pipiliin pa rin ang Ingles dahil sa mas madali itong magagamit sa sistema ng K-12 program sa edukasyon. Sana lang, makita natin ang maganda at matalinong dulot nang wikang Filipino bilang wikang pang-akademiko. Na may kakayahan rin ang ating sariling wika na mas makapagpalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral natin sa makabagong panahon.
    Naisantabi na ang kakayahan ng wikang Filipino at mga ilan pang hegonomikong wika sa bansa tulad ng Tagalog. Ngunit hindi lang naman ang mga ito ang naisantabi ang kakayahan bilang wikang pang-akademiko, kung hindi pati na rin lahat ng mga diyalekto o wika sa bansa. Kung ganito lamang ang nangyayari, ay bakit pa tayo nagkaroon ng pambansang wika? Bakit pa sila naglagay sa Saligang Batas na dapat gamitin ang wkiang Filipino? Hindi ba’t parang walang katuturan ang pagkakaroon ng mga ito kung hindi naman susundin ang ideya kung bakit ito na-italaga nung una pa lamang?
    Ang hirap kasi, nabibigyan nang pribilehiyo ang mga banyagang wika dito sa atin. Ito ay dahil na rin sa kolonyal na pag-iisip. Nakatatak na kasi sa isipan ng mga Pilipino na kapag wikang banyaga ang kanilang ginamit, katulad ng Ingles, ay mas lalaganap ang makro-komunikasyon. Mas kakayanin makipag sabayan ng mga Pilipino sa mundo. Ito ay dahil ginagamit nila ang wika na laganap sa buong mundo, ang wikang Ingles. Ngunit hindi ba nila naisip na kung gagamitin nila ang sariling wika natin at patuloy itong pagyayamanin, hindi ba’t mas magiging epektibo itong paraan upang makipagsabayan sa mundo? Na mas makakatulong ito upang maging developed country ang Pilipinas? Parang pagbuo ng laruang Rubik’s Cube. Kung bubuoin mo ito sa sarili mong pamamaraan, matutuhan mo kung papaano ito bubuohin sa mga susunod na pagkakataon na ito’y magugulo. Alam mo kung ano ang gagawin kapag nagulo ito sa may bandang tank pattern o sa panimulang base. Ngunit kung patuloy natin itong bubuohin sa pamamagitan nang pagbaklas nito at bubuohin o di kaya’y paglilipat lipat ng mga sticker nito, oo – ito’y iyong mabubuo, ngunit hindi mo alam ang mismong proseso nang pagresolba sa problema. Sa tingin ko, ito ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang pagpapayaman natin sa sariling wika, lalo na ang pagpapaunlad mismo sa bansa. Gumagawa kasi tayo ng hakbang na hindi naman malawak ang ating kaalaman rito. Hindi matalinong hakbang kumbaga.
    Isa pang nabanggit sa blog ni Sanchez ang sinabi ni Claudio na baka nasa hayskul raw ang pag-asang mapayaman ang wikang Filipino. Maaring tama siya doon, ngunit hindi dapat tumitigil sa hayskul ang pag-aaral at paggamit nito sa iskolar na paraan. Ang wika ay dinamiko. Ito ay nagbabago. Isipin mo, kung ang isang bagay ba ay uunlad kung ititigil sa isang tiyak na yugto ang pagpapalawak nito? Hindi diba? Kaya sa tingin ko, ang pagsasama nang wikang Filipino, hindi lamang sa kurikulum ng elementarya at hayskul, kundi pati sa senior highschool at kolehiyo, mas mapapalawak ang paggamit nito sa iskolar na paraan at mas mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang minsan na natin naitalaga bilang pagkakakilanlan natin bilang isang Pilipino.
    Ang paggamit natin ng wikang Filipino sa mga panitikan ay napakababaw ayon sa blog na aking binasa. May punto siya rito. Nariyan kasi ang katotohanan na pinalalawak natin ang kaalaman sa wikang ito sa pahalang na paraan. Hindi natin ito iniintidi sa palalim na paraan. Isang halimbawa na nabanggit sa blog ang ideyang naiinitindihan na raw natin ang isang binasa kung maiuugnay ito sa mga kasalukayang pangayayari o sa mga nangyayari sa mga ibang lugar sa bansa. Na kung tutuusin ay hindi naman makatutulong sa pag-iinitindi natin sa isang paksang binasa. Ang hirap kasi sa atin, ginagamit ang mga pundamental ng ibang wika sa wikang Filipino. Katulad ng halimbawa pa sa blog, ginagamit ang salitang “kabanata” sa Florante at Laura na hindi naman dapat dahil isa itong awit. Maari sanang berso ang gamitin na terminolohiya. Ang wikang Filipino kasi ay naiiba sa wikang banyaga kaya hindi ito maaring kumuha sa mga pundamental ng wikang banyaga. Oo nga’t pantay ang lahat nang wika, ngunit marami silang pagkakaiba sa isa’t isa, lalo na sa mga pundamental at kayarian nang mga ito.
    Sang-aayon ako sa mga naabanggit ni Sanchez sa kanyang blog. Lalo na sa ideya na hindi naman imposible ang mithiin ng iilang Pilipino na maging wikang iskolar ang wikang Filipino. Kasi ayon nga kay Sanchez, wika ang nagtatalaga at nagiging batayan nang pagkamakabansa ng mga mamamayan. Ito na rin siguro ang magiging sagot upang magkaisa ang bawat isang Pilipino. Ang binhi sanang ito, na matagal nang mali ang pagtugon sa pangangailangan, ay maitama na ang mga pamamaraan sa pag-aalaga upang hindi to tuluyang mamatay. Maging malago at malaki sana itong puno. Na magbubunga pa nang magagandang bulaklak.

    Like

  28. Para sakin dapat hindi dapat gawing “option” ang Filipino dahil ito ang pambansang wika at dahil ito ang naka-pagkokonekta sa ating mga Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng ating pambansang wika at na ayon din sa ating saligang batas. Oo nga’t nasanay na tayong mga pilipinong gumamit ng wikang ingles at nagiging lingua franca o nagiging pangalawang wika natin ang Pilipino hindi ito sapat na batayan upang alisin o gawing “option” nalamang ang wikang Filipino, Kung ako’y papapiliin mas pipiliin ko pang gumamit ng sariling wika sapagkat naipapakita nito ang iyong pagkamamayang Pilipino at ang sabi nga ng ating pambasang bayan sa isa sa kanyag mga akdang isinulat ay “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa hayop at malansang isda, ang ibig sabihin lamang ni rizal ay dapat nating mahalin ang ating wika.
    Wala naman iyan sa oras ng pag tuturo ng Filipino eh nasa guro na nag tuturo iyan at sa mga istudyanteng nakikinig sa guro, oo nga nasa klase ka ang tanong nakikinig ka ba? May mga istudyante kasing kahit gaano kagaling ang guro sa pag tuturo ng isang asignatura kung ang istudyante naman ay hindi nakikinig balewala din ang pag tuturo at galing ng isang guro, ang gusto ko lang iparating dito ay bakit napakahaba ng oras ng pagtuturo ng Filipino kung ang istudyante naman ay patulog-tulog at hindi nakikinig sa klase at base nga sa sinabi ni louie jona sanchez sa 80 oras na inilaan para sa asignaturang iyon ay halos lahat sa oras na iyon ay puro basura at kalisyahan lamang ang maituturo ng guro at ang iba namang natitirang oras ay mas pipiliin ng mga guro na mag pauwi na lang ng istudyante.

    Like

  29. Ako ay sang-ayon sa artikulo na ito. Bakit natin tatanggalin ang paggamit ng tagalog sa kolehiyo? Dapat sa sekondarya lang ba ito ituturo at pagkalipas nito ay kakalimutan na? Bakit natin kailangan bawasan ang paggamit nito? Dapat nga ay lalo pa nating palawakin ang ating kaalaman sa ating sariling wika. Hindi naman natin maikakaila ang patuloy na progreso ng ating bansa upang tayo ay makasunod sa ibang bansa. Wag naman nating paabutin sa puntong ang mga anak natin ay hindi na alam o hindi na marunong magsalita ng tagalog. Masasayang lang ang ating kasaysayan na ating ipinaglaban noon pa man sa mga dayuhan. Dapat nating pangalagaan ang ating sariling wika, dahil dito tayo nagkakaisa. Wag nating hayaang matabunan ng progreso ang ating kasaysayan at lalo na ang ating sariling wika, tayo rin naman ang makikinabang kapag atin iton pinalagaan.

    Like

  30. Sa programang pang-edukasyon ng gobyerno, mahalaga ang papel ng wika at hindi maiiwasang usapin ang paggamit ng wikang Ingles. Maituturing na maunlad na nga ang isang wika kung ito ay nagagamit sa larangan ng agham at teknolohiya at nakakaagapay sa pag- unlad ng kabihasnan. Isa sa tinuturing na maunlad na wika sa kasalukuyan ay ang Ingles. Ang wikang ito ay ginagamit sa komunikasyong pandaigdig, kalakalan at sa iba’t ibang larangan ng agham.At dito nagsimula ang ating suliraning tinatalakay ngayon.
    Patuloy ang mga pagbabagong dulot ng globalisasyon at teknolohiya sa iba’t ibang aspekto ng lipunan. Layunin ng mga inobasyong ito na makatulong sa pamumuhay ng mamamayan. Dahil dito, pinaniniwalaan na magiging intrumento sa pagsulong ng kaunlaran ang paggamit ng wikang ingles. Nagbunga ang nasabing konsepto ng unti-unting pagkalimot sa kahalagahan ng sariling wika. Isa sa patunay nito ang panukala ng Commission on Higher Education (CHED)na naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum na ipinapatupad sa kolehiyo. Tunay nga bang magdudulot ang hakbanging ito ng progreso o huwad lamang na pagbabago?
    Hindi sumang-ayon ang karamihan sa pagtatanggal ng CHED sa Filipino bilang isa sa mga subjet kukuhanin sa kolehiyo. Binigyang-diin nila ang kahalagahan nito sa pag-aaral ng mga estudyante. Kung tatanggalin ang Filipino bilang isa sa mga asignatura natin, para na rin nating sinabing walang halaga ang sarili nating wika, ang wikang magpapakilala sa atin bilang mga Pilipino.Dahil ang asignaturang Filipino ay makakatulong sa paglawak ng ating kaalaman na maari nating gamitin sa pangaraw-araw tulad ng pagkakaroon ng epektibong komunikasyon, pagbabasa at pagsulat. Ang paggamit natin ng wikang atin ay maiging sandata sa anumang problema ng ating bansa, mas masusubok ang tatag n gating wika sa panahon ng globalisasyon gayunman nakakalungkot na mas humihina ito kung kelan dapat ito’y matatag.
    Ngayon naman ay talakayin natin ano nga ba ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng silid-aralan. Unang-una ay ang madaling pag-unawa sa leksyon dahil alam na natin ang wika mas madali natin madedecode ang mensahe ng lesson at madali rin tayong makakapagencode ng magiging sagot natin. Hindi na kailangan isalin pa ang isang konsepto sa kamalayan para maunawaan ito. Kaya mabilis ang pagkatuto o pag- unawa ng mag-aaral sa isang impormasyon. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo marami pa tayong prosesong gagamitin para makuha ang mensahe nito.
    Para sa pagtatapos, masasabi ko lang sa mamamayang Pilipino, kung gusto natin umunlad at maging isang bansa na hinahangaan ng iba ay dapat magsimula tayong kumalimot sa nakaraan at gawin itong leksyon upang maging progresibo tayo. Hindi sana tayo dumepende sa ibang bansa kundi simulan natin ito sa ating sarili dahil sa huli tayo lang ang makikinabang at magkakaisa sa panahon ng kagipitan. Simulan natin ito sa paggamit n gating sariling wika sa tama,matalino at intelektwal na paraan.

    Like

  31. Kahit noon pa man, hindi na talaga nabibigyang pansin ang ating wika. Hindi lamang ito lubos na nakikita ng bawat isa dahil sa ibang bagay nakatuon ang ating pansin. Kinakain tayo ng kagustuhang umunlad, makipagsabayan sa ibang malalaking bansa at gayahin sila, kung kaya’t nakalilimutan na natin kung ano nga ba tayo at ang tunay na dapat gawin. Oo, pinag-aaralan nga ang ating wika sa paaralan, ngunit iyon nga lang ba talaga ang dapat gawin upang masabing nalilinang ito kahit papaano? Hindi ba’t mga Filipino tayo at ang Filipino ang lingua franca natin, ito ang isa sa mga nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan bilang Filipino? Tingin ko sapat na itong dahilan upang pagyamanin ang ating wika at hindi kalimutan. Isa pa, tila pagpapakitang-tao na lamang ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino. Hinahayaan na lamang ito na manatili sa kurikulum para masabing pinag-aaralan ito at pinauunlad. Tila isa na lamang itong obligasyon na dapat gawin kahit ang totoo, hindi na ito ang prayoridad ng gobyerno. Nakalulungkot isipin na naturingan tayong mga Filipino pero ang gobyerno mismo ang nangunguna sa pagkalimot at pagbasura sa sarili nating wika. Sa kagustuhan nilang umunlad, maski ang sariling wika nasisikmura nilang isantabi, para sundan ang yapak ng ibang bansa para sa globalisasyon. Hindi ako tutol sa pag-unlad at globalisasyon ng bansa, pero ang sa akin lang, hindi kailangang magkibit-balikat na lamang tayo sa sariling atin. Hindi ko itatanggi ang bagay na kailangan din nating matuto ng Ingles kahit papaano. Ito ang wika na ating ginagamit sa tuwing mayroong interaksyon sa mga dayuhan kung kaya’t kahit papaano malaking bagay at tulong na din sa atin ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa wikang ito.

    Kung totoo ang bagay na ilalagay sa huling quarter ang pag-aaral ng Florante at Laura, Ibong Adarna at iba, magsisilbi lamang itong patunay na tuluyan na ngang nababalewala ang panitikan natin. Kung paiikliin ang mga ito, mawawalang lamang ang hustisya ng pagkakagawa ng mga akdang ito. Isa pa, patunay lamang ito na ang pagpapanatili ng pag-aaral ng mga ito ay isa na lamang requirement at hindi dahil nilalayon ng gobyerno na linangin ang wika maging ang kaalaman ng mga estudyante. Sang-ayon din ako sa sinabi mo Ginoo, na maaring sa 80 oras na pag-aaral ng Filipino, malaking parte ng oras na iyon ay masasayang lamang at hindi magagamit ng maayos.

    Marami nga talaga ang nagrereklamo ukol sa pagpapatupad ng K-12, marami ang hindi pa handa sa pagbabagong ito, unang-una na ang mga guro at maging ang gobyerno mismo. Kulang tayo sa pasilidad lalo na ng mga guro. Masyadong nagmamadali ang gobyerno sa pagbabagong ito, pero alam na alam nitong hindi pa handa ang bansa para rito. Bakit ba sila masyadong nagmamadali? Para nga lang ba masabi na nakasasabay tayo sa globalisasyon na sinasabi nila? Tingin ko, hindi batid ng gobyerno kung ano nga ba talaga ang globalisasyon. Globalisasyon nga ba talagang maituturing ang paglimot ng sariling wika para lamang makasabay sa iba? Para sa akin, hindi tayo patungo sa kaunlaran, bagkus, patungo tayo sa pagpapabagsak ng ating sarili.

    Nakalulungkot talaga isipin na kung dati, kultura at iba pang mga bagay na mayroon ang mga Pilipinas gaya ng mga museo, tanawin at iba pa, ang nakalilimutan natin, ngayon, maging ang wika natin ay nagbabadya na ring magpaalam. Ang wika na dapat sana’y pinauunlad at minamahal natin ay tila isa na lamang “trend” na palaos na. Trend na napag-iwanan at tapos na.

    Sana mas marami pang tao ang maging kagaya niyo, Ginoong Sanchez, patuloy na may pakialam at ipinaglalaban ang ating wika.

    Like

  32. Una po sa lahat salamat po sa patuloy na pakikibaka para linangin ang Wikang Filipino, ang mga tao pong tulad niyo ay kailangan ng ating bansa. Isa lang po akong hamak na estudyante na sa kasalukuyan po ay nag-aaral din ng asignaturang Filipino at nakikita ko po ang kakulangan ng atensyon ng mga institusyon sa pag-aaral ng ating wika, parang ang nangyayari ay nagiging memorisasyon ang “pag-aaral” Filipino. Mararamdaman na rin po ang predikamentong nakasaad sa itaas sa aming eskwelahan, dahil sa pagkakaalam ko po ay apat na taon mula ngayon ang Filipino ay tatanggalin na rin sa curriculum ng institusyon aking kinabibilangan.Nakakalungkot pong malaman ang balitang ito dahil bilang isang estudyante marami po akong bagong natutunan sa wika na ngayon lamang sa kolehiyo naipaintindi sa akin, at ang masama pa ay wala po akong malaking maiaambag sa pagsulong ng patuloy na pagtuturo ng filipino sa kolehiyo. Ang kaya ko lang pong gawin sa ngayon ay patuloy na gamitin, at paglinangin ang ating wika. Nawa’y mamulat sana ang mga namumuno sa bansa sa katotohanan na bago sila naluklok sa kinalalagyan nila ay naging Pilipino muna sila.

    Like

  33. Ang buong artikulo ay tungkol sa wika at sistema ng edukasyon. Hindi na ako magtataka kung ang gobyerno ay nagkakaroon ng pagtatalo patungkol sa pambansang wika. Subalit pati sa departamento ng edukasyon ay pinagtataluhan din ang tungkol sa wika. Ingles ba o Filipino ang dapat na pambansang wika? Bakit ba ang hirap sagutin ng tanong na iyan? Gusto ko matuto gamit ang wikang Filipino sa kadahilanang alam kong mas maiintindihan at maipapaliwang kong maigi ang mga paksa kapag wikang Filipino ang gamit. Sigurado rin makakapagbigay ako at maiibahagi ko ang naiisip ko at aking palagay tungkol sa paksa. Marahil ay hindi magkakaroon ng limitasyon ang mga gusto ko at kailangan kong masabi o ibahagi. Gaya ng aking sinabi, sa tingin ba nila magiging madali para sa mga batang mahihirap maintindihan ang paksa kung ito ay nasa Ingles? Sa aking kursong, “Civil and Environmental and Sanitary Engineering” iniisp ko, paano ko ba kakausapin yung mga kasamahan ko sa trabaho katulad ng mga karpentero, mason, o pintor? Kapag sila ba ay kakausapin ko sa Ingles ay maiintindihan kaya nila ito?
    Kung nagtatalo ang gobyerno kung ang gagamitin bilang pambansang wika ay Filipino o Ingles, para sa akin, mas malaking diskusyon kung ano ang gagamitin na wika para sa mga edukasyon ng mag-aaral. Hindi naman pagiging magaling sa Ingles ang sukatan ng katalinuhan. Paano magkakaintindihan at magkakaisa ang mga mamayan sa isang bansa kung pati sa wika ay di sila nagkakasundo.
    Sa artikulo, ang kanyang ipinaglalaban ay ang pagiging “option” lamang ng wikang Filipino sa pagtuturo at pagaaral. “Option” lang ba talaga ang pag gamit ng wikang Filipino? Paano lilikha ang malikhaing Filipino kung pati sa wika ay nagkakaroon ng deskriminasyon at limitasyon. Dapat ang paggamit ng wikang Filipino di lamang dapat pang mababang antas ng paaralan kundi para din sa kolehiyo. Ito ay upang makamit ang tinatawag nilang “Linguistic Justice”. May oras tayong pag-aralan ang ibang paksa, pero ang ating sariling wika ay binibigyan ng limitadong oras? Ang wika ang pinakamahalagang kailangan sa pag-aaral ng isang tao dahil ito ay ginagamit sa pang-araw araw. Ang gustong iparating ng artikulong ito sa atin na ang bagong sistema ng edukasyon ay tuluyang pinapatay ang wikang Filipino imbis na ito ay palakasin at patibayin. Dahil dito tuluyan ng pinapalabas na Ingles talaga ang pinipili nilang wika sa pagtuturo. Matapat kong sinasabi na hindi ko lubusan maintindihan ang artikulong ipanabasa dahil ako mismo ay kulang pa ang kaalaman sa wikang Filipino. Pero hindi dapat ito maging hadlang sa akin para gumamit ng wikang Filipino.
    Sana naman mapag-isipan nilang mabuti ang desisyong kailangan nila gawin. Dahil mas marami siguro ang hindi magiging sa ayon sa kanilang gustong ipatupad. Ang gobyerno natin ay patuloy na nagtuturo sa atin maging dayuhan sa ating sariling bansa. Ang kailangan natin gawin ay mamulat sa katotohonan na di natin kinakailangan ng Ingles para magkaintindihan at para umunlad. Kailangan lang mahalin ang sariling wika para matulungang umunlad ang ating bansa. Huwag natin hayaan sila na tuluyang sirain at kalimutan ang sairli nating wika.

    Like

  34. “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda.” –Jose Rizal

    Bilang pagtugon sa kinakaharap na problema hinggil sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo. Naging usap-usapan ang suliraning ito ng mga mamamayan sa paglabas ng CHED ng desisyon na tanggalin ito sa kolehiyo upang maging daan sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Matematika at upang makasabay tayo sa daloy ng globalisasyon. Ang ating wikang pambansa ay wala pa gaanong karanasan at hindi pa ganap na intelektwalisado. Magiging ganap na intelektwalisado lamang ito sa pamamagitan ng pagpapayaman at pagpapalawak nito sa lahat ng antas sa paaralan, lalo na sa kolehiyo na mas marapat itong pag-aralan at talakayin. Ano nga ba ang ugat ng problemang ating kinakaharap? Ang ugat ng ating problema ay ang kolonyal na edukasyon na ipinamana sa atin ng Estados Unidos. Dahil dito mababa na ang tingin ng mga Pilipino sa ating wikang pambansa. Na kapag sinabi mo na Filipino ay mababa na ang kalidad nito. Kung wikang Ingles lamang ang itinuturo sa kolehiyo, ang mga kabataang Pilipino ay unti-unting hinuhubog bilang kolonyal na mamamayan. Marami kasi sa ating mga Pilipino na nakikita na ang sarili nating wika ay hadlang sa ating pag-unlad bakit naman ang mga bansang mauunlad ngayon, napapanatili nila ang pag-aaral ng kanilang sariling wika hanggang sa kolehiyo. Ito ay isang patunay na ang ating sariling wika ay hindi hadlang sa pag-unlad ng bansa. Marami ring guro ang tutol sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo. Malaki ang tiyansa na mawalan ng trabaho ang libo-libong mga guro sa Filipino na labis na makakaapekto sa kanilang pamumuhay.
    Base sa aking karanasan, iba ang pagtuturo ng Filipino sa hayskul at sa kolehiyo. Sa kolehiyo, mas malalim ang pagtatalakay at pag-aaral nito kumpara sa hayskul. Kung kaya’t mali ang CHED na tanggalin ito at idahilan na matutunan naman ito sa Grade 11 at Grade 12. At kung tingin ng mga Pilipino na ang wikang Ingles ang mag-aahon sa atin sa kahirapan, bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin tayo sa ibaba? Kung ang dahilan ng CHED ay upang makasabay sa globalisasyon, mali dahil ang mga bagay na ito ay magiging sanhi ng pagkawala ng sariling pagkakakilanlan ng isang bansa sa pag-usbong ng kaugalian ng mga dayuhan at pagkahati ng ating mamamayan.
    Sana ay maging hinog at bukas ang ating kaisipan na makita na ang Filipino ay makakatulong sa pagpapalawak ng ating kaalaman at huhubog sa ating pagkakakilanlan tungo sa pag-unlad.

    Like

  35. Magandang gabi! Sa pagkakabasa ko sa artikulong ito ay naintidihan ko ang punto at mga gusto mo po ipahiwatig. Kahit na estudyante pa lang ako ay nauunawan ko na kahit papaano ang hirap, pagtitiis at pagpapakasakit niyong mga guro. Tama po kayo, pahirap lamang ito. Halos lahat ng sinabe at katanungan niyo ay may punto hingil sa sinasabi ni G. Claudio. Naisip ko rin yan, bakit nga ba kailangan pa ituro pa uli ito kung napag-aralan na ito ng ilang beses noon pa. Paulit-ulit lamang ang ginagawa.

    Noong hayskul ako ay sabi sa amin ng aming guro sa history ,” Ang k to 12 curriculum ay magbibigay sa atin ng Globally competetive students.” Hindi ko maisip ang koneksyon pero marahil ang tinutukoy nito ay para makigaya tayo sa ibang bansang nagpapa-tupaad din ng ganitong klase ng kurikulum. Para sa akin ay isa itong magandang reporma at pagbabago. Iniisip ko na lamang din po ay kung tama ba na i-apply din itong klase kurikulum map sa ating bansa kung tayo naman ay hindi pa handa at hindi pa subok? Mahirap na bansa tayo kumpara sa kanila? Handa nga ba tayo sa ganitong reporma?

    At sa huli, kung ang pagpapahaba ng oras ng edukasyon ang magpapa-lakas sa ating edukasyon ay bakit patuloy pa ding inuulit ang mga naituro na noon? Payag naman ako sa pag-gamit ng Filipino sa mga asignatura dahil isa itong paraan para malinang ang wika. Nalinawan po ako sa inyong mga pananaaw, sana ay magawan ng paraan ng CHED ang ganitong klaseng problema. Ito ay malaking hamon sa mga taong nasa itaas para gawing epektibo at gawing reliable ang kanilang panukala. Maraming salamat po!

    Like

  36. Magandang buhay G. Louie Jon A. Sanchez! Ako ay lubos na sumasang-ayon sa iyong sinasabi tungkol sa pagpapahalaga ng ating wikang Filipino. Para sa akin ay mali ang pagpapalagay na ang wikang Filipino ay isang option lamang. Hindi natin dapat tinatangkilik ang salitang Ingles bagkus ay palitan na ito ng wikang Filipino. Sa isyu naman tungkol sa pagdadagdag ng oras para sa pag-aaral ng Filipino, ako ay lubos na sumasang-ayon dito ngunit may limitasyon. Huwag naman sana sobra ang pagdadagdag nila ng oras dahil napapagod din ang mga estudyanteng kagaya ko. Isa pa ay tungkol naman sa mga teksbuk na gagamitin ng mga mag-aaral. Siguro naman ay dapat lang na pumili ng maayos na teksbuk para naman magbunga ng maganda ang pagbabasa ng mga bata rito.
    Kung talaga ngang gusto nilang palawigin at punlarin ang wikang Filipino sana naman ay huwag silang gumawa ng mga desisyon na hindi pinag-iisipan. Kung gagawa sila ng isang hakbang dapat siguro ay hindi lamang isa o dalawang beses nilang pag-iisipan ito dahil marami ang maaapektuhan nito. Sana ay tuluyan ng magkaroon ng disiplina sa ating gobyerno dahil ngayon pati edukasyon ay naaapektuhan na. Sana ay makarating sa kanila ang hinaing natin. Para sa isang mag-aaral na katulad ko kung gagamitin ang wikang Filipino para sa pag-tuturo ay mas madali kong maiiintindihan ang aking mga aralin. Maraming salamat sa iyong oras.

    Like

  37. Malaki po ang aking pagsang-ayon sa mga opinyon na inyo pong ibinahagi, naniniwala ako na hindi pa ito ang tamang panahon upang ipatupad ang pagbabago sa kurikulum ng sistema ng edukasyon sapagkat sa tingin ko ay kulang pa ang oras na ginugol ng nakakataas na mga institusyon na pag-aralan at alamin ang mga epekto nito sa pangkalahatan at hindi pa sapat ang oras na ibinigay sa ating mga guro upang sila ay makapag-adjust sa bagong kurikulum na pilit na isinusulong ng mga kagawaran ng edukasyon sa ating bansa.
    Ako rin ay nalulungkot dahil imbis na linangin natin ang wikang sa atin ay mas pinipili nila na mas bigyan atensiyon ang wikang Ingles, nakakalungkot isipin na imbis na pagtuunan ng pansin ang sarili nating wika ay tila ba binabalewala lang ito. Imbis na payamanin ito at ituro sa mga kabataan ang importansya ng pagkakaroon ng sariling wika ay sa banyagang wika nila ito ginagawa. Dito palang ay makikita na natin kung bakit hirap umunlad ang ating bansa, paaano uunlad ang ating bansa kung hindi natin tinatangkilik ang sariling atin?
    At nalulungkot ako dahil sa nakakainsultong solusyon ng mga lider ng mga kagawaran ng edukasyon sa mga guro ng Filipino na mawawalan ng trabaho, parang napakabastos ng iminungkahi nilang magturo nalang ang mga guro ng Filipino ng ibang paksa dahil hindi naman importante ang wikang Filipino.
    Sa tingin ko ay mas dapat bigyan ng importansya ang pag-aaral ng Filipino kaysa ng Ingles, dahil bilang mamamayan ng bansang ito ay sa tingin ko responsabilidad natin na malaman ang tamang gamit ng ating wika at kung ano nga ba ang pinagmulan nito. At sa tingin ko ay mas mainam na Filipino ang gamitin nating lahat dahil ito ang naiintindihan ng mas nakakarami, kahit saan at kahit sino man ang makasalamuha mong Pilipino ay kayang makipag-dayalogo sa Filipino.
    At sa tingin ko ay bago nila problemahin ang mga ganitong isyu ay unahin muna nilang solusyunan ang mga problemang mas dapat pagtugunan ng pansin katulad ng kakulangan sa eskwelahan, gamit, maaayos na libreng edukasyon para sa ating mga kababayan at ang pagbibigay ng tamang sweldo sa ating mga guro.

    Like

  38. Magandang buhay, G. Louie Jon A. Sanchez! Nais kong iparating na ako ay lubos na sumasang-ayon sa iyong blog post na ito. Ako ay naniniwala na kahit kailan man, ay hindi dapat maging mas mahalaga ang Ingles kaysa sa wikang FIlipino. At kahit kailan man ay hindi lang dapat isang option ang Filipino. Naniniwala rin ako na dapat mas pagtuunan natin ang asignaturang Filipino, at ang pagdadagdag ng oras para sa asignaturang ito ay isang magandang hakbang, Napapansin ko na marami pang Pilipino ang hindi lubos na naiitindihan ang sarili pa man nating wika. At ngayon na ang balak na pagtanggal ng Filipino bilang isang aralin sa kolehiyo ay isang hakbang pababa. Nais kong sabihin na bakit natin tatanggalin ang Filipino sa halip na ito ay mas lalo nating linangin, gayong marami pang Pilipino ang nagkakamali rito. Hindi naman ibig sabihin na iwasan natin ang Ingles, ang nais ko lamang, ay ang tulad ng sa inyo, na mas bigyang pansin din ang wikang Filipino, sapagkat ito ay sariling atin. Sa usapin naman ukol sa teksbuk, naniniwala ako na ang paggamit ng tamang teksbuk ay nakatutulong sa paglinang ng wika. Dapat ay pumili ang bawat paaralan ng tamang teksbuk upang ang mga mag-aaral ay mas lalo pang matuto. Nais kong kondenahin ang mistula ay hindi na napagtuunan ng pansin na desisyon ng nasa posisyon. Kung nais mapalawig pa lalo ang Filipino, ay dapat tayong umiwas sa mga hakbang papalayo sa pag-unlad. Nais kong dumulog sa gobyerno na sana ay matulungan pa lalo ang akademya sa pagpapalawig ng ating salita. Sana ay umiwas sila sa pagdesisyon na pababa ang kakahantungan. Para sa isang mag-aaral na kagaya ko, ang Filipino ay isang malaking bahagi ng edukasyon. Kahit na ingles ang ginagamit na midyum ng edukasyon ngayon, ay sa tingin ko na ang paggamit ng Filipino ay mas madaling intindihin. At kung makakaintindi ang mga mag-aaral, mas maraming uusbong na mga Pilipinong intelektwal at may patutunguhan sa buhay. Maraming salamat po. Pagpalain tayo ng Panginoon.

    Like

  39. Ako po ay sumasang ayos sa inyong mga ideya, sa aking pananaw ang pag aaral ng Filipino sa mababa at mataas na paaralan lamang ay kulang na kulang upang mabigyan kahulugan ang importansya ng ating sariling wika. Kung tutuusin nga dapat ay Filipino na ang ginagamit natin sa pag tuturo ng mga intelektwal na mga diskurso dahil ito ang wikang sariling atin.

    Like

  40. Ang pag gamit ng wikang pilino o pag turo ng pilipino para sakin ay dapat hindi itigil sa grade school lamang una dahil ito ang ating wikang pambansa bilang isang pilipino dapat alm natin ang ating wika kahit sa mga trabaho madalas ginagamit ang ingles para sa mga presentation etc pero hindi rin naman ahat ng tao marunong mag ingles dahil nasa pilipinas ka marami sa mga empleyado ng isang kumpanya ay pilipino at para kayo ay magkaintindihan kailangan ikaw ay marunong ng tagalog. pangalawa sa edukasyon para sakin dapat ito ituro hangang kolehiyo dahil kung ito ay ituturo hangang grade school lamang ito ay makakalimutan at hindi na magagamit ng mga bata sa kanilang pag tanda. madalas sinasabi ng mga teenager ng panahon ngayon hindi naman natin kailangan aralin ang filipino dahil ito naman ang ating wika na ginagamit pang araw araw o dikaya hindi rin naman natin ito magagamit sa pag trabaho dahil kadalasan ingles and ginagamit dito para sakin and wikang filipino ay nag sisimbolo sa bansang ito at ang naguugnay sa ibat ibang klaseng tao sa pilipinas o kahit anong wika sa bansang ito bawat probinsya ay may ibat ibang dialect yung tipong isang hakbang mo lang iba na ang wikang sinasabi nila pero sa ibang probinsya ingles din ang kanilang ginagamit dahil sa wika nila ay mas madali kungbaga ang mag ingles kesa sa mag tagalog pero dapat ito ay pagaralan pa rin ng ibat ibang probinsya dahil ito ay ang pambansang wika pero syempre depende na yun sa kanilang kagustuhan

    Like

  41. Sir Louie Sanchez, sang-ayon po ako sa mga inyong nabanggit. Maganda po at tama ang mga dahilan kung bakit hindi dapat magkaroon ng K-12. Hindi nga ibig sabihin ng haba ng pagtuturo ay marami nang malalaman ang mga mag-aaral. Sang-ayon po ako sa sinabi niyong madadagdagan lamang ang maling naituturo. Ginagawa nga nila ito upang makasabay sa ibang bansa ngunit hindi naman kasi pare-pareho ang lagay at kailangan ng bansa natin sa iba. Kailangan natin na mapag-aralan nang mabuti ang ating wika dahil kung magagamit natin ito ng maayos, mapapaunlad pa natin ito at magagamit pang-akademiko.

    Dapat ngang mag-ikot-ikot ni G. Claudio at tingnan niyang mabuti ang sitwasyon sa bansa sa perspektibo na rin ng mga maaapektuhan ng K-12. Ang ganitong klase ng bagay ay dapat talagang pinaghahandaan at hindi minamabalis. Hindi siguro nakikitang mabuti ang mga magiging epekto ng K-12, at ang nakikita lamang ay ang sinasabing pag-unlad gamit ang globalisasyon. Lalo lamang nadagdagan ang problema sa edukasyon, hindi pa nga nasosolusyonan ang iba tulad nga po ng inyong sinabi tungkol sa mga pasilidad ng paaralan at kawalan ng sahod.

    Akala kasi nila na handa na ang mga guro, mag-aaral o magulang man sa K-12. Hindi talaga nila naiisip ang ibang bagay basta lamang makasabay sa ibang bansa na hindi naman ganoong ka-positibo ang magiging resulta.
    Salamat po at ako po ay may natutunan sa inyong blog at mas nagbukas ang aking isipan sa mga pangyayari sa bansa.

    Like

  42. Para sa akin, hindi dapat tumitigil ang pag-aaral sa wikang Filipino. Dapat ay patuloy itong nililinang. Upang malinang ito, kailangan natin itong gamitin, hindi lamang sa pakikipagkwentuhan o tsismisan, kailangan din nating itong gamitin sa akademikong diskurso. Ang wikang ito ay atin, mahalin at pagyamanin natin. Nawa’y maintindihan ito ng mga taong isinasantabi ang ating wika, inuuna pa nila ang wika ng banyaga. Nasaan ang pagmamahal sa bayan?

    Like

  43. Mula pa noong ako ay nagsisimula pa lang mag-aral hanggang ngayon na nasa unang antas na ako ng kolehiyo, napakataas na ng tingin sa mga taong magaling mag Ingles.

    Sa dati kong paaralan, noong elementarya pa lamang ako, madalas kaming pinapagalitan ng mga guro dahil kami ay nagsasalita ng Bisaya sa loob ng klase, sa Mindanao ako naninirahan noon kaya Bisaya ang aking primerang diyalekto. Naaalala ko pa nga hanggang ngayon ang nangyari sa akin noong ako ay nasa ika-limang baytang pa lamang, nasabi ko ang salitang “puling” sa halip na “puwing”, isang letra lamang ang kaibahan ngunit ibinigay saakin ang tinatawag namin noon na Medal of Shame. Ang medalyang ito ay may nakalagay na plato na may nakasulat na “I am hard headed, I did not speak in English” at “Matigas ang ulo ko, hindi ako nagsalita ng Tagalog” sa likod. Hinding-hindi ko makaklimutan ang araw na iyon kung kalian ko sinuot ang medalya, iyon ang araw kung kalian pinarusahan ako at ipinahiya sa dahilan lang na nagsalita ako sa aking diyalekto.

    Ito ang pag-iisip ng mga tao na nagpapakain sa Kolonyal na mentality. Sabi nga, ang wika ang nagdadamit sa atin, kaya hindi dapat natin ito ikinakahiya, dapat natin itong minamahal at ginagamit ng tapat.

    Like

  44. Sana ay maibalik kung paano magturo dati ang mga guro ng maging mas madisiplina ang mga Filipino sa ngayong henerasyon.

    Like

  45. Maraming salamat po sa isang napakaganda at napakamakahulugang sanaysay. Mas lalo po akong ginahan upang maging magaling din sa pagsulat. Bilang estudyante nagpapasalamat po ako dahil kahit sa gantong edad ay natutulungan niyo po kaming mamulat sa mga gantong isyu ng ating bansa. Ito rin po ay tulong na rin sa amin upang magkaroon kami ng ideya kung sakaling makarinig kami ng isang diskurso tungkol dito. Makakatulong po ito upang makasabay kami sa mga usapan na ganito ang tinatalakayan.

    Isa lang ang punto na gusto ko pong maging klaro, ito ay ang nabanggit ninyo sa sanaysany, nakasaad doon na ang wikang Filipino ang gagamiting midyum sa kolehiya. Siguro naman ay alam natin ang mga magiging masama at mabuting epekto nito. Kung ito ang gagamitin natin mahihrapan tayong makasunod sa sistema dahil karaniwan sa ngayon ay Ingles na ang ginagamit. Pero bilang Pilipino, ang wikang Filipino ang dapat nating tangkilikin. Ako man ay naguguluhan kung ano ba dapat ang manaig. Siguro ay kailangan na talagang humantong sa isang desisyon ang pamunuan.

    Alam ko pong may mas malalim na kahulugan ang inyong sanaysay na ito, kung ito ay pagtutuunan ng pansin ay maiintindihan at mauunawaan ito ng lubos. Bilang estudyante po ay sisikapin kong mag palawakin ang aking isip dahil sa sanaysay na aking nabasa. Lubos po itong makatutulog sa akin bilang mag-aaral, magiging inspirasyon ko ito at pwedeng maging lunsaran ng mga bagay na gusto kong iparating tulad na lang ng inyong ginagawa. Maraming salamat po.

    Like

  46. napaka gandang sentimiyento, G. Sanchez! ako ay sumasang ayon sa iyong mga pahayag na pinaglalaban ang karapatan ng tao upang matutunan at mahalin pa lalo ang sariling wika. May mas malaking isyu pa na dapat iresolba ang Gobyerno. sa pag aaral ng filipino, nailalabas ang pagiging makabayan ng isang pilipino.

    Like

  47. Base sa aking nabasa nakapaloob dito ang ilang mga bagay na pwedeng maging epekto sa pagbabago ng edukasyon at ito na nga ang pagpasok ng makabagong Proseso ng edukasyon at ito na ang k-12 , bagamat nakapaloob na nga rin dito ang ilang pang mga bagay na makaaepekto nasabi na dito ang pagkawala ng trabaho ng ilang mga guro at lalong lalo ang pagkawala ng edukasyon patungkol sa ating pambansang wika o ang Filipino. Para sa akin kinakailangan itong pagtuonan ng pansin kung ano nga ba ang mas nararapat at kung ano ang mas mainam para sa ating mga Pilipino. Para sa akin kailangan itong panatilihing kasama sa mga bagay na kailangan na matututunan ng mga kabataan at ng mga bagong pang henerasyon maituturing nga itong pagkalusaw ng disiplina sa kadahilanang hindi pagpapahalaga sa kulturang ipinamulat sa atin ng atin pang mga ninuno at nakapabilang na nga rin dito ang ating sariling wika. Ipinagkakait sa ating mga Pilipino ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating pambansang wika. Bilang isang Pilipino hindi rin ako sangayon sa mga bagay na posibilidad na mangyari hindi ito magiging makatarungan sa guro at lalong lalo na sa mga mamamayang Pilipino. Ang pagkakaroon ng edukasyon na tinatalakay ang tungkol sa ating sariling wika ay ang natatanging paraan para maipahayag at maipamulat ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mamamayang Pilipino dahil ang maging pamilyar sa wikang ating ginagamit ay maituturing na isang karapatang pangtao bilang isang Pilipin. Kung ipagpapatuloy ang pagtuturo sa mga eskwelahan matutunan ng mga kabataang Pilipinong mag-aaral ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa tamang pagbigkas at paggamit ng wikang Pilipino. Inaamin ko bilang isang Pilipino hindi pa din ganoon kahasa ang aking abilidad sa pagsasalita at paggamit ng wikang Pilipino sa kadahilanang hindi pa sapat ang aking kaaalaman tungkol dito. At kung ito ay maipagkakait para na rin kaming mga Pilipino ay napagkaitang manirahan sa aming sariling tahanan , Para sa akin ang wikang Pilipino ay maituturing na pinakamainam na sandata nating Pilipino dahil ang pagpapakita ng pagmamahal at pagtangkilik sa sariling atin ay nagpapakita na ng pagkakaroon ng nasyonalismo at ito rin ang magsisilbing paraan upang maipahayag natin ang mga bagay nga gusto na nating maiparating sa paraang mas maiintindihan ng ating kapwa, kinakailangan din nating mga Pilipino na ipaglaban ang ating karapatan para sa ating sariling wika na magkaroon ng malayang kunbersasyon gamit ang ating sariling wika at ang patuloy na magpapaunlad nito gamit ang ating sariling edukasyon. Kailangan pa rin natin itong patuloy na ipagibayuhin upang ang wikang Pilipino ay magkaroon ng na buong kahulugan dahil an gating sariling wika ay siya ring naglalarawan kung ano tayo bilang isang Pilipino..

    Like

  48. Nais ko pong ipahiwatig ang aking kagalakan sapagkat may mga taong ipinaglalaban ang karapatan ng wikang Filipino bilang wikang pang-akademiko at pambansa sapagkat karamihan ng mga Pilipino, sa panahong ngayon, ay sumusunod nalamang sa kung ano na lamang ang idinikta ng mas nakakataas sa kanila, kahit na minsan ay di na makatwiran ang paghahatol ng mga ito.
    Isa rin sa mga nakapukaw sa aking pansin ay ang pag-aaral ng wikang Filipino sa mga antas na naidagdag dahil sa K-12. Nakakarinig po ko ng mga istorya tungkol sa mga guro, lalo na sa private schools, na mataas ang tsanya nilang matanggal sa pagtatrabaho dahil dito sa K-12. Napagtanto ko rin po na tunay ngang, kung mapapasama ang wikang Filipino sa pag-aaral ng K-12 ay magiging walang saysay sapagkat kung Ingles lang din naman ang magiging basehan at priyoridad na lenggwahe sa mga kompanya, para saan pa ang mga ginugol na oras sa pag-aaral ng wikang Filipino kundi pagsasayang lamang ng oras.
    Nais ko rin po sanang magtanong at hingin ang inyong opinyon po kung anu po talaga ang basehan ng pagiging Pilipino ng isang Pilipino. Salamat po, at sana marami pa po kayong maihayag ng mga opinyong kritikal sa bansa.

    Like

  49. Ako ay namulat at lalo pang nagkaroon ng impormasyon ang aking kaisipan dahil sa magandang pahayag na aking nabasa. Sa aking opinyon ang bagong sistema at lumang sistema ang magtatapos sa ating pagiging Filipino, bakit? Dahil saan ba galing ang bagong sistema na ito? Diba sa ibang bansa rin, dahil dito makikita natin na napakabulok ng sistema ng atin edukasyon, dahil tayo ay gumaya na lamang sa ibang bansa upang tayo ay umunlad. Ang bagong sistema ay may malaking ambag sa ating edukasyon ngunit ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kurikulum ay hindi ata tama, bakit? Dahil sa panahon ngayon, napakaraming tao ang tumataliwas o madalas na gumagamit ng salita ng dayuhan kaysa sa salitang sariling atin, bakit ulit? Dahil nga kapag ikaw ay nag salita ng ibang lengwahe, malalaman at mapapansin nila na ikaw ay matalino, totoo rin naman, pero kapag ang salitang Filipino lamang ang iyong alam, ikaw ay ikinasusuklaman. Para sa akin ayos lang naman ang magkaroon ng bagong sistema at kurikulum sa sistema ng edukasyon, pero parang Isasakripisyo natin ang ating wika para lamang sa ikauunlad nating bansa? Hindi dapat natin maliitin ang wikang Filipino, hindi lang naman ito mga letra, mga salita, mga pangungusap, subalit ito ay kalayaan, Kalayaan para sa ating bansa, sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino, kaya nating mapalalim at mapalawak ang ating pagiisip. Kapag ang CHED ay naaprobahan ito, maaring maipahayag natin na tayo ay bumitaw, hindi tayo nakakapit ng mabuti, biglang huminto ang sasakyan, tayo ay nalaglag, tayo ay nanghina, tayo ay nabagok, tayo ay nawalan ng malay, sa ating pagkagising, hindi na natin alam kung nasaan tayo, hindi narin natin alam kung ano na ang nangyari, maitatanong natin sa sarili natin, sino ang dala sa akin dito?
    Nararamdaman ko rin kung ano ang magiging damdamin ng mga guro na nagtuturo ng wikang Filipino o nagaaral palang para magturo sa wikang Filipino, hindi lang dahil sila ay mawawalan ng kinita kundi sila ay makukulong at hindi nila maipapahayag ang kanilang kaalaman sa mga susunod na henerasyon na mag-aaral. Ako ay isang estudyanteng nag-aaral, masasabi kong ang panitikang Filipino ay isa na sa mga paksang aking inaaral, itong paksang ito ay nagmumulat sa aking mga mata at lalong bumubukas ang aking mga isip kung ano na nga ba ang nangyayari sa ating bansa.
    Mayroon lamang sana akong katanungan sa iyo Ginoong Sanchez. Kapag ang sistemang ito ba ay napatupad, sa tingin mo mababago ba ang ating bansa? Aangat ba ang ating bansa?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: