Edna St. Vincent Milley: Ngayon, Nawala Ka Sa Akin


Larawan ng Makata mula sa Missed in History.com.

Ngayon, nawala ka sa akin; at makatwirang nawala;
Sa sarili kong pasya, at may buong pagpayag.
Sabihin mo nang lahat, bibihirang sumusuko
Nang ganito sa kamatayan ang mga hari sa kareta.

Totoo naman, may mga gabi ng pagkabalisa’t
Pagbaha ng luha; di naman iyon masamâ;
Pinapahid ng umaga ang mga mata; di maaaring
Magtagal sa piit, ako’y pakpak na malaya.

Kung di ka mahal nang lubos o naglaro lámang,
Bakâ kapiling ka pa nang isa pang tag-araw,
Subalit sa halaga ng mga salitâng talagang mahal,
At walang naunang tag-araw na gayon pumisan.

Kung malagpasan ko itong hapis, gaya ng lahat,
Tanging mabuti lámang ang tungkol sa iyo’y ipagtatapat.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: