Category: Television

  • Magandang Gabi, Bayan

    Ngayong gabi, sa bisà ng isang cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ganap nang naipasara ang Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN). Isa itong orden na dulot ng pagkakatambak ng mga panukala para sa renewal ng prangkisa ng network sa mga kapulungan ng kongreso. Pagkakatambak na dulot naman, sa isang bandá,…

  • Ilang Gunita ng Aking Pagkabata bílang Pagbakas sa Pagkahumaling sa mga Dramang De-Serye sa Telebisyon

    Panayam na binigkas via Facetime para sa Ika-17 Ateneo de Manila University National Writers Workshop, Hunyo 7, 2019. [Una muna, nais kong magpasalamat sa pasensiya at pag-unawa nina Christian Benitez at Dr. Christine Bellen, sa napakaraming akomodasyong ipinagkaloob nila sa akin habang ako ay narito sa Singapore para sa isang napakahalagang bagay. Ang totoo, kahapon…

  • Sa Pamumulitika ng Telebisyon

    Una, bílang mag-aaral ng telebisyong Filipino, gusto kong linawin na wala akong ilusyon na palaging matayog ang layunin ng midyum na ito. May hangarin itong kumita. Kayâ kailangan nitong paglingkuran ang mamamayan na tumatangkilik dito, at naturalmente, ang mga interes pangnegosyo nito. Hindi na dapat pagtakhan kung ito ang humahakot ng laksang pamumuhunan ng industriya…

  • Miss U faux pas is hands down Pinoy TV moment of 2015

    There might be little need to argue about this year’s Pinoy television moment among moments of the year in 2015. It was an event that encompasses the universe—at least our universe where annual international beauty contests is a passion. Finally, after 42 years, the Philippines has come home with the Miss Universe crown, but it…