Edith Tiempo 6: Piyesta ni San Antonio


Sa kaniyang dos-por-kuwatrong luklukang isinilid sa kahoy,
May silong ng mapulang bodida sa likod ng makapal na pandong,
Ang aking San Antonio’y nangungusap ang mga mata ng kung ano;
Kumikibot ang ilong, ang mga labì’y bumubulong at may dunong.
Hindi kayâ napaluwag ang sa baywang na kordong may kulumpol?
May nalabi pang gusot sa abito at mistulang nagmamadali
Siyang ikargang muli ang sarili sa kaniyang sagradong sisidlan.

Tahimik, binabatak ko ang mga hapông paa na araw-araw
Kaladkad sa pinakamaiigting na pagsubok.
(Ang aking yapak noong isang taon ang iniwan sa may pinto.)
Nakangiti siya, magiliw at di mawari, may kinang na payapa
Ng isang beato, wari’y buto at litid at bayugo
Na nagsasanay sa ritmong kumpas lámang ng sumisikdong dugo.
Subalit tuod ang Santo, at ako mismo’y isa pang poon
Sa isang luklukang walang-hanggang pinababanal itong hungkag na dulugan;

Masdan, sa pagtatakip-silim, ang luklukan niya’y humihilig na tila puntod;
Ngunit kung puntod, ibinabangon niyang muli ang sarili sa gabi:
Pansinin kung papaanong natinikan ng amorkseko ang laylaya’t paang may sandalyas…
Isang masugid, putlaing ispektro sa may kanayunan—tahimik at lumulusob
Sa malawak, nakapikit na mga kubo’t nagpapangkong bakuran,
Nilalanghap ang mababangong hiyerba, tumatakas sa mga umaangil na bantay
Ng mga nanginginaing tupa, nasasalabid sa dawag ng rilim ng isang kahuyan,
Tumitigil sa may balon, minamasdang kumislot ang abuhing aninag niya,
Mangilapsaw at maglaho. Ito ang hamak, walang wawa’t madaliang pagtakas;
At basâ at hapông gumapang ang papabukang liwayway
Habang tumatalilis siyang sumuot sa banal na lungga.

Huwag mo akong sasabihang niloloko ang sarili. May kung sinong
Nagnakaw sa akin ng kung ano’t ibinalik iyon ng Santo.
Tagahagilap ng mga nawawalang bagay, O Santo’t maglilimayon,
Ngunit para sa aking mga paa’y tumitindig ako’t sinasalat ang gulanit
Na mga hibla ng iyong laylayan at nababatid kong hindi iyon mga tinik. Dukha ako
Ngunit may mga paa—papaano akong mapahihinuhod o mauuntol?

ST. ANTHONY’S FEAST

In his two-by-four niche shrunk into the wood,
His roseate dome rising from the heavy hood,
My Saint Anthony tells me something with his eyes;
The nostrils flare, the mouth is whispering and wise.
Is the knotted cord loosened at his waist?
A fold hangs crookedly as though it was in haste
He hitched himself back into his holy enclosure.

Silently I have strained to the rigid measure
My dead feet daily rap out on the floor.
(It is my last year’s step that lies outside the door.)
He beams, kind and abstract, a saint’s beatific peace,
As bone and tendon and kneecap practice
A rhythm played out only by the pounding blood.
Yet, the Saint unmoved, and myself another god
In a niche forever sanctify this hollow room;

See with the last sun his niche sinks backward like a tomb;
But if a tomb, he resurrects himself by night:
Look how the briars prick his hem and sandalled feet…
A pale avid ghost along the countryside—secret and fleet
Past the wide blind houses and the huddled yards,
Snuffling the sweet herbs, slipping by the snarling guards
Of crunching sheep, caught in the tangled twilight of a grove,
Motionless over a well, watching his grey blur move,
Ripple, and pass on. So the poor, senseless, precipitate flight;
And the dawn came in creeping wet and tired
As he slid back into his sacred hole.

Don’t tell me I deceive myself. Somebody stole
Something from me and the Saint has put it back.
Finder of lost things, O Saint and wanderer,
But for my feet I rise and feel the threads tattered
About your hem and know they are not thorns. I lack
But feet—how can I fall or falter?

Mula sa Tracks of Babylon (1966, 1998)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: