Dasálin 25: Awit ng Habihang-Langit mula sa mga Tewa


flight landscape nature sky
Larawan mula sa Pixabay sa Pexels.com

O, aming Inang Daigdig, O aming Amang Langit,
Kami’y inyong mga supling. Maghapon mang nakayuko,
Alay namin ang mga kaloob ng paggiliw.
Habihan po kami ng káyo ng liwanag;
Nawa’y ang kiwal ay maging puting sinag ng umaga,
Nawa’y ang pintad ay maging pulang kinang ng gabi,
Nawa’y ang palawit ay maging bumabagsak na ulan,
Nawa’y ang laylayan ay maging gumuguhit na bahaghari.
Kayâ’t habihan po kami ng káyo ng liwanag,
Upang kami’y maligayang manalunton sa kung saan
Nangagsisiawitan ang mga ibon,
Upang kami’y maligayang manalunton sa kung saan
Lungti ang damuhan,
O, aming Inang Daigdig, O aming Amang Langit.

,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: