Para kay Cirilo F. Bautista May lumbay ang Mayo na ito— Naglilimas, unti-unti, ng búhay Upang igiit yata ang likás Na panglaw ng mabuhay. Ano pa ba’ng dapat pang Matututuhan bukod dito? Sa malayò, ang tila pagsinghap- Singhap pa ng mahal na Lola, Habang hinihintay na tuluyang Malagot ang hininga—parang di Mapatid-patid, sa pakikinig Ko… Continue reading Bagong Tula: Ang Lumbay ng Mayo
Category: Tula
Mga Pagtatapat at Pahayag ng Pananampalataya sa Tula at Sanaysay sa Panahon ng Walang-Katiyakan
Panayam na binigkas sa paglulungsad ng Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon (University of the Philippines Press), at muling pagpapakilala sa At Sa Tahanan ng Alabok at Kung Saan sa Katawan (University of Santo Tomas Publishing House), Marso 11, 2017, European Documentation Center, De La Salle University Manila. Sa kagandahang-loob ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center. Hindi ko mithing biguin ang… Continue reading Mga Pagtatapat at Pahayag ng Pananampalataya sa Tula at Sanaysay sa Panahon ng Walang-Katiyakan
Bagong Tula: Milya
May makatang agad isasara mo ang aklat sa anino Pa lámang ng taludtod; may makatang bubulatlatin Ang bawat pagsasanga ng salita sa pahiwatig. Kaninong makata ako umibig? Isang gabi, tinunghan Ko ang isang tinig na kaylayo sa irog, at sa paghibik, Dagat na bumulwak ang pangako ng katapatan, Bumabangga sa dibdib ng mga dako, humahangga’t… Continue reading Bagong Tula: Milya
Bagong Tula: Sa Pag-aabang sa Traysikel Isang Tanghali
Binubuklat ko ang Western Wind ni Nims habang kalmot Ng alinsangan ang aking mukha. Nasa bandang simula Ako ng aklat kung saan iginigiit ang ipakita; huwag sabihin Ay biglang lumitaw sa harap ko ang binatilyong lango Yata sa kung ano at inusisa ako, anong kuwento iyan ha, Anong kuwento niyan? Salat ng gitla ko ang… Continue reading Bagong Tula: Sa Pag-aabang sa Traysikel Isang Tanghali
Dear Ai gonplei not ste odun nowe
Nabása ko ang iyong reaksiyon sa tulang “Valediction sa Hillcrest” ni Rolando S. Tinio, at nabasa ko rin ang reaksiyon ng ilang tao na bumasa sa iyong lumang-lumang tumblr entri (Agosto 11, 2011 ang petsa, sa kalagitnaan ng Buwan ng Wikang Pambansa). May ilang pumuna sa mistulang kamangmangan ng iyong palagay, at may ilang nagsabing… Continue reading Dear Ai gonplei not ste odun nowe
Bagong Tula: Pagninilay sa Larawan Kinabukasan ng Sunog
Batay sa larawang kuha ng ABS-CBN News Channel. Hindi mailalarawan ang iyong dalamhati. Ang kuwadrong ito’y walang kakayahang Sinupin ang lahat ng iyong saloobin, Waring kusang tinatalikdan ang daigdig, Tulad mong nakahalukipkip, nakayuko, Sa pader lamang ng pabrika nakabaling. Sa bandang itaas, nakamarka pa ang dila Ng apoy sa tila lumúlutóng nang takip-yero. Sa iyong… Continue reading Bagong Tula: Pagninilay sa Larawan Kinabukasan ng Sunog
Bagong Tula: Kalatas Mulang Kenya
Sinalakay ng isang pangkat ng mga terorista ang isang pamantasan sa Nairobi, Kenya isang umaga ng Semana Santa 2015. Halos 150 mag-aaral at pakultad ang napaslang habang nagtitipon at nagdarasal. At bigla na lamang silang lumusob, Tinigalgal ang rubdob ng pagdarasal, Ang pagmimithi namin sa Paskuwa. Wari’y alingawngaw ng mga putok Ang paparating na mga… Continue reading Bagong Tula: Kalatas Mulang Kenya
Bagong Tula: Sa Birheng Basang-Basa sa Ulan
—Larawan sa Pagbisita ni Papa Francisco sa Tacloban, Leyte, 2015 Naririto sila ngayon sa inyong harapan, Inang Mahal, Nangangatog sa lamig, mga basang-sisiw na nakikinig Sa inyong Pastol, ngayong araw. Peregrino ang lahat— Tanging kapoteng dilaw ang pananggalang sa tila Pagbugso-na-muli ng ulang nilunod itong bayan. Minamalas ka rin nila ngayon, at yaong iyong kipkip… Continue reading Bagong Tula: Sa Birheng Basang-Basa sa Ulan
Bagong Tula: Magnolia
Papaanong bibilangin ang mga bituin sa langit Sa ganitong laksang kalawakan—pag-ibig Ng magsasaka’t heredero, pag-ibig na sininop Ng pangitain at paglilo, ngunit pagbabayaran Ang pagsapit nitong paghahawakang inaasam? Kaybigat ng halaga: ang lihim na kaugnayan Ng inyong mga anak na ibinababa sa hukay, Lihim na kayo ang napag-iwanan matapos nilang Lundagin ang bangin dahil bagabag… Continue reading Bagong Tula: Magnolia
Bagong Tula: Dung-Aw
Di man siya gaanong kilala, siyang tinatawag na Franklin, Natunghayan ko sa kaniyang ataul ang kahinahinayang Na tikas na pinarangal ng wari’y almiroladong uniporme. Gunita ko’y isang malagim na engkuwentro ang ganap Na nagpabalik sa kaniya sa kandungan ng bayang ito, At sa inang halos masiraan ng bait, nakaupo sa gilid Ng puting ataul. Kaysinop… Continue reading Bagong Tula: Dung-Aw