Naghahangga ang iyong kalayaan
Sa dulo ng aking ilong.
—matandang kasabihang Americano
May sariling pita and mga salita—
Kapag masinop na itinudla
sa mga kapwa-salita,
Maaari’y biglang ibunyag
ng gawing suwail
Ang likás na pagkamalihim:
Bigla na lámang nagpaparamdam, walang
wawang nakikiugnay na wari’y
kapitbahay, lahat ayon sa matinding
Lunggati, kahit may matalik na pakikipag-isa
sa buong daigdig ng neolohikong batas at kaayusan.
Sapagkat walang búhay, walang-pag-iral ang salita
sa labas ng lipunan ng kapitbahayan
sa kontekstong verbal.
Subalit bawat salita’y iniingatan ang angking kaakuhan,
Iginigiit ang kakanyahan,
Kahit bílang mahalagang bahagi ng kabuuan,
Kahit linalamon ng mismong kaluluwa ng kaniyang konteksto;
umiiral ang suis generis sa balintunang ito,
o ang buong lipuna’y isang verbal na kalokohan.
TO SCRIMMAGE WITHIN BOUNDS
Your freedom ends
Where my nose begins.
—old American axiom
Words have a will their own—
When ranged with neighbor-words
in neat formation,
Their wayward tendency
could suddenly
Expose their furtive nature;
They touch base out of context, forge
undue relationships with neighbor
-terms, all in pure
Exercise of will, even while in firm harmony
within the habitat of neologic law and order.
For the word is lifeless, non-existent
out of the society of neighbours
in a verbal context.
But every word keeps its unique identity,
Asserting its individuality,
Even as part and parcel of the whole,
Even while swallowed into its context’s very soul;
suis generis lives within this paradox,
or all society is a verbal hoax.
Mula sa Commend, Contend (2010)
***Naitala sa oryentasyong kaliwa ang teksto, subalit sa orihinal, may indensiyon ang ilan sa mga linya. Hindi ko maiayos ang wastong oryentasyon sa website.