Paanyaya: Panayam at Lunsad-Aklat sa Marso 11, 2017 sa DLSU


Daluhan ang paglulunsad ng pinakabagong aklat ni Louie Jon A. Sánchez, ang Pagkahaba-haba man ng Prusisyon (University of the Philippines Press), at muling pagpapakilala sa kaniyang dalawang naunang aklat ng tula, ang Kung Saan sa Katawan at At Sa Tahanan ng Alabok (kapwa mula sa University of Santo Tomas Publishing House). Pakinggan din ang kaniyang mga pagninilay hinggil sa pagtula at pagsasanaysay sa panahon ng kawalang-katiyakan.

Si Louie Jon A. Sanchez ay kandidato para sa PhD in Literature sa De La Salle University, Manila, kung saan din siya nagtapos ng MFA in Creative Writing, with high distinction. Kasalukuyan siyang guro ng panitikan, pagsulat, at kulturang popular sa Department of English, Ateneo de Manila University. Nakatakdang ilathala ng UST Publishing House ang kaniyang ikaapat na aklat, at unang aklat ng kritisismo, ang Aralín at Siyasat: Mga Pagninilay sa Tula.

Itinatanghal sa kagandahang-loob ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center ng De La Salle University, Manila.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: