Bagong Tula: Isang Paalaala


Larawan ng Pixabay sa Pexels.com.

The House committee on justice approved the bill that would lower the minimum age of criminal responsibility from 15 years old to 9 years old.—Rappler.com

Handang-handa táyong markahan
Ang mga musmos bílang kriminal
Matapos umindak at magdasal
Hawak ang ating mga Santo Niño.

Noong Linggo lámang iyon,
At pinagninilayan sa mga pulpito
Ang Pagkakahanap sa Batàng Hesus
Sa Templo. Umalingawngaw
Ang pagkamasunurin ng bugtong
Na anak, pati ang tahimik na lingid
Na búhay hanggang magkagulang.

Ngayon, heto táyong pinagtatalo-
Talo ng Maykapangyarihan, waring
Mga batà sa laro, di magkasundo
Kung dapat hayaang humimas
Ng rehas ang murang mga palad.

Nanginginig sa pagtutol ang ilan,
Itinala pa ang mga Kawatang
Nagtaas ng kamay sa pagpayag
Na ipakatay ang kabataan;
May nanaludtod namang wari’y ibig
Manimbang pa sa kamalian ng kamalian—
Batà ang nasasakdal? Ano naman?
Talagang ganoon. Ang niño’y di banal.

Madaling maligtaan sa lahat ng ito
Ang isinayaw na Mahal na Niño,
Maringal sa ating palad. Sa kaniyang palad,
Ang kaybigat-sa-salàng mundo,
Magsasakrus sa pagpasan balang araw.

Sa mga tulad niya ngayon,
Na minsang itinalinghaga sa sermon,
Ipapapasan ang angking paglabag
Ng mga tinimbang ngunit kulang.
Tutal, makapaghuhugas naman ng kamay.

Para kay Kora Dandan Albano at Aldrin Pentero


2 responses to “Bagong Tula: Isang Paalaala”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: