Bagong Tula: Lolong

—Butuan, Agusan del Norte

Bunganga sa bunganga. Ganyan kita natagpuan
Sa iyong kaylamig, kaybasang hantungan,
Nakanganga, habang tila inginanganga ng kawani
Ang lumamong pridyider, isang tanging tangka
Na ibangon ang alamat ng sapalaran at sakuna.

Bumungad ang iyong pangil na walang makatiyak
Kung ano na (o sino) ang nginasab, ngunit panday
Ng panginginain ang tibay at talim, habang mistulang
Umaangat na hininga ang makabaligtad-sikmurang
Pangitain. Katunggali ng pagkabulok ang iyong tigas.

Sandali kong isinuot ang kamay sa pagkakanganga.
Gunita ang pagpapabida ng pangahas sa telebisyon,
Sinakmal ding muli ang malay ng balita ng pagkakahuli
Sa iyo sa ilog, ang pagpupumiglas, at ang mangha
Ng madla sa pagmalas sa nalantad mong kalakhan—

Isang higit kaysa hinagap, at hinihinging maiahon,
Wari’y mula sa kawalang-malay, bilang kuwentong
buwayang napanagumpayan, at ngayon nga’y naisilid
Sa pridyider, bangis na elado, inagawan pati ng butil
Ng luhang malaong panlansi bilang hangal na habag.

Sa kristal ng mga mata, babasaging alaala ang ugat
Ng bakawan, ang kristalinong daloy, ang panahon
Ng paggulang habang nakamata ka sa ibabaw ng tubig;
Tutunghin, sisilaing kaybilis ang pinipintigang ano man,
Dadakping marahas, tulad ng nakapain ngayong kamay.

Abril 25, 2015

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s