Edith Tiempo 5: Ang Salamin

Nakasalampak ang mga pakwan sa mesa,
Supling ng mabuhanging latag,
Mapupulang globong-katas na mapintog
Sa kintab ng balát ng guhit-guhit na lungti.
Sa may aplaya
—May matandang singaw ng alinsangan at alat—
Dinudurog at pinupulbo ng alon
Ang korales at ang bato.

Ipinahihinga ko ang mga mata mula sa pahina,
Mula sa kuwento nito, sa hiwaga
Ng ragasa ng mga panahon;
Ang basâng talinghaga’y
Di makapagpapabula, makapanghuhuwad
Ng poot subalit di makapipinsala
Sa sakdal-dusa’t maalong lakbay
Sa madagitab na pag-akay ng dagat,
Kahit naman ang simile, metonimya,
Estropa, asonansiya, sinekdoke—
(E papaano naman ang alusyong
Nagkukunwaring pakwan?)

Matapos ay makikita ko ang nangagkalat sa baybayin:
Bibinga ng pulang korales,
Mga buto, piraso ng metal,
At sa pangkalahatan, buhanging minsan
Ay piyedra’t bato;
At sa mesa,
Nakaabang ang mga pakwan. Kayâ, tigilan
Na ang mga ito. Walang malaong
Nananatili sa sariling anyo
O kayarian.
Ang mga buwan at araw,
Bumabalik sa kanilang ubod.

Sa mga pahina ng aklat,
Totoong naipipirmi ng baling
Ng isip ang dagat at lupa
Ng ating sariling mundo;
Tunay ngang nagagawa ito ng salita:
Maging salamin, kung saan ang buhangin, bula at lahat
Ng nawawasak ay nagniningning na tila
Ikiniskis na makináng na palara.
Kailanma’y di baság ang kislap-salita,
Isabog ang kamit na diwa
Kung ika’y naturuang tunay.

THE MIRROR

Melons squat on the table,
Offspring of the sandy bed,
Red water-globes swelling within
The shiny wrap of streaked green skin.
Out on the shoreline
—Old smell of dank and brine—
The waves whittle and shred
The coral and the pebble.

I lift my eyes from the page,
From its fiction, its fable
Of times and tides;
Watered metaphors
Cannot foam, can fake rage,
But cannot bruise on
Hard and humpy rides
On the wet back of the sea,
Nor simile, metonymy,
Trope, assonance, synecdoche—
(And what about allusion
Mimicking a melon?)

Then I see the litter on the shore:
Fragments of the red coral,
Bones, scraps of metal,
And over all, sand that once
Was stone and pebble;
And on the table
The melons wait. So no more
Of all this. Nothing is
For long in its own guise
Or size.
Moons and suns
Wear down to essences.

In the pages of the book
It’s true the mind’s look
Fixes the sea and soil
Of our own world;
This indeed the word can do:
Mirror, where sand, foam, and all periled
Forms dazzle like shook
Hard glittering foil.
Word-glitter is never cracked,
Deflect the touchable fact
If one is lessoned true.

Mula sa Beyond, Extensions (1993)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s