-
Dasálin 12: Antoine de Saint-Exupery
Panginoon, hindi ako nagdarasal para sa mga himala at hiwaga. Lakas lámang para sa aking buong búhay ang dasal ko. Ituro mo sa akin ang sining ng mumunting hakbang. Gawaran ako ng dunong at pagkamaparaan upang mahagilap Ang mahahalagang tuklas at danas sa sarikulay ng mga araw. Tulungan akong mahusay na gámitin ang oras. Tulutan…
-
Dasálin 33: Ang Heart Sutra o Ang Puso ng Ganap na Karunungan
Si Avalokiteshvara, Hábang pinagninilayan Ang Liwanag na Nagtatawid sa Kabilâng Pampang, Ay kagyat na nakasumpong Na lahat ng limang Skandha ay pawang hungkag, At sa pagkamalay na ito, Naigpawan ang lahat niyang Pagkadukha. “Makinig, Sariputra, Ang Katawang ito’y Kahungkagan, At ang Kahungkagan mismo’y itong Katawan. Ang Katawan ay di bukod sa Kahungkagan At ang Kahungkagan…
-
Dasálin 32: Wisława Szymborska
Binabása natin ang mga liham ng mga patay na wari’y walang lakas na mga diyos, Ngunit mga diyos pa rin sa kabila noon, sapagkat nasusundan natin ang mga petsa. Batid natin ang mga utang na hindi na mababayaran. Maging ang mga balòng magpapakasal sa mga bangkay na may init pa. Kaawa-awang patay, napipiringang patay, Mapaniwalain,…
-
Dasálin 10: Meister Eckhart
O, siksik, liglig, umaapaw na kabanalang likás, Gabayan ako patungo sa Iyong landas Upang matunton ang Iyong talagang dunong. Buksan sa akin ang itinatanging pintungang May paanyayang makamit ko: ang matutuhang Umunawa nang marunong sa lahat ng likha; Magmahal kapiling ng mga anghel; mapalapít Sa Iyong Anak na tunay na nagkatawang-tao, Ang Panginoon naming si…
-
Dasálin 9: Francisco Arcellana
Ipinid ang mga nangakabukas, Panginoon.Buksan ang mga nangakasara. Lahat ng malaong biniyayaan, papagbahagiin.Lahat ng malaong nagbahagi, papagtanggapin.Lahat ng malaong malayô, papaglapitin.Lahat ng malaong malapít, papagwalayin. Hayaang mahangal ang marurunong, Panginoon.At hayaang kamanghaan ang mga hangal.Papagtibayin ang malaong ipinagpapaluwat, Panginoon.Loobin ang hindi natupad.
-
Dasálin 31: Jellaludin Rumi
Ito ang pag-ibig: pumagaspas hanggang langit,Sa bawat sandali, sumipak ng daang lambong;Sa unang pagkakataon, bumitaw sa hininga—Sa unang hakbang, itakwil ang mga paa. Ang kaligtaan ang daigdig, ang makita lámangYaong ang sarili lámang ang nakatutuklas.Wika ko, “Binabati kita, Puso, sa paglahokSa katipunan ng mga mangingibig, sa pagsipat Sa yaong naaabot ng tanaw, sa pagtaluntonSa landas…
-
Dasálin 8: Awit para sa Lakas-Loob mula sa mga Papago
Sa aking mangkok lumulutang Ang maningning na pagkaliyo Ang kumukulong pagkalango. May mga ipo-ipong Naghahaligi sa ating mga ulunan– Hinihigop din sila ng aking mangkok. Isang dakilang pusòng oso, Isang dakilang pusòng banog, Isang dakilang pusòng lawin, Isang dakilang uli-uli— Lahat ito’y naghahalo Sa aking abang mangkok. Ngayon, iinom ako mula rito.
-
Dasálin 7: Desiderata ni Max Ehrmann
Mahinanong magpatúloy sa gitna ng ingay at apura, At tandaang payapa ang natatagpuan sa katahimikan. Hangga’t maaari at makakaya, Magkaroon ng mabuting ugnayan sa lahat. Magsabi ng totoo nang tahimik at malinaw; At makinig sa iba, Kahit sa mapurol at mangmang; Maging sila’y may istorya. Iwasan ang mga táong magulo’t mabalasik, Sila’y mga bagabag sa…
-
Dasálin 30: Padre Pio ng Pietrelcina
Manatili sa píling ko, Panginoon, Sapagkat kailangan Ka ngayon upang di makaligta. Batid mong ang dali kong tumalikod. Manatili sa píling ko, Panginoon, Sapagkat ako’y marupok, Upang hindi ako madalas napahihinuhod. Manatili sa píling ko, Panginoon, Sapagkat ikaw ang aking búhay, At kung wala ka, wala akong lakas. Manatili sa píling ko, Panginoon, Sapagkat ikaw…
-
Dasálin 29: Mula sa Tao Te Ching
1. Masdan at hindi iyon makikita. Makinig at hindi iyon maririnig. Abutín at hindi iyon makukuha. Sa itaas, hindi iyon maliwanag. Sa ibaba, hindi iyon madilim. Tuloy-tuloy, walang ngalan, Nagbabalik ito sa pook ng kawalan. Anyong sumasaklaw sa lahat ng anyo, Imahen na walang imahen, Mapahiwatig, lagpas sa mahihinuha. Dulugin ito at wala itong simula;…