
Panginoon ng aming búhay,
May mga araw na ginugurlisan ng aming pasanin
Ang mga balikat at talagang kaybigat-bigat–
Kapag ang landas ay nakapapagal at walang-wakas,
Ang kalangita’y kulimlim at nagbabadya;
Kapag walang himig ang aming búhay, mga puso’y
Lumbay, at mga kaluluwa’y pinanawan ng pananalig.
Pahagkan mo sa liwanag ang landas, pukawin
Ang mga matang bumaling sa kung saan tigib
Ng taginting ang mga ulap. Ipaulinig sa puso
Ang awit ng katapangan, handugan ng kaisahan
Sa mga bayani at banal ng bawat panahon.
Pahayuhin ang aming mga diwa upang mayakag
Ang mga kaluluwa ng tanan na sumámang
Maglakbay sa landas ng búhay para sa iyong
Dangal at luwalhati.