Dasálin 16: Emily Dickinson


Larawan mula sa The Smart Set.com

1.

Ang dasal ay isang munting gámit
Upang maabot ng mga tao
Ang banal na tumikom.
Ipinupukol nila ang kanilang bulong

Gámit ito, pa-tainga ng Diyos;
Kung marinig man niya,
Nilalagom nito ang aparato
Na bumubuo sa dasal.

2.

Payak lámang talaga ang kailangan,
Tulad ng lugod, at ng langit;
Abót ang mga ito ng aking káya,
Sapat na para sa akin at búhay.

Ngunit dahil tangan ng hulí
Ang dalawa, sapat nang isa
Lámang ang idalangi’t asamin;
Biyaya na ang maghahandog ng pares.

Kayâ idinulog sa maalam ang hiling—
Dakilang Diwa, ipagkaloob sa akin,
Isang langit na di man sinlawak ng sa inyo,
Sapat naman ang lawak para sa akin.

Napuspos ng ngiti ang mukha ni Jehovah;
Nagsilisan ang mga kerubin;
Pumuslit ang mga santo’t sinilip ako,
Ipinakita rin ang mga biloy nila sa akin.

Buong-lakas kong nilisan ang pook,—
Ang aking dasal, itinapon;
Dinampot iyon ng malumay na panahon,
At kumislap din ang Paghahatol,

Siyang talagang tapat kalaunan
Sa pagkilatis sa katotohanan
Ng bukambibig na “Anumang hiling,
Siya ngang sa iyo’y igagawad.”

Subalit ako’y natutong mag-ingat,
Naghihinala sa pagtingala sa langit,—
Tulad ng mga musmos na nadaya sa una,
Lahat ay nahihiwatigang magdaraya.

3.

Ang Katotohanan—sintanda ito ng Diyos—
Kaniyang kambal sa katauhan,
At mananatili ito hanggang Siya’y
Kakambal ng habampanahon—

At mapaparam lámang sa Araw
Na Siya’y mapatalsik
Mula sa Mansiyon ng Uniberso,
Isang patay na Bathala.

,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: