
Darating ang panahon,
May ragsak mong
Sasalubungin ang sariling papasók
Sa iyong pinto, sa sariling salamin,
At magpapalitang-ngiti ang bawat isa
Sa mainit na pagtanggap,
At magwiwikang, upo ka. Kain.
Mamahalin mong muli ang estrangherong ikaw rin.
Abután ng alak. Abután ng tinapay. Ibalik ang iyong puso
Sa sarili nito, sa estrangherong nagmahal sa iyo
Buong búhay mo, na ipinagsawalang-bahala,
Siyang kilala ka hanggang kaibuturan.
Hanguin ang mga liham-pag-ibig mula sa estante ng aklat,
Ang mga larawan, ang mga minadaling pagtatalâ,
Palayain ang iyong imahen mula sa salamin.
Maupo. Magdiwang sa iyong búhay.