Isang seksiyon ng nagmamadaling lungsod
Ang nagsusumiksik sa mga dahong-mangga.
Pinalilitaw ng banayad na laro ng araw at anino
Na nagsatore’t gusali ang mga bunga’t lungti,
Tumindig sa mahahanging lumang kalsada. Dito
Sa matalik na tagpuan ng silaw at lilim
Na nag-anyayang magmasid sa pumapaling na mata,
At kung saan nakakamit ng isip
Ang ganap na kapanatagan sa kahulugan,
Umaahon ang tanong, serpiyenteng
Mula sa buslo ng tagaamo:
Ano ba iyong kahanga-hangang pagmamadali
Ng mga kalyeng-lungsod? Iyon ba’y pag-iral,
O isang bisyon?—o iyon ba’y kawalang
Ingay ng mga táong naglaho’t walang mukha,
Nakapiit sa isang balintuna?
Ngunit sino nga ba’ng makatuturol kung papaanong
Nagagawa ng isip ang pagtutugma ng pananalig
Sa dahong ibig?
Ganito: Ang nagmamadaling lungsod, sa búhay ay naliliglig.
Ito ang pipang maaaring
Hipan sa mga labì
Upang makapanghalina o makapanlansi,
O makapagpaamo ng pagkatanto.
SERPENT FROM THE CHARMER’S BOX
A section of a sudden city
Crowds into the leaves of the mango;
Soft trick of sun and shadow
Conjures the fruits and foliage into tall
Towers and halls, risen from the windy
Old streets. Here where the narrow
Encounters of glare with shade recall
The fretful eye to stay,
And where the mind achieves
A perfect amity with sense,
The question rears up, serpent
From the charmer’s box:
What is that splendid suddenness
Of city streets? Is it presence,
Or a vision?—or the absent
Din of men nowhere and faceless,
Trapped inside a paradox?
But who is to say how the mind achieves
The conjunction of belief
With leaf?
Simply: The sudden city lives.
This is the pipe that one
May put to lips
To charm or stun,
Or come to grips.
Mula sa The Charmer’s Box (1992)