
May isang haliging nakatindig sa lupa’t umaabot hanggang langit. Ang ngalan nito’y Ang Matuwid, itinalaga para sa matutuwid. Kung may matutuwid sa daigdig, tumatatag ang haligi; kung nangawawala’y bumubuway. Pinananatili nito ang buong daigdig, sapagkat nasusulat: “Ang matuwid ang haligi ng daigdig.” Kung hihina ito, maglalaho ang mundo. Kayâ’t kung may isa mang matuwid sa daigdig, ang táong iyon ang makagpapanatili rito.