Palaisipan 6: Bakit Kailangang Pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Sa napakasaklap na dahilan—ang tuluyang pagpabor ng Korte Suprema sa pagtanggal sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at patuloy na pagbubulag-bulagan ng pamahalaan sa totoong sitwasyon ng pagtuturo ng mga nabanggit sa batayang edukasyon—kailangang batahing muli ang pagtugon sa tanong na ito.  Hindi lámang dahil nakataya rito ang kabuhayan ng libong guro na… Continue reading Palaisipan 6: Bakit Kailangang Pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Palaisipan 3: Ano ang Layon ng Pagtuturo ng Panitikan?

Kababasa ko lámang muli ng sanaysay ni Caroline Hau (2000) sa kaniyang tanyag na Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation 1946-1980, na tumalakay, sa isang bandá, sa naging pagpapahalaga ng nobela ni Amado Hernandez, ang Ibong Mandaragit (1969), sa paghubog sa kaisipan ng mamamayang inaasahang magkakaroon balang araw ng pagkatuto’t kabatirang makapagpapalaya sa kanila… Continue reading Palaisipan 3: Ano ang Layon ng Pagtuturo ng Panitikan?

Palaisipan 1: Bakit Hindi Dapat Tinatanong ang Awtor Hinggil sa Ibig Sabihin ng Akda?

Ang totoo, maaari naman talagang tanungin ang awtor hinggil sa ipinababatid na ideya o kislap-diwa ng kaniyang akda. Ngayong mga panahong ito ng pag-iral ng social media, napakadali na nitong gawin. Nangyayari na ito ngayon, dulot ng kabaguhan sa kurikulum sa batayang edukasyon, at lalo dahil sa pagkakapakilala sa senior high school ng asignaturang 21st… Continue reading Palaisipan 1: Bakit Hindi Dapat Tinatanong ang Awtor Hinggil sa Ibig Sabihin ng Akda?