Palaisipan 7: Umuugnay ba ang Panitikan sa Daigdig?

Habang maugong ang isyu hinggil sa pagkakatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, dahil sa pagbawi ng Korte Suprema sa ipinataw nitong temporary restraining order noong 2015, biglang pumutok ang balita na nagrereklamo ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa masamâng pagkakatanghal sa pulisya sa teleseryeng primetime na FPJ’s Ang Probinsyano. … Continue reading Palaisipan 7: Umuugnay ba ang Panitikan sa Daigdig?

Palaisipan 6: Bakit Kailangang Pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Sa napakasaklap na dahilan—ang tuluyang pagpabor ng Korte Suprema sa pagtanggal sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, at patuloy na pagbubulag-bulagan ng pamahalaan sa totoong sitwasyon ng pagtuturo ng mga nabanggit sa batayang edukasyon—kailangang batahing muli ang pagtugon sa tanong na ito.  Hindi lámang dahil nakataya rito ang kabuhayan ng libong guro na… Continue reading Palaisipan 6: Bakit Kailangang Pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Palaisipan 5: Sino ang Awtor?

Ang awtor ang siyang sumulat ng akda. Siya ang málay na humubog sa ating binabása, at ipinagpapalagay natin na makahulugan ang kaniyang isinulat sapagkat itinakda niyang maglaman ito ng kaniyang mga pagpapalagay. Nakikipagtalastasan sa atin ang awtor sa pamamagitan ng asemblea ng salita na kaniyang pinawawalan matapos tuldukan ang akda, ipalathala ito, at ipakalat sa… Continue reading Palaisipan 5: Sino ang Awtor?

Palaisipan 4: Ano ang Akda?

Tinutukoy ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diksiyonaryong Filipino (2010) ang salitâng “akda” bílang “anumang nilikha ng isang manunulat,” at “naipalathala o naipalimbag na likhang pampanitikan.”  Tatlong bagay kaagad ang maisasaalang-alang natin batay sa mga pakahulugang ito. Una, sa ulit-ulit na pagsailalim sa malikhaing proseso ng pagsulat—na karaniwa’y mahiwaga’t kayhirap magagap—nakagagawa ang manunulat ng isang akda,… Continue reading Palaisipan 4: Ano ang Akda?

Palaisipan 3: Ano ang Layon ng Pagtuturo ng Panitikan?

Kababasa ko lámang muli ng sanaysay ni Caroline Hau (2000) sa kaniyang tanyag na Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation 1946-1980, na tumalakay, sa isang bandá, sa naging pagpapahalaga ng nobela ni Amado Hernandez, ang Ibong Mandaragit (1969), sa paghubog sa kaisipan ng mamamayang inaasahang magkakaroon balang araw ng pagkatuto’t kabatirang makapagpapalaya sa kanila… Continue reading Palaisipan 3: Ano ang Layon ng Pagtuturo ng Panitikan?

Palaisipan 2: May Áral ba ang Panitikan?

Oo. Lalo pa ang talagang mahuhusay, mapagbagong-málay, at makayanig-daigdig na panitikan. Kung naniniwala kang tulad ko na ang bawat pagbabasá ay isang transaksiyon sa pagitan ng manunulat at ng mambabása, natural na umaasa ka, bílang mambabása, sa iyong bawat pagbabasá, na may mapupulot ka man lámang na kung anong mahalaga [o pagpapahalaga] sa nabása. Mga… Continue reading Palaisipan 2: May Áral ba ang Panitikan?