-
Ilang Kaisipang Lumbera sa Sansiglo ng Brodkasting sa Filipinas Ngayong 2022
Noong Setyembre 28, 2021, nilisan ni Bienvenido Lumbera ang magulong mundo upang ganap nang mapabilang sa panteon ng mga kahanay na dakila. Hindi na pagtatalunan pa ang kadakilaan. Nilalagom ng kaniyang pagkakahirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006 ang matipunong lawas ng kaniyang panulaan at dulaan, pati na rin ang napakalawak na…
-
Ang Bagong Telebiswalidad ng Zoom at si Lola Doc
Dalubhasa si Nora Aunor sa pelikula, hindi na iyan pagtatalunan pa. O, para may bago naman táyong pag-usapan, baligtarin natin: Dalubhasa ang pelikula kay Nora Aunor. Ito ang gusto kong taluntunin ngayon bílang panimula. Kabesado na ng kamera ang kung papaanong ipeframe o babalangkasin sa pinilakang-tábing ang Superstar habang siya ay umaarte. May mga kibot…
-
Chika Lit 3: Ang Ibig Sabihin ng Katahimikan
Isang bagay na muling nagkaroon ng puwang sa búhay ng tao, sa panahong ito ng quarantine laban sa Covid-19, ay ang katahimikan. Masyado na kasi táyong naging busy noong nakaraan, at ang dami rin talagang alalahanin at nangyayari. Marami sa atin ang halos walang panahon para magpahinga, na magandang pagkakataon sana para manahimik at magmuni-muni…
-
Magandang Gabi, Bayan
Ngayong gabi, sa bisà ng isang cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ganap nang naipasara ang Alto Broadcasting System-Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN). Isa itong orden na dulot ng pagkakatambak ng mga panukala para sa renewal ng prangkisa ng network sa mga kapulungan ng kongreso. Pagkakatambak na dulot naman, sa isang bandá,…
-
Chika Lit 2: Radio Romance: Homage sa Magulang ng Podcast
Noong unang panahon…Wala namang mga podcast tulad ng Chika Lit. Pero mayroong radyo kung saan maaaring makinig sa mga komentaristang tulad ko na dumadaldal o nakikipagchikahan tungkol sa mga bagay-bagay hinggil sa búhay, politika, at lipunan. Medyo weird lang talagang magsimula sa “noong unang panahon,” kasi parang itinuturing nang napaglipasan o patay ang pag-uusapan natin…
-
Bagong Tula: Kamatsile
Walang habag itong bagot— Sentensiyang walang Hanggan ng kuwarentina. Bawal lumabas. Walang magawa. Sa mukmok, nanggigising Ang gitla ng bawat bagsak Ng mga bunga ng kamatsile Sa bubong. Sumandali’y Napahuhugot ako sa hininga. Nakagugunita ang katawan. Tinigilan ko nang bagtingin Ang mga platilyo sa altar. Maláy na ako sa kailangang paghinga Paglagapak ng mga sumasabog…
-
Dasálin 41: Oriah Mountain Dreamer
Di ako interesado sa kung ano’ng hanapbuhay mo. Nais kong maláman ang minimithi mo At kung papangarapin mong makamit ang lunggati ng puso. Di ako interesado kung ilang taon ka na. Nais kong maláman kung handa kang magpakabaliw Para sa pag-ibig Para sa pangarap Para sa pakikipagsapalaran sa pagiging buháy. Di ako interesado sa kung…
-
Dasálin 24: Santa Thérèse ng Lisieux
1. Hindi ko magawang itulak ang sarili na maghagilap pa ng magagandang dasal mula sa mga leksiyo; bílang walang mapili, nagpaparang bata akong di marunong magbasá; sinasabi ko lámang sa mabuting Diyos, sa pinakapayak na paraan, ang ibig kong sabihin sa Kaniya, at lagi Niya akong nauunawaan. 2. Napakatindi ng kapangyarihan ng dasal—mailalarawang isang reyna…
-
Dasálin 23: Thich Nhat Hanh
Bumabagting ang kampana pagka-alas-kuwatro ng umaga. Nakatayo ako sa may bintana, Walang sapin ang paa sa lamig ng sahig. Madilim pa sa hardin. Nakaabang akong hanguin ng bundok at ilog ang kanilang anyo. Walang liwanag sa kailaliman ng gabi. Ngunit batid kong naririyan ka Sa pusod ng karimlan, Ang di masusukat na daigdig-kaisipan. Ikaw, na…
-
Dasálin 22: Dasal sa Araw at sa Buwan Mulang Ojibwa
1. Hindi táyo bibiguin ng amang araw, siyang nagpapayabong sa lahat, at kung wala’y maghahari ang lamig, dilim, at sindak. Kayganda, nakatatalos-ng-lahat, nakapaglalagos na liwanag! Kung wala ka’y wala ring diwa at sigla ang isip ng tao na iyong pinakikinang. Araw! Maging mabuti sa amin ngayon, sapagkat nakatanod ka sa aming pangangaso, at humihingi kami…