-
Ang Bagong Telebiswalidad ng Zoom at si Lola Doc
Dalubhasa si Nora Aunor sa pelikula, hindi na iyan pagtatalunan pa. O, para may bago naman táyong pag-usapan, baligtarin natin: Dalubhasa ang pelikula kay Nora Aunor. Ito ang gusto kong taluntunin ngayon bílang panimula. Kabesado na ng kamera ang kung papaanong ipeframe o babalangkasin sa pinilakang-tábing ang Superstar habang siya ay umaarte. May mga kibot…
-
Ilang Gunita ng Aking Pagkabata bílang Pagbakas sa Pagkahumaling sa mga Dramang De-Serye sa Telebisyon
Panayam na binigkas via Facetime para sa Ika-17 Ateneo de Manila University National Writers Workshop, Hunyo 7, 2019. [Una muna, nais kong magpasalamat sa pasensiya at pag-unawa nina Christian Benitez at Dr. Christine Bellen, sa napakaraming akomodasyong ipinagkaloob nila sa akin habang ako ay narito sa Singapore para sa isang napakahalagang bagay. Ang totoo, kahapon…
-
Ang Drama ng Ating Búhay: Pagkilala at Pasasalamat
[Ito ang aking naging pagkilala at pasasalamat sa mga tumulong habang isinusulat ko ang disertasyong Ang Drama ng Ating Búhay: Isang Kasaysayang Pangkultura ng Teleserye sa Filipinas Hanggang 2016.] Mahigit isang taon kong binuno ang pagsulat sa pag-aaral na ito. Subalit nagsimula talaga ang aking seryosong pagkalap sa datos para rito noong 2014, ang taon ng…
-
Lessons from a ‘Fantaserye’ Controversy
Published in Philippines Graphic Magazine, Vol. 28, No. 44, March 26, 2018 Three weeks ago, ABS-CBN released promotional campaigns for its newest “fantaserye” [fantasy soap opera/series] Bagani, a speculative, coming-of-age story of a male protagonist, utilizing the indigenous term which means, all at the same time, heroism, courage, and moral or spiritual distinction bestowed upon…
-
Ang Bagani, ang Liham ni Kom. Adamat, ang Pagkiling sa Realismo, at ang Patuloy na Mababang Tingin sa Kulturang Popular
Marami na ang nasabi at sinasabi pa sa pantaseryeng nakatakdang i-eyre búkas, ang Bagani. Sa social media, inakusahan ang palabas ng pagiging iresponsable dahil sa paggamit ng konsepto ng “bagani,” isang dalumat na katutubo, sampu ng iba pang punang mabubuod sa mga susing salitang tulad ng cultural misappropriation, bastardisasyon, kawalang-orihinalidad, atbp. Lalo pa itong lumalâ…
-
Sa Kinauukulan, Ilang Payo Hinggil sa Teleserye
Para kay Jerry B. Grácio I. Tutal, desidido kayóng busalan ang mga pumupuna, lubos-lubusin ninyo na. Kasuhan ang mga gumagawa ng mga teleserye dahil parang ibig kayóng isahán araw-gabi. Nagkukuwento nga ng mga kagila-gilalas na sapalaran o pag-ibig na walang hanggan ay parang pinarurunggitan ang mga nangyayari sa kasalukuyang kahit anong orkestradong tanggi, tatwa, o…
-
Mga Istorya’t Histerya at ang Pagrereyna ng mga ‘Dahaserye’ sa 2017
Ang táong 2017 ay taon ng dahas para sa mga teleserye. At marahil, hindi na ito pagtatakhan. Kung nakakasangkapan nga ang mga dramang de-serye bílang pantulong sa pagbalangkas sa ating realidad, sa táong 2017, isang taon matapos mahalal si Rodrigo Roa Duterte, kinailangan nating lahat marahil na unawain ang umiiral na poot na naghahati-hati sa…
-
Ang Mabubuting Teleserye at ang Mabubuting Pagganap ng 2016
Ito ang pangatlong taon ng seryeng ito, na sinimulan kong isulat sa Ingles para sa website ng isang nangungunang pahayagan. Ngayong taon, at marahil, simula ngayon, sa Filipino ko na pahahalagahan ang sa tingin ko ay mabubuting teleserye at mabubuting pagganap ng nagdaang taon. At bakit nga ba hindi? Tiyak na higit na yayaman, hindi…
-
Ang Halalan sa Teleserye/ Ang Halalan bílang Teleserye
Laging isang makapangyarihang drama ang halalan sapagkat nagiging tagpuan ito ng pagtatanghal ng katauhan, hindi lámang ng mga tumatakbo, kundi pati na rin ng mga naghahalal. Makabuluhang balikan ang etimolohiya ng drama upang higit na namnamin ang pakahulugan ko rito. Kung sinasabing ang “drama” ay mula sa Griyegong “dran”, na may pakahulugang “to do” o…
-
Ang Kilig at ang Koreanovela
Dalawang magkaibang konsepto ang nais kong iharap sa inyo ngayon—magkaiba sapagkat nagmumula sa magkakaibang pampang ng daigdig, bagaman sa isang banda ay kapwa binuo, dinalumat, at nagkaroon ng saysay dahil sa panonood ng mga Filipino ng mga soap opera, na tinatawag na nga natin ngayon na Teleserye. Malinaw na angkat at banyaga ang “Koreanovela” (pagsasanib…