Edith Tiempo 3: Ang Mangingisda


Buong araw na silo ng lambat ang kaniyang lutáng na mukha.
Sa bawat ahong pinapusag ng mga nagngangalit na buntot,
Humiyaw ang nagkumpulang mga mata at nangaligkig ang lansa
At kaliskis at hasang sa kaniyang sariling pagkasuklam. Ngunit
Minsan, isang batà ang nangisda kung saan higit na maamo ang húli,
Isang sapang sinasawsawan niya ng munting palad at nag-uumpok ang mga isda,
At kapag dinampian ng kaniyang daliri ang kanilang tiyan,
Marahan silang magkakampay ng mga palikpik, halos walang gambala
Sa tubig. Ngayo’y matanda na, dumakma siya ng isang isda,
Kinaliskisan ito nang buháy at itinapong muli sa dagat;
Tumama sa mga bahura ang nahubdang nilalang,
Nag-alimpuyo ang tubig—nanlibak siya makita lámang ang halos bátik.
Sumubaybay siyang muli’t inihulog ang lambat sa isang pulutong,
Iniakyat ang hango, isinumpa ang bawat pusag at haltak;
Pinagnasahan niya ang pinakalilihim ng kumakapit na moluska,
Pinilit niyang ipatungkab sa tahimik na talaba ang malaperlas na taklob;
Dinambong ng kaniyang gútom ang dagat, nanilo siya’t nambitag
At winasak ang mga maskara. Tumangis ang mga walang tinig na mukha sa paligid.

 

THE FISHERMAN

All day his floating face tangled with the net.
Each haul the meshes trashed with angry tails,
The clustered eyes clamoured and the slime and scales
And gills quivered with his own disgust. Yet
Once, a boy fished where the fishes were more tame,
A stream where he dipped a small hand and the fishes came,
And when he gently chucked their bellies with a finger,
They slowly wagged their fins, roiling the water
Hardly. Man now, he seized a fish and peeled
It scales alive and flung it in again;
The naked creature hit the reefs and reeled,
The water swirled—he jeered to see the little stain.
He stalked again, he flung the net into a school,
Drew in the catch, cursed each trash and pull;
He grudged the clutching mollusk its involuted stores,
He pried that this scrupulous oyster part its pearly doors;
His hunger scooped the sea, he preyed and trapped
And tore the masks. Around him all the voiceless faces wept.

Mula sa The Tracks of Babylon (1998)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: