Ang Pasyon ng Ibang Lady Gaga from Saudi, with Love

11180084_10206605642680721_116866670_nAno nga ba itong nilalang na ginawa ni Jack Alvarez sa Ang Artgoioufbaia ng Iabng Lady Gaga: Kooeksiyln ng mga Danligg Tstiemyona at Rleesayobn Ng Isnag OFW, Maktaa, Kpataaid, Aank, Blakaa, Renya, Ptua, Ecteera? Ang sabi ng iba, dagli, ang dakilang kathang pamasak-butas ng pahayagan ng lumang panahon. May nagsabi pang flash fiction, kuwentong kislap para sa ilan. Sa akin, isang kasiya-siyang transgresiyon (linguwistiko pa nga) kahit sa una nitong pagpapangalan sa sarili, sa pagiging “Artgoioufbaia” (autobiografia), ang kaniyang aklat, na maugong sa pagtatatag at paggigiit ng patuloy na pag-iral ng isang tinig ng nangibang-bayan, habang buong tapang na isinasalaysay ang pasyong diasporiko, gamit ang danas ng pagiging kabukod (other, dahil banyaga) at perspektibang kakatwa (queer). Sa iba’t ibang nibel, tinutupad ng aklat ang kayraming kontrapuntal na operasyon—mula sa salaysay ng pakikipagsapalaran sa banyagang lupain bilang isang kabukod at kakatwa, hanggang sa madulas na pag-iwas mismo ng anyo nito sa mga tipolohiyang pampanitikan na maaaring maisip. Kapuri-puri ito, at kung tatayain bilang sunurang pakumpisal na salaysay, makikitang naglalaro ng apoy, habang tinutuklas ang hanggahan ng pasalaysay na anyo, sa pamamagitan ng matalik na pagpulso sa parikala, at katangi-tanging kakayahan na distansiyahan mismo ang danas upang sinupin at itanghal nang maluwat ang mga natatanging sandali ng kabatiran.

Tulad ng kaniyang iba pang persona (sang-ayon na rin sa pamagat), nag-iilang-diwa ang sumpa ng pananatili ng tinig ni Alvarez, isang tinig na kung sa una’y nangangako lamang na magpapatuloy umiral para sa pamilya, ay tinig na ring nagsasabing hindi pagagapi sa mga pagsubok ng banyagang init at buhangin: “Nandito lang ako. Isang OFW sa disyerto ng Saudi.” Mabuting anak ang tinig, tumutulong sa pamilya, kahit sa madalas na durog na kapatid, ngunit buhay sa malay niya ang isang malikhaing kislot na lumikha rin, na itala, kung baga, ang kaniyang mga sapalaran, gamit ang baklad ng sanaysay. Kayraming mga pag-aasam ng persona sa mga sunuran, tulad ng sa ama na halos hindi nadamhan ng pagmamahal at kinamuhian, at lalo na, para sa matalik na ugnayan sa minamahal, na maigting na ipinagbabawal ng lipunang homopobiko at patriyarkal, kung saan pinili niyang magtindig ng ikabubuhay at siya ngang kinapadparan. Walang nakatatakas sa mata ng personang ito, na hubog ng banyaga at lokal na kulturang popular, at sa panahon ng aklat ay inaanyuan ng estrikto’t siklikong daloy ng buhay (tulad ng limang ulit na pagdarasal bawat araw) sa Saudi. Buhay sa bokabularyo ng persona ang kaniyang pagkakabukod habang pinipilit maging katanggap-tanggap, at kinakabaka ang kaniyang pagiging kakatwa sa lupaing iyon: Ramadan, iqama, Saudization, telemoney, remittance, atbp. Samantalang wala siya sa kaniyang bayan ay masasaksihan siya sa aklat na nananatiling buhay, nagpapapalit-palit ng isinasalaysay, bumabangong muli sa bawat mistulang kamatayan dahil sa pagkakalayong nararanasan, waring Scheherazade sa klasikong mga kuwentong Arabe na kinakatawan ang bawat kasabik-sabik na lunggati at tibok ng pagpapatuloy magsalaysay.

Mahusay sa pagkasangkapan ng kagamitang pangkatha si Alvarez, magaan at masiste sa pagtalakay sa mabibigat na isyung diasporiko, pati na rin sa domestiko. Walang kakurap-kurap siyang magtanong, tulad ng sa isang bahagi ng aklat: “Sa kasalukuyan, kumusta naman kaya ang halaga ng mga OFW na tulad ko.” Paglalaruan niya ang salitang “halaga”, sapagkat naitatabi sa usapin ng pagpapadala ng pera sa Filipinas ng mga gaya niya. Ganyan din ang gagawin niya habang pinagninilayan ang kaniyang kapiling na pag-ibig, na kaaaliwan ang kahihinatnang bagsak ng kataga: “Pero kailangan kong bayaran ang aking Pag-ibig fund.” Makulay, totoong napakakulay ng buhay pag-ibig ng persona ni Alvarez (na siya rin naman, kung pagbabatayan ang pamagat), at bilang Scheherazade, halos maging sumpa niya ang birtud ng mga lingid na kalibugan. Siya bilang kabukod ay nuno ng kakatwang kagandahan, isa ngang ibang Lady Gaga, ang patron niya at matris ng pagkatha sa sarili. Ilang ulit ba siyang susundan-sundan ng kung sinong Arabe, inaaari ang katawan, at maaari’y pati pag-ibig? Nararating ng kaniyang katawan mismo ang hanggahan ng obhetipikasyon, at ang tangi niyang pagbalikwas sa lubhang paniniil na ito ay ibunyag ang krimeng tila siya ang kapwa biktima at tagapagpaganap. Papaano ba ang humarap sa trahedya ng mistulang paulit-ulit na pagkakagahasa? “May limang check-point pa sa unahan,” sasambitin niya sa sarili nang minsang mahuli sila ng kasintahang Arabe na naglalakbay sa isang kotse (ipinahihiwatig na “kahinahinala” lagi ang magsama ang dalawang lalaki sa sasakyan), pikitmatang tatanggapin ang palad, na bahagi ng kaniyang sapalaran sa Saudi. Ngunit ilalahad niya ito, isusuplong sa pahina.

Umiigting tuloy ang pagiging company secretary ng tinig ni Alvarez, sapagkat hindi na lamang siya kalihim ng amo, kundi tagatala rin ng maaaring mga pinipiping kuwentong disyerto. Sa isang biglang tingin, tila nakatuon lamang ang aklat sa pagbubunyag ng ugnayang matalik ng tinig sa mga Arabe, na naglalaro lamang sa relasyong corporate/industriyal at karnal. Ngunit nagtutuon din siya ng pansin sa mga abang kababayan na madalas ay kulang sa pag-unawa at mapanghusga. Sa isang bahagi ng aklat, natatagpuan ng tinig ang sarili na minamalas na nga na may paglulunggati ng isang Arabe, ay wala pang mapagkublihang ligtas na pook, sapagkat kahit sa restawran na dinarayo ng mga kapwa Filipino, itinuturing na salot ang mga tulad niyang bakla. May sariling pagkakabatid naman ang persona, at sa isa pang bahagi, aamin siyang nagkamali na pumatol sa isang Arabeng “maysabit”. May isa lamang siyang hiling: “Sana walang sabit nang hindi ako mamura na puta.” Napakakinang ng kislap-diwang ito, lalo’t binabalikan ang gunita ng tula ni Jose F. Lacaba, bagay na nakatanim din sa malay ng persona, sampu ng iba pang nabasa bilang isa ring nagsusumikap maging manunulat. Ngunit hindi naman lahat ng Filipino sa Saudi ay gayon, at may balanse rin sa pagkukuwento ang tinig ni Alvarez. Nasasaksihan pa rin, sa kabila ng banta ng inggit at pangungutya, ang batid nang mga kuwento ng kabayanihan, tulad ng sa sastre, at sa isang Filipina na binitay sapagkat nakapatay ng isang Arabe. Sa isip, ipinagtatangol niya ang kababayan: “Hindi siya papatay kung walang rason. Lahat ng bagay, may dahilan,” habang nababatid na sa gayong trahedya ng pagkakasiil at kontradiksiyon sila nabubuhay. Naroroong nakamalas din ang persona sa mga kaguluhan sa Gitnang Silangan, at itinuturing ang mga ito hindi bilang periperal na mga pangyayari bagkus mismong ubod ng mga internal na tagisan.

“Alam kong isang krimen ang pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki,” wiwikain ng persona ni Alvarez, sa isang bahagi ng aklat. “Lalo na dito sa Saudi Arabia. Maaaring mahatulan ng pagkakulong, kasong prostitusyon, at sa tulad kong OFW ay deportasyon.” Ngunit katangi-tangi ang katapangan ng tinig, ng persona ni Alvarez, hindi lamang sa pananatiling matatatag, kundi pati na rin sa pagiging masugid na mangingibig. Nadarapa siya, bumabangon, at umiibig, muli at muli, kung kaya’t higit na nagliliyab ang pasyon sa dibdib. Kahit niyayakap na ang mga siklo at sikdo ng pamumuhay sa Saudi, at maging sa aruga ng niyakap na Islam, nananatili pa rin siya sa kakatwaan; nababasahan ng karapat-dapat para sa kaniyang perspektiba ang lunggating hindi maitatatwa’t maipagpapaliban, lalo na sa pinakamamahal na si Salman: “Ngayon, alin man sa tatlong share na nabanggit (share sa langit matapos ng Eid Al-Adha o Feast of the Sacrifice) ang paghahatian, sigurado akong may karne si Salman na sa akin ay nakalaan.” Ganap sa katawang kakatwa ng tinig ang gayong katapangan, at kailahasan, kahit nagbabanta ang relihiyosong lipunan na lipulin ang kaniyang uri at balikan ang bawat mapanghusgang sipat. Bilang isang kabukod, malaon na siyang nasa gilid, pasahuran, umaasa sa awa ng mga amo, kailangang magbanat ng buto para sa pamilya sa Filipinas. Ngunit makapangyarihan ang kaniyang salaysay at nadedesentro ang lahat ng sumisikil sa kaniyang kalayaan. Ang tugon niya sa lahat ay ang kaniyang kakatwaan, mapanlansi (ngunit tapat, walang astang manlinlang), mahiwaga, isang bagong mukha ng lokal na tradisyon ng pusóng. Tulad marahil ng kaniyang patrong si Lady Gaga, naghuhunos siyang paulit-ulit sa bawat kuwento, higit na may maalab na pag-ibig, at mithing igiit ang tunay na sarili.

Advertisements

An odyssey to the indigenous in Janus Silang

Here’s one that finally recovers the myths and legends of Filipino folklore—Edgar Calabia Samar’s Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon (Adarna House, 2014), the first in a series of young adult novels featuring a teenage online gamer from a fictional town called Balanga.  The character is caught in a quagmire of mysterious deaths eventually to be related to his addicting game called TALA or the Terra Anima Legion of Anitos, reminiscent of the popular Defense of the Ancients (DOTA) fame.

The first book exposes high school student Janus’s world and his situation, and builds on a crisis that at first was considered personal by the hero, the lone survivor of gaming deaths in his hometown.  The complication arises when national media covers the spate of deaths that apparently happened in other localities in the country.  After discovering his past, Janus begins his journey in this book, and finds himself in a path back to the indigenous, a rich mine of material Samar has been tapping through his earlier novels Walong Diwata ng Pagkahulog, and Sa Kasunod ng 909.  

Samar’s gripping prose sets up the world of Janus as resonant though ordinary—and marginal if it may be said.  The gesture of beginning the journey in the locality of Balanga prefigures the project of enriching the Filipino young adult literary tradition with a return to the indigenous, oftentimes sidetracked by staple middle-class and cosmopolitan depictions.

Samar contributes to the growing corpus of writings by creating an exciting story bold enough to decenter the norm and present the horrific otherness of the figure of the tiyanak, which is emblematic not only of the complexity of the fictional TALA game, but also of the intricacy of Philippine culture, the well-spring of the series’ story.  What is more remarkable is the fact that the novel redeems the tiyanak from the Christianized imagination of this unnerving creature.  From a babe that failed to receive the grace of baptism, Samar re-imagines its history of “evil” by connecting it with the Tabon Man, perhaps the oldest artifact of Philippine history.  This turn to history and archeological discovery establishes the undercurrent of myth-making Samar employs to provide an altogether unique and suspenseful reading experience grounded on truly Filipino material.

Moreover, Janus is an exciting character that may easily remind of young adult figures enjoyed by generations of readers.  As a boy about to pursue a destiny, he finds himself coping with the concerns of his age—performance in school, social acceptance, early pain, and technological over-immersion, which brought him to his situation in the first place.  Janus however is not merely one poster boy of the downsides of internet addictions, since he breathes and lives as a very self-aware character.  Janus speaks for an internet savvy generation oftentimes misunderstood and misjudged, especially with regards to perceived “illiteracies”.

The children of the “Janus generation”, some say, have very low attention spans and would easily put down books for more stimulating virtual experiences.  Janus however is compelled to confront the competing worlds by the very conflict he faces—fairly symptomatic of the kind of engagements of the youth of today.  The virtual, on the one hand—that is the world of the TALA—transports itself in the real world of Janus, and this is where we are offered a glimpse of the blur between these two conflicting worlds.  In a manner of speaking, Janus’s myth sings of the very interesting life of border-crossing young Filipinos, who for want of better things to believe find themselves searching in various thresholds of postmodern, value-deferred experiences.

Janus sings a new myth for young adult Filipinos on the cusp of change.  With the awareness that the portal of the epoch is the world wide web, Samar emphasizes through the novel—and most probably, through the novels to come—that the recovery of certain “national” memories is but a strategic return to the originary meanings of the word “entertain”—to keep up, to maintain, to hold together.  TALA the game is there to entertain, amuse; to provide refuge for the young souls embarking on virtual journeys, hopefully, back to native terrains of heroism and adventure.  Janus proposes a new way of reimagining crusades by using the Filipino young adult novel as a vehicle of “keeping up” or “holding together” a Filipino value system considered lost to this generation.

This makes the series, indeed, worth anticipating.