-
Ang Bagong Telebiswalidad ng Zoom at si Lola Doc
Dalubhasa si Nora Aunor sa pelikula, hindi na iyan pagtatalunan pa. O, para may bago naman táyong pag-usapan, baligtarin natin: Dalubhasa ang pelikula kay Nora Aunor. Ito ang gusto kong taluntunin ngayon bílang panimula. Kabesado na ng kamera ang kung papaanong ipeframe o babalangkasin sa pinilakang-tábing ang Superstar habang siya ay umaarte. May mga kibot…
-
Magandang Gabi, Bayan
Ngayong gabi, sa bisà ng isang cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ganap nang naipasara ang Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN). Isa itong orden na dulot ng pagkakatambak ng mga panukala para sa renewal ng prangkisa ng network sa mga kapulungan ng kongreso. Pagkakatambak na dulot naman, sa isang bandá,…
-
Chika Lit 2: Radio Romance: Homage sa Magulang ng Podcast
Noong unang panahon…Wala namang mga podcast tulad ng Chika Lit. Pero mayroong radyo kung saan maaaring makinig sa mga komentaristang tulad ko na dumadaldal o nakikipagchikahan tungkol sa mga bagay-bagay hinggil sa búhay, politika, at lipunan. Medyo weird lang talagang magsimula sa “noong unang panahon,” kasi parang itinuturing nang napaglipasan o patay ang pag-uusapan natin…
-
Ako ang Makata, Kritiko, at Daigdig: Ilang Pagninilay
Binása sa panel na “Weaving Words into Worlds: The Self and Space in Literature” sa Philippine Readers and Writers Festival 2019 Agosto 2, 2019, Raffles Hotel, Lungsod Makati 1. Kailangan nang agad-agad na unahin kong banggitin na ang maikling panayam na ito ay may kinalaman sa aking pinakabagong aklat na Aralín at Siyasat: Mga Pagninilay…
-
Ilang Gunita ng Aking Pagkabata bílang Pagbakas sa Pagkahumaling sa mga Dramang De-Serye sa Telebisyon
Panayam na binigkas via Facetime para sa Ika-17 Ateneo de Manila University National Writers Workshop, Hunyo 7, 2019. [Una muna, nais kong magpasalamat sa pasensiya at pag-unawa nina Christian Benitez at Dr. Christine Bellen, sa napakaraming akomodasyong ipinagkaloob nila sa akin habang ako ay narito sa Singapore para sa isang napakahalagang bagay. Ang totoo, kahapon…
-
Ilang Salita at Pasasalamat para sa Paglulunsad ng Aralín at Siyasat
Tanghalang Teresita Quirino, The Graduate School, University of Santo Tomas, Abril 4, 2019 Humaba man nang humaba ang prusisyon ng aking búhay at sining, totoo yatang palaging magtutuloy ito, kahit papaano, sa dambana ng aking minulan at pagsisimula. Ang dambanang iyan ay ang University of Santo Tomas, kung saan ko unang pinangarap maging manunulat,…
-
Sa Pamumulitika ng Telebisyon
Una, bílang mag-aaral ng telebisyong Filipino, gusto kong linawin na wala akong ilusyon na palaging matayog ang layunin ng midyum na ito. May hangarin itong kumita. Kayâ kailangan nitong paglingkuran ang mamamayan na tumatangkilik dito, at naturalmente, ang mga interes pangnegosyo nito. Hindi na dapat pagtakhan kung ito ang humahakot ng laksang pamumuhunan ng industriya…
-
Palaisipan 7: Umuugnay ba ang Panitikan sa Daigdig?
Habang maugong ang isyu hinggil sa pagkakatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, dahil sa pagbawi ng Korte Suprema sa ipinataw nitong temporary restraining order noong 2015, biglang pumutok ang balita na nagrereklamo ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa masamâng pagkakatanghal sa pulisya sa teleseryeng primetime na FPJ’s Ang Probinsyano. …
-
Palaisipan 6: Bakit Kailangang Pag-aralan ang Filipino at Panitikan?
Sa napakasaklap na dahilan—ang tuluyang pagpabor ng Korte Suprema sa pagtanggal sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at patuloy na pagbubulag-bulagan ng pamahalaan sa totoong sitwasyon ng pagtuturo ng mga nabanggit sa batayang edukasyon—kailangang batahing muli ang pagtugon sa tanong na ito. Hindi lámang dahil nakataya rito ang kabuhayan ng libong guro na…