Category: Dasalin

  • Dasálin 41: Oriah Mountain Dreamer

    Di ako interesado sa kung ano’ng hanapbuhay mo. Nais kong maláman ang minimithi mo At kung papangarapin mong makamit ang lunggati ng puso. Di ako interesado kung ilang taon ka na. Nais kong maláman kung handa kang magpakabaliw Para sa pag-ibig Para sa pangarap Para sa pakikipagsapalaran sa pagiging buháy. Di ako interesado sa kung…

  • Dasálin 24: Santa Thérèse ng Lisieux

    1. Hindi ko magawang itulak ang sarili na maghagilap pa ng magagandang dasal mula sa mga leksiyo; bílang walang mapili, nagpaparang bata akong di marunong magbasá; sinasabi ko lámang sa mabuting Diyos, sa pinakapayak na paraan, ang ibig kong sabihin sa Kaniya, at lagi Niya akong nauunawaan. 2. Napakatindi ng kapangyarihan ng dasal—mailalarawang isang reyna…

  • Dasálin 23: Thich Nhat Hanh

    Bumabagting ang kampana pagka-alas-kuwatro ng umaga. Nakatayo ako sa may bintana, Walang sapin ang paa sa lamig ng sahig. Madilim pa sa hardin. Nakaabang akong hanguin ng bundok at ilog ang kanilang anyo. Walang liwanag sa kailaliman ng gabi. Ngunit batid kong naririyan ka Sa pusod ng karimlan, Ang di masusukat na daigdig-kaisipan. Ikaw, na…

  • Dasálin 22: Dasal sa Araw at sa Buwan Mulang Ojibwa

    1. Hindi táyo bibiguin ng amang araw, siyang nagpapayabong sa lahat, at kung wala’y maghahari ang lamig, dilim, at sindak. Kayganda, nakatatalos-ng-lahat, nakapaglalagos na liwanag! Kung wala ka’y wala ring diwa at sigla ang isip ng tao na iyong pinakikinang. Araw! Maging mabuti sa amin ngayon, sapagkat nakatanod ka sa aming pangangaso, at humihingi kami…

  • Dasálin 21: Santo Tomas de Aquino

    Maylikha ng lahat ng bagay, Tunay na bukal ng liwanag at dunong, Minulan ng lahat ng pag-iral, Biyayaan mong maglagos ang Iyong liwanag Sa dilim ng aking pagkakaunawa. Hanguin ako mula sa lubhang pusikit Na aking kinapanganakan, Isang panlilinlang ng salà’t kamangmangan. Kalooban ako ng matalim na kabatiran, Ng gilas sa pagmememorya, at Ng kakayahan…

  • Dasálin 20: Ilang Koan

    1. Kung ako’y dahop, anong gagagawin ko? Itapon iyon. 2. Hindi ka maaaring maglakbay sa gabi, ngunit kailangan mong makarating bago magbukang-liwayway. 3. Dumaraan ang tulay, ngunit hindi ang tubig. 4.  Ano ba ang tunog ng isang kamay na pumapalakpak? 5.  Kung tatakasan mo ang kawalan, hindi ka makalalayo mula rito. Kung hahagilapin mo ang…

  • Dasálin 19: San Francisco de Sales

    1. Makabubuting huwag maging kampante sa sarili. Subalit papaano ito makapaghahatid ng kabutihan kung hindi natin isusuko ang lahat sa Diyos, at hihintayin ang kaniyang awa? Kung wala kang gayong tiwala, huwag kang sumuko sa pagsusumikap at pagsasabi sa Ating Panginoon ng: “Subalit, O Panginoon, bagaman nagdududa ako sa iyong kapangyarihan, sa hulí’t hulí, batid…

  • Dasálin 18: Mula sa Kabbalah

    May isang haliging nakatindig sa lupa’t umaabot hanggang langit. Ang ngalan nito’y Ang Matuwid, itinalaga para sa matutuwid. Kung may matutuwid sa daigdig, tumatatag ang haligi; kung nangawawala’y bumubuway. Pinananatili nito ang buong daigdig, sapagkat nasusulat: “Ang matuwid ang haligi ng daigdig.” Kung hihina ito, maglalaho ang mundo. Kayâ’t kung may isa mang matuwid sa…

  • Dasálin 17: Kantikulo ng mga Nilalang ni San Francisco de Asis

    Kataas-taasan, pinakamakapangyarihan, at mabuting Panginoon, Sa Iyo ang lahat ng mangha, luwalhati, pagdakila, at papuri; Sa Iyo lámang, Kataastaasan, nananahan, At walang táong karapat-dapat bumigkas ng Iyong ngalan. Purihin Ka, aking Panginoon, sampu ng Iyong mga nilalang, Lalo na ang Ginoong Kapatid na Araw, Na siyang umaga at lagusan ng Iyong handog na liwanag. Napakaganda…

  • Dasálin 16: Emily Dickinson

    1. Ang dasal ay isang munting gámit Upang maabot ng mga tao Ang banal na tumikom. Ipinupukol nila ang kanilang bulong Gámit ito, pa-tainga ng Diyos; Kung marinig man niya, Nilalagom nito ang aparato Na bumubuo sa dasal. 2. Payak lámang talaga ang kailangan, Tulad ng lugod, at ng langit; Abót ang mga ito ng…