Dasálin 2: Panalangin ni Thomas Merton


n-thomas-merton-628x314
Larawan mula sa Huffington Post.com.

Panginoon kong Diyos,
Hindi ko alam kung saan ako patutungo.
Walang mga muhong gumagabay sa landas.
Walang katiyakan ang aking tinatahak,
Sa gayong wala rin akong kabatiran sa sarili,
At itong dangal ng pagsunod sa iyong loob,
Bakâ isa lámang malaking pagpapaimbabaw.
Bagaman sa ganang akin, ang mithiín
Ang pagkalugod mo’y tunay na nakalulugod
Sa iyo. Umaasa ako na may gayong lunggati
Sa lahat ng gawain ko. Nawa’y di ako kumilos
Nang lihis sa násang ito. Batid ko
Na kung tutupad ako, mayayakag ako
Sa tamang landas, kahit wala akong kaalam-
Alam doon. Kayâ magtitiwala sa iyo kahit madalas
Na ligáw at nalalambungan ng pagkaparam.
Hindi ako masisindak, sapagkat lagi kang
Makakaramay, at di ako maiiwang humaharap
Sa mga sinasariling panganib.

,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: