-
Dasálin 38: Dorothy Sayers
Kayhirap, talagang kayhirap Taluntonin, akyatin ang mabatong landas Patungong Kalbaryo, upang iligtas ang santinakpan; higit Na maigi pang magpamalas ng isang kahanga-hangang himala, Sumilip mula sa mga ulap, itaas ang kanang kamay Na nakapangyayári, at sa kagyat na pagkidlat, ganap Na pangaligkigin ang daigdig. Subalit di ito gawi Ng Diyos, siyang makapangyarihan, At sa halip,…
-
Dasálin 37: Awit ng mga Distiyerong Salvadoran sa mga Distiyerong Guatemalan
Nagdarasal pa rin kami, umaawit, Nangangarap pa rin sa pagdating Ng araw na muling hahapon ang mga ibon At bubukad ang mga bulaklak At magbabalik ang mga mahal na nawala. Nabubuhay pa rin kaming naniniwala Na sisibol isang araw ang pag-ibig, Ang bait, ang sampalataya, Mistulang mga rosas sa taglamig. Naniniwala pa rin kaming ang…
-
Dasálin 14: Kumpisal ni San Agustin
Dakila Ka, O Panginoon, at nararapat lámang Papurihan. Ang Iyong kapangyariha’y kahanga-hanga, Ang Iyong dunong, walang-hanggan. At ang tao, pagkat Bahagi ng Iyong linalang, naghahangad na sambahin Ka; Itong tao na pasan ang angking mortalidad, binabagabag Ng kaniyang salà, inuusig ng kabatirang itinataboy Mo ang mapagmataas—itong tao na bahagi ng Iyong obra’y Nilulunggating papurihan Ka.…
-
Dasálin 36: Luís Espinal Camps
Sanayin kami, Panginoon, na mangahas sa imposible, Sapagkat sa imposible nasusumpungan ang iyong biyaya’t Presensiya. Hindi kami maaaring lamunin ng kawalan. Ang búkas ay isang enigma, ang aming landas, nababalot Ng hamog; subalit ibig naming magpatúloy sa pag-aalay Ng sarili, sapagkat nanatili kang umaasa sa gitna Ng karimlan, at nagpapalis ng luha sa laksang mata.
-
Dasalín 35: Wendell Berry
Kapag sa kaibutura’y gumagapang ang hapis Para sa mundo, at nagigising sa gabi ng kahit Kaluskos, may tákot para sa aking búhay at sa mga anak, Nagtutungo ako’t nagpapahingalay kung saan humahapon Ang pato sa kaniyang kariktan sa tubigan, at nanginginain Ang tagak. Dinaratnan ko ang tahimik ng kasukalang Walang binabatáng pagkahindik sa paratíng Na…
-
Dasálin 13: Dekalogong Pang-araw-araw ni Pope John XXIII
1. Para sa ngayon, sisikapin kong landasín ang aking araw nang walang alinlangan at walang paghahangad na lutasin ang mga suliranin ng aking búhay nang sabay-sabay. 2. Para sa ngayon, pangangalagaan ko ang aking katayuan: mananamit ako nang simple; hindi ako magtataas ng boses; magiging magalang ako sa pakikitungo; wala akong pupulaan; wala akong ibang…
-
Dasálin 34: Naomi Shihab Nye
Bago málaman kung ano talaga ang kabutihan, Kailangan mong makawaglit ng mga bagay, Madamáng nalulusaw ang búkas sa sansaglit Tulad ng asin sa matabáng na sabaw. Anumang iyong pinanghawakan, Anumang binilang at maingat na inipon, Lahat yao’y kailangang maubos upang matalos Kung gaanong nagiging kalumbay ang lupain Sa pagi-pagitan ng rehiyon ng kabutihan. Kung gaano…
-
Dasálin 12: Antoine de Saint-Exupery
Panginoon, hindi ako nagdarasal para sa mga himala at hiwaga. Lakas lámang para sa aking buong búhay ang dasal ko. Ituro mo sa akin ang sining ng mumunting hakbang. Gawaran ako ng dunong at pagkamaparaan upang mahagilap Ang mahahalagang tuklas at danas sa sarikulay ng mga araw. Tulungan akong mahusay na gámitin ang oras. Tulutan…
-
Dasálin 33: Ang Heart Sutra o Ang Puso ng Ganap na Karunungan
Si Avalokiteshvara, Hábang pinagninilayan Ang Liwanag na Nagtatawid sa Kabilâng Pampang, Ay kagyat na nakasumpong Na lahat ng limang Skandha ay pawang hungkag, At sa pagkamalay na ito, Naigpawan ang lahat niyang Pagkadukha. “Makinig, Sariputra, Ang Katawang ito’y Kahungkagan, At ang Kahungkagan mismo’y itong Katawan. Ang Katawan ay di bukod sa Kahungkagan At ang Kahungkagan…
-
Dasálin 32: Wisława Szymborska
Binabása natin ang mga liham ng mga patay na wari’y walang lakas na mga diyos, Ngunit mga diyos pa rin sa kabila noon, sapagkat nasusundan natin ang mga petsa. Batid natin ang mga utang na hindi na mababayaran. Maging ang mga balòng magpapakasal sa mga bangkay na may init pa. Kaawa-awang patay, napipiringang patay, Mapaniwalain,…