Category: Salin

  • Dasálin 15: Ang Sermon Hinggil sa Paglalagablab mula sa Mahā-vagga

    At matapos ng piniling matagal na pamamalagi sa Uruvelâ, nagpatuloy Ang Pinagpala [si Buddha] sa kaniyang paglilimayon, at noo’y natungong Gayasisa, malápit sa Gayâ. Kasáma niya ang dakilang kawan ng sanlibong monghe, na dati-rati’y marurusing. Sa Gayâ siya tumahan kasáma ang mga monghe. Doon ay nangaral sa mga monghe Ang Pinagpala: “Lahat, mga monghe, ay…

  • Dasálin 40: Panalangin kay San Jose bílang Proteksiyon mula sa Pandemyang Covid-19

    O Pinagpalang San Jose, tapat na tagapagtaguyod ni Jesus at busilak na esposo ni Maria, dalangin namin ang iyong proteksiyon ngayong ang mundo’y nagdurusa sa matinding krisis na dulot ng coronavirus. Walang maliw naming kinamamanghaan ang iyong aruga kay Jesus. Sa aming pagninilay: Hindi namin hangad na gisingin ang sanggol na Hesus na sakdal-himbing sa…

  • Dasálin 39: Derek Walcott

    Darating ang panahon, May ragsak mong Sasalubungin ang sariling papasók Sa iyong pinto, sa sariling salamin, At magpapalitang-ngiti ang bawat isa Sa mainit na pagtanggap, At magwiwikang, upo ka. Kain. Mamahalin mong muli ang estrangherong ikaw rin. Abután ng alak. Abután ng tinapay. Ibalik ang iyong puso Sa sarili nito, sa estrangherong nagmahal sa iyo…

  • Edith Tiempo 6: Piyesta ni San Antonio

    Sa kaniyang dos-por-kuwatrong luklukang isinilid sa kahoy, May silong ng mapulang bodida sa likod ng makapal na pandong, Ang aking San Antonio’y nangungusap ang mga mata ng kung ano; Kumikibot ang ilong, ang mga labì’y bumubulong at may dunong. Hindi kayâ napaluwag ang sa baywang na kordong may kulumpol? May nalabi pang gusot sa abito…

  • Edna St. Vincent Milley: Ngayon, Nawala Ka Sa Akin

    Ngayon, nawala ka sa akin; at makatwirang nawala; Sa sarili kong pasya, at may buong pagpayag. Sabihin mo nang lahat, bibihirang sumusuko Nang ganito sa kamatayan ang mga hari sa kareta. Totoo naman, may mga gabi ng pagkabalisa’t Pagbaha ng luha; di naman iyon masamâ; Pinapahid ng umaga ang mga mata; di maaaring Magtagal sa…

  • Edith Tiempo 5: Ang Salamin

    Nakasalampak ang mga pakwan sa mesa, Supling ng mabuhanging latag, Mapupulang globong-katas na mapintog Sa kintab ng balát ng guhit-guhit na lungti. Sa may aplaya —May matandang singaw ng alinsangan at alat— Dinudurog at pinupulbo ng alon Ang korales at ang bato. Ipinahihinga ko ang mga mata mula sa pahina, Mula sa kuwento nito, sa…

  • Edith Tiempo 4: Pakikibuno Batay sa Katakdaan

    Naghahangga ang iyong kalayaan Sa dulo ng aking ilong. —matandang kasabihang Americano May sariling pita and mga salita— Kapag masinop na itinudla sa mga kapwa-salita, Maaari’y biglang ibunyag ng gawing suwail Ang likás na pagkamalihim: Bigla na lámang nagpaparamdam, walang wawang nakikiugnay na wari’y kapitbahay, lahat ayon sa matinding Lunggati, kahit may matalik na pakikipag-isa…

  • Edith Tiempo 3: Ang Mangingisda

    Buong araw na silo ng lambat ang kaniyang lutáng na mukha. Sa bawat ahong pinapusag ng mga nagngangalit na buntot, Humiyaw ang nagkumpulang mga mata at nangaligkig ang lansa At kaliskis at hasang sa kaniyang sariling pagkasuklam. Ngunit Minsan, isang batà ang nangisda kung saan higit na maamo ang húli, Isang sapang sinasawsawan niya ng…

  • Edith Tiempo 2: Serpiyente

    Isang seksiyon ng nagmamadaling lungsod Ang nagsusumiksik sa mga dahong-mangga. Pinalilitaw ng banayad na laro ng araw at anino Na nagsatore’t gusali ang mga bunga’t lungti, Tumindig sa mahahanging lumang kalsada. Dito Sa matalik na tagpuan ng silaw at lilim Na nag-anyayang magmasid sa pumapaling na mata, At kung saan nakakamit ng isip Ang ganap…

  • Edith Tiempo 1: Mga Kagawian ni Fulandan

    Karaniwan lámang Naman si Ingkong. Kung kayâ’t mula ba saan Ang mga kuwentong nagsilang Ng mga mapagbadyang anyo Sa mauulap na lupain, Sa mahahamog, di mawaring lawas, Na marahil dahil sa paglikha o alkimiya, Paglao’y naging enkantadong bulugan At mga asong maamo, Nakangising mga nuno, Isang kalabaw na may pakpak, Nagsasalitâng kabayo— At ang higanteng…