Dasálin 6: Ang Awit ng Zazen ni Hakuin Zenji


adult antique architecture art
Larawan ni Oleksandr Pidvalnyi sa Pexels.com.

Ang lahat ng umiiral ay likás na Buddha,
Sa paraang ang yelo ay likás na tubig.
Kung walang tubig, walang yelo,
Kung walang mga umiiral, walang Buddha.

Nakalulungkot na walang bumabaling sa malápit
At tinutunghan pa ang maláyong katotohanan:
Tulad ng isang nakamalas sa batis
Ngunit nananaghoy sa úhaw,
Tulad ng isang musmos na laki sa layaw
Ngunit lumalaboy kasáma ng mga dukha.

Ligáw sa madidilim na landas ng kamangmangan,
Lumalaboy táyo sa Anim na Daigdig;
Sa bawat masukal na daan, táyo’y lumalaboy;
Kailan táyo mapalalaya mula sa pagsilang at kamatayan?

O, nararapat sa pinakamataas na pagpita
Ang pagninilay na Zen ng Mahayana!
Debosyon, paglilinis-budhi, pagsasanay,
Ang lahat ng kahusayan—
Bumubukal mulang pagninilay na Zen.

Ang lahat na sumusubok sa pagninilay na Zen,
Kahit minsan, lumilipol sa laksang kasamaan.
Nasaan na ngayon ang lahat ng pusikit na daan?
Ang Dalisay na Lupain ay talagang malápit na.

Ang lahat ng nakaririnig sa katotohanang ito,
Kahit minsan, at yumayakap nang may pasasalamat,
Pinagyayaman ito, pinababanal ito,
Nakatatanggap ng walang hanggang biyaya.

Higit sa lahat, kung iminumulat ang sarili’t
Isinasapuso ang kalikasang-sarili,
Ang kalikasang-sarili na walang kalikasan,
Lumalagpas pa ang batid sa mga takdang aral.

Ang sanhi at bunga ay iisa;
Ang Landas ay hindi lámang dalawa o tatlo.
Sa anyong walang anyo,
Sa paglisan at pagdating, hindi táyo naliligaw;
Sa pag-iisip na hindi pag-iisip,
Kahit ang pag-awit at pagsayaw, nagsasatinig na Batas.

Talagang kaylawak, kaylayaw ng langit ng Pagkamalay!
Talagang kayliwanag ng kagampang buwan ng karunungan!
Sa totoo lámang, may kulang pa ba ngayon?
Naririto na ang Nirvana’t nalalasap;
Ang lupaing ito’y ang Lupalop-Lotus;
Ang katawang ito, ang Buddha.

,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: