What They Say

940948_10154687772844152_842580278796131864_n
Ang silid at mesang sulatan ni Louie Jon A. Sanchez sa Lungsod Caloocan

HINGGIL SA AT SA TAHANAN NG ALABOK

God in poetry and the Poet in prose

By Joel Pablo Salud

LOUIE JON SANCHEZ’S coming-of-age book of poems, At sa Tahanan ng Alabok, mesmerizes, titillates and builds an appreciation for poetry that breaches the boundaries of convention if only to cross oceans, spend long afternoons at a park, the sprawling space between corners of a photograph into midday prayers to an angry Messiah.

The author, twice hailed as Makata ng Taon (Poet of the Year) by the Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino, smoothly paints settings of earth and sky barely seen by the naked eye, as in his poem, Dapithapon: “Narito ang aking liwanag, aking Liyag; / Mapulang papawirin, at sa aking mga ulap / Mga pinong guhit ng makinang na abo. / Sa iyong ganap na paglisan sa Ilang, / Nais kong ilahad sa iyo and aking handog— / Ganitong liwanag ang hanggad kong isabog sa iyong natatakdang Pagpapako.”

Sanchez’s excursus into the realm of love and war, shadow and first light, and the fury of a Messiah best painted as a nation barely able to stand because of its wounds, reveals a poet of the more dazzling kind, not the callow among a breed of writers otherwise hailed for reasons unknown. Sanchez makes it easy for the reader to climb the more philosophical peaks in the poems, even the ones bordered and held aloft by blind yet unremitting faith. God, angels, fires and fear are but things to touch by human hands.

Even divine judgment he writes in the form and manner of a kind poet, one who sees more than what the eye could actually make out and shares the visions generously: “Sa altar ng ating mga malay, sa ating mga paningin / Na lilo at lito sa kung alin sa mga imahen ang unang / Tutugon. Mistulang walang takas sa Paghuhukom / Na naroon sa kapilya ng malamlam ng hapon…”

Yet, despite leaps and flights Sanchez manages to keep his feet on the ground, with senses ready to pen what he feels around him. In Digmaan, he relates battles fought by young men barely out of their teens with a keen eye on the seemingly invisible battles within: “Sa kanto, nakatakda ng lumipad / Ang mga ipinukol na kahoy at bato, / Ang di masawatang pagbigkas / Ng malulutong na mura at sumpa / Ng sindak, ng ganti, ng kamatayan. / Nahaharap tayo sa gulo at galaw / Ng isang kakatwang munting digmaan…”

With more than 30 poems in the collection, At sa Tahanan ng Alabok is more than a book of verse, alas. In Nostos, he seems to be telling us his story—of church bells and street bends, dark corners and habits, slippers, national anthem and one face unnamed.

His poems have oddly very little influence from the more influential voices in Philippine literature. Sanchez’s tone and voice echo no other bard but himself, with a humble gesture to treat him like a breeze moving gently past one’s face: “Humayo. Ituring akong hanging nagdaraan / At nagbibigay-buhay tulad noong Paglikha.”

Creation. No other word describes this book of Filipino verse. At sa Tahanan ng Alabok is published by the University of Santo Tomas Publishing House and is available in bookstores.

***

Hindi Karaniwang Pagkamulat

Ni Xi Zuq (Michael Jude Tumamac)

https://xizuq.wordpress.com/2011/08/03/hindi-karaniwang-pagkamulat/

“Hindi karaniwang imahen –
Isang nene, kasama ang ama
Sa kasilyas ng mga lalaki.”

Ang unang tatlong linya ng tulang “Pagkamulat” ni Louie Jon Sanchez ay punô ng tensiyon. Isa itong eksenang mapangahas. Hindi ito maitatanggi sa pagiging mapangahas ng makata sa paggulat sa karamihang konserbatibong mga mambabasa sa isang hindi karaniwang imahen sa umpisa pa lámang ng kanyang tula.

Ang tulang ito ay naglalarawan at nagsasalaysay ng isang eksenang itinuturing na hindi karaniwan ng konserbatibong lipunan – isang nene sa pánlaláking palikuran. Pagbasag ito sa mga prinsipyo ng konserbatismo, kayâ masasabing moderno ang sensibilidad na ipinapakita ng tula. Hihimayin ko ang tula ayon sa tatlong bagay. Una, kung naging epektibo ba ang paggamit ng batà bílang karakter sa tula. Pangalawa, kung ano ang mga aspektong nagsasabing ang imahen ng tula ay hindi karaniwan (maliban sa hayagang pagsabi sa unang linya na hindi nga ito karaniwan). Pangatlo, kung ano ang pagkamulat na naganap (sa anong bagay o dalumat?).

Si Nene
Hindi maitatangging ang isang batà ay simbolo ng pagiging inosente dahil sinasabing marami pa itong bagay na hindi alam sa mundo. Ayon nga kay John Locke, ang pagkaintindi o pagkamulat ng tao sa mga bagay-bagay ay nagsisimula sa konsepto niya ng tabula rasa – nagmumula sa pagkakaroon ng walang ideya tungkol sa isang bagay hanggang sa ipakilala ito sa kanya ng isang nakakaalam na tao o ng karanasan; o pinupunô/napupunô hábang tumatanda ang blangkong isipan ng tao, sa madaling sabi. Ganito ang nakukuha kong pagsasakarakter ng makata sa batàng babae na nasa kasilyas ng mga lalaki. Isa itong batàng babae na walang kamalay-malay at kakapasok lámang sa isang panibagong lugar na hindi niya pa, marahil, nadalumat dahil na rin sa dikta ng konserbatismo na bawal ang babae sa pánlaláking palikuran.

Pinatindi pa ang pagsasakarakter nang tawaging nene ang batàng babaeng ito. Ang nene ay karaniwang tawag sa batàng babaeng inosente at marami pang hindi alam – mura pa ang kaisipan; wala pa masyadong kaalaman ang naipasok sa tabula rasang isipan. Dahil sa isang nene ang ginamit, nagkakaroon ng walang malisya sa kanyang pagpasok. Wala pang libog, marahil, na nadarama ang batàng ito kaya okey lang na nandoon siya. Sa katunayan, ang naapektuhan ay ang ama:

“Bakas ang pagkatawa,
Marahil sa pagkahiya
Sa akin na katabi niya
At sa mga lalaking
Pumapasok sa kasilyas.”

Reaksiyon ito dahil sa marahil nakakatawang hindi karaniwang sitwasyon. Sinabi naman ng persona, na katabi ng ama sa pag-ihi, na bakâ dahil sa pagkahiya. Ang pag-iisip ng persona na dahil sa pagkahiya ang reaksiyon ng ama ay maituturing na palatandaan ng restriksiyon ng lipunan sa maraming bagay, lalo na sa mga “sensitibong” pangyayari tulad nito. Ang “sensitibong” pangyayari o danas na ito ang ngayo’y tinutuklas ng nene sa pagpasok niya sa kasilyas ng mga lalaki.

Hindi Karaniwan
Sabi nga ng unang linya, hindi isang karaniwang imahen ang nilalaman ng tula. Isa itong eksenang iniiwasan at malimit na pinag-uusapan ng mga konserbatibo. Ngunit hindi sapat ang pagsasaad sa unang linya na ang tula ay may hindi karaniwang imahen. Sa katunayan, hindi ko gusto ang linyang ito dahil ang sitwasyon na mismo ang nagsasabi na hindi karaniwan ang imahen ng tula. Sa isang banda, isa itong paghahanda sa mga mambabasa na ang babasahin nila ay hindi pangkaraniwan. Sa isa pang banda, isa itong repleksiyon ng pag-iisip ng persona, na ituturing kong konserbatibo dahil sa mga sumusunod: Una, ipinakita ko ang naging interpretasyon niya sa reaksiyon ng ama sa pangyayari – na ang ama ay may bakas ng pagkatawa dahil bakâ sa pagkahiya sa persona at iba pang lalaki sa kasilyas. Sa unang linya naman masasalamin ang pag-iisip niya – ang nasaksihan niya ay isang hindi karaniwang pangyayari. Nasa kanyang kamalayan na ang pagpasok ng nene sa kasilyas ng mga lalaki ay hindi karaniwan. Isa itong pag-iisip na konserbatibo – isang nene sa isang lugar na para lamang “dapat” sa mga lalaki.

Ipinakikilala pa ng makata na isang hindi karaniwang imahen ito sa mga sumunod na linya. Maging ang urinal ay hindi rin karaniwan.

“Umiihi ang ama
Sa hindi karaniwang urinal:
Isang pahabang aluminyo
Na nakasahod at hinuhugasan
Ng tuloy-tuloy na daloy
Ng tubig mula sa tubo.”

Marahil, pagkumpara sa pang-isahang urinal na makikita sa mga mall ang kanyang batayan sa pagsabing hindi karaniwan ang urinal. Sa mall, marami ang bowl na urinal na nakahilera sa dingding ng pánlaláking palikuran. Sa kasilyas na tinutukoy na ito, iisa lang ang urinal na gawa sa aluminyo, at ang mga ihi ng mga umiihi ay iisa lámang ang dinadaluyan.

Hindi rin karaniwan ang nene. Isa siyang neneng may kakaibang pag-iisip. Una, nagawa niyang pumasok sa kasilyas ng mga lalaki gayong tinuturuan na sila, maliit pa lang, na may kanya-kanyang palikuran ang mga babae at lalaki. Kayâ ang pagpasok pa lámang niya ay hindi na karaniwan. Hindi kayâ siya nasanay sa paaralan, kung saan mahigpit na ipinapatupad ang dibisyon ng kung anong pánlaláki at pambabae? O marahil ay musmos at murang-mura pa ang edad ng nene, kayâ isanáma na lámang ng ama sa kasilyas. Unang-una, hindi gustong isama ng ama ang nene. Sa katunayan, pinagsabihan siyang umalis sa kasilyas.

“Pinagsabihan niyang lumabas
Ang musmos na mausisa.”

Pangalawa, hindi tunog batàng-batà ang pananalita ng nene. Gumagamit siya ng buong salitang ‘iyan’ sa halip na ‘’yan’ na natural sa mga batà. Masasabi, bagama’t hindi tiyak na hindi batàng-batà ang neneng ito.

“Nasa gilid ng ama ang nene
Nang ako’y tumabi’t umihi.
Nagtatanong ang nene:
Ano iyan, Itay? Ano iyan?
Hindi pa tapos ang ama.”

Maliban sa nagawa niyang pumasok sa kasilyas ng mga lalaki, hindi karaniwan ang nene dahil sa mapangahas niyang pagtatanong. Dahil sinasabing inosente ang batà kayâ walang malisya na tinignan ang kanyang pagtatanong. Ang pagtatanong na ito ay ang pagtitindi ng hindi pagiging karaniwan ng imahen. Hindi pa nakontento ang nene at nagtanong pa. At pursigido ang neneng ito sa pagtuklas sa “iyan” na kanyang tinutukoy sa tanong dahil nang pinaalis siya ng ama ay hindi siya sumunod at patuloy pa ring nagtanong tungkol sa “iyan”. Hindi ba’t isang hindi karaniwang nene ang karakter na ito – isang batàng mapang-usisa. At ang mga makukulit na mapang-usisa ang kinaaayawan ng mga konserbatibo. Nababanas na nga sila sa pagbubukas ng isang usapin tungkol sa isang “sensitibong” bagay, paano pa kaya kung pag-usapan na ito at usisain?

“Hindi sumunod ang bata.
Patuloy na umalingawngaw
Ang pagtatanong, Ano iyan?”

Pursigido ang batang usisain ang “iyan” kahit nangahulugan itong sinuway niya ang kanyang ama, na isang simbolo ng awtoridad. Hindi pa rin umalis ang nene. Nang-usisa pa. Isang pang-uusisang katulad ng mga liberal sa mga bagay na “sensitibo” para sa mga konserbatibo. Ang liberal, nang-uusisa upang maliwanagan; si nene, nang-uusisa upang mapunan ang utak niyang tabula rasa ng bagong kaalaman at karanasan.

Ang Lihim na “Iyan”
Nasa panghulíng pangunahing punto na ako ngunit hindi pa rin nahahayag kung ano ang “iyan” na tinutukoy at inuusisa ni nene hábang nasa kasilyas ng mga laláki. Sa unang bahagi ng tula, kung saan sinabi lámang na may nene sa pánlaláking kasilyas at nagtanong ito. Hindi pa ganoon nakikita natin ang pag-iisip ng nene dahil wala pang mas detalyadong deskripsiyon ng kanyang gawain. Una, inisip kong ang “iyan” ay tumutukoy sa nakalawit na ari ng mga laláking umiihi sa iisang urinal (lalo na sa kanyang ama). Marahil, ito ang unang impresyon na makukuha ng kung sinumang mambabasa. Isa kasing “sensitibong” bagay na pag-usapan at usisain ang mga may kinalaman sa sex at maseselang bahagi ng tao. Sadya man o hindi, nag-aanyong ari ng laláki ang kahabaan ng buong tula kayâ lumakas ang impresyong ari nga ng laláki ang inuusisa ng batà. Ngunit may paglilihis sa ganitong impresyon ang persona. Sa hulíng mga linya, nakasaad:

“Laking gulat ko
Nang akmang ititikom ko
Ang siper ng aking pantalon –
Ang nene’y nakapagitna
Sa akin at sa ama,
Nakasilip sa ihiang aluminyo.
Mangha, marahil, sa dagundong
Ng tubig, at sa paninilaw nito
Habang lumalapit sa lagusan.”

Isa paláng siyentipikong obserbasyon ang ginawa ng nene. Pinagmasdan niya ang dinamiko ng urinal! Kayâ masasabing ang “iyan” ay maaaring ang urinal. Napaisip tuloy ako na ang pahabang hugis ng tula ay maaaring ang pahaba ring urinal na gawa sa aluminyo. Ngunit sa tingin ko’y isa itong paglilihis sa tunay na inuusisa ng nene. Binaling ng persona, na siyang naglalahad ng pangyayari, sa ibang bagay ang hindi karaniwan o “sensitibong” pangyayari. Naging isa itong obserbasyon ng batà sa ibang bagay. Naniniwala pa rin akong epekto ito ng konserbatibong pag-iisip ng persona.

Ngunit baka naman talagang totoo na ginawa ito ng nene, at tapat na nagsasalaysay lámang ang persona? Maaari ngunit masasabing mas pinagtuunan niya ito ng pansin at detalye kaysa pagtatanong ng nene. Sa puntong ito nagkaroon ng buhay ang nene dahil nagmamasid na siya hábang kanina’y malabo niyang tinutukoy ang “iyan” sa pagtatanong.

Sa kasawiang palad, hindi pa rin ako tiyak sa kung ano ang “iyan”. Maaaring ito ang ari ng lalaki o ang urinal. Maaari namang ang kabuuan ng kanyang karanasan ay mula sa pagkakita sa mga ari hanggang sa pagmangha sa hindi karaniwang urinal sa kasilyas ng mga lalaki. Hindi ko tiyak dahil nilihim ito ng persona.

“Napaigtad ako, tumalikod
Mistulang nagkukubli
Ng kung anong lihim.”

Nagkukubli nga siya ng lihim. Ayaw na niyang idetalye pa kung ano ang “iyan” na tinutukoy ng nene sa kanyang pag-uusisa. Ayaw na niyang pag-usapan, tulad ng magiging reaksiyon ng mga konserbatibo kapag inusisa ang isang “sensitibong” bagay. Malaki ang paniniwala kong sensitibo rin ang bagay na ito sa persona na nakasaksi ng pangyayari. Una, itinuring niya itong isang hindi karaniwang imahen. Pangalawa, konserbatibo ang interpretasyon niya sa bakas ng pagkatawa ng ama dahil sa pagtatanong ng batà. Pangatlo, hindi niya direktang tinukoy ang “iyan” at paniwala kung ibinaling niya ang usapan.

Bagaman, masasabi ko na hindi talaga konserbatibong-konserbatibo ang persona. Nagawa niyang ikuwento ito. Nakuwento niya ito dahil sa pagkamulat na kanyang nadanas sa pagsaksi sa isang hindi karaniwang pangyayari. Unti-unti nang nagkaroon ng bitak ang konserbatibo niyang pag-iisip. Namulat na siya sa bagong karanasan. Nadagdagan na ang dáting tabula rasa niyang pag-iisip ng isang hindi karaniwang pagkamulat.

***

Komentaryo para sa #BuwanNgAkdangPinoy, Agosto 13, 2016

Ni Abner Dormiendo

Simula pa’y isa nang suliranin maging sa panitikan ang pagsasaysay at pagsasalaysay ng karanasang banal alinsabay sa pantao. Kinakaharap muli ni Louie Jon Sanchez sa kaniyang librong “At sa Tahanan ng Alabok” ang ganitong engkuwentro sa pagitan ng sagrado’t makamundo. At waring isang kondisyon na ng ganitong klaseng paksa, mahahaba ang mga tula rito, hindi tipid sa pananalita. Mistulang sinasamantala ni Sanchez ang potensyal ng wika upang maiuwi ang lahat sa paraang maiintindihan ng ating alabok na pag-iral. Ngunit, at kinikilala ito ng makata sa huling tula (na aking sinipi sa ibaba), may kabiguan ang ganitong proyekto, dahil matapos masabi ang lahat ng masasabi, ang pinakamahalaga sa lahat ay hindi pa rin masasabi. Isang sipi mula sa “Kuwento ng Monghe”:

“Dumaan ang maraming taon
Bago ko naunawaan ang kaniyang
Pakikiniig sa bato: Hindi
Pinahihintulutang mabunyag
Ang pinakaiingatan at sagrado.”

***

HINGGIL SA KUNG SAAN SA KATAWAN

Pagpapakilala ng direktor ng UST Publishing House sa aklat na Kung Saan sa Katawan ni Louie Jon A. Sanchez

Ni John Jack G. Wigley
Peb. 18, 2014, LIRAhan sa Conspiracy Bar

Nananahan ang banal sa katawan—ang banal na siyang lumalalang sa lahat, lumulugod sa sinta, sumasagitsit sa kapusukan ng laman. Ngunit, ito’y sadyang mailap at mahirap makasalimuha, kung kaya naman mas nagiging marubdob ang pangangailangan ng makatang gawin itong kongkreto, upang mas maintindihan ng mga panamdam at higit na maukit sa gunita. Mahihimpil sa letra at papel ang kalikutan nito, oo, datapwat alam ng nagsusulat na ito’y pansamantala lamang, na hindi mailalarawan ng anumang bagay sa mundo ang kalahatan ng abstrakto. Dahil dito, masasabing ang sining ng tula ay isang mahabang meditasyon sa pansamantala, na nasusumpungan ang kaganapan sa paglilok ng eksakto at tumpak na imahen, ng paghabi sa matimyas at kaayaayang metapora. Wala na ngang mas epektibong pagwawangis sa pansamantala kung hindi ang pagwawangis din—at walang mas interesanteng tema para rito kung hindi ang banal.

Ang mga tulang ito ay pag-iinog sa banal—at kagaya ng rebolusyon ng mga planeta sa araw, hindi kompleto ang armonya ng larawang ito kung wala ang panghihilang-balani mula sa mga planeta. Makikita ang ganitong interaksiyon sa “Sa Harap ng Imahen ni San Ignacio de Loyola,” na tungkol sa kapayapaang nasulyapan ng persona sa isang imahen ng tagapagtatag ng Ordeng Heswita. Sa pagpirme ng imahen naihahatid ng persona ang pagnanasa niyang kadalisayan sa kaniyang araw-araw na pakipapagsapalaran.

Hagiyograpiya namang maituturing ang mga tulang “Rizal” at “Emilio,” na reimahinasyon ng mga naratibo tungkol sa mga nasabing bayani. Waring santo ang mga ito dahil sila’y isinasabanal—sa mga namatay na, ang mga wala na’t di na babalik, kagaya ng pag-alaala sa mga biktima ng dahas politikal sa “Back Hoe” o ng sakuna sa “Ang Pagdayo ng Monge sa Tea House Kinabukasan ng Lindol at Tsunami sa Japan.” “Hindi tinitipid ng makata ang kaniyang mga paglalarawan, na kahit may bakas ng kontrobersiya o ng karimarimarim ay nagsisilbing mga kasiya-siyang pananda sa memorya’t paghaharaya. Sapagkat sa huli, ang pagkawala at kakulangan ay mga manipestasyon lamang ng mailap na banal. Upang sumibol sa karinan ng isipan, kailangan pag-aralan at pagmunihan gamit ang dominyo ng mga salita.

Hindi lamang sa piguratibong pagkakahulugan ng makata matatarok ang banal sa Kung Saan sa Katawan. Sa mas literal na nibel, ang pangalawang bahagi ng libro ay inilaan sa mga tulang espirituwal at relihiyosong kinulayan ng Katolisismo. Isa sa mga tulang ito ay ang “Ang Mga Banal na Oras” na talagang inihati na parang horas santas—“Laudes,” “Prime,” etc. Pamagat din ng mga tula ang ilan sa mga mahahalagang misteryong pinagninilayan ng mga Katoliko, tulad ng “Biyernes Santo” at “Asuncion.” Sa pamamagitan ng Katolisismo, mas madaling mapagtatagumpayan ng makata ang paghaharaya sa Dibino, pagkat madaling nakapaglalaan ang Roma ng kalabisan ng mga imaheng pananampalataya, nahahawakan o di-nahahawakan.

Ang pagtutula ay isang peregrinasyon—isang peregrinasyong natatapos lamang sa kamatayan. Hindi sa buhay na ito makakasama ang banal, pero maaari itong masulyapan nang sandali sa madamdaming paghahanap dito. Pagkat sapat na ang isang sandali para maisaloob ang banal—maisakatawan. At sa huli, ang pagnanasa sa banal ay walang iba kundi ang pinakamasidhing ekspresyon ng pag-ibig, ang walanghanggang gana patungo sa kabutihan at kagalakan, ang siyang laging unang sambit ng makata. Para sa kongklusyon, hayaan akong magbasa ng ilang linya mula sa tulang “Ikaw, Sa Iyong Antok”:

Gusto ko lamang ang sandaling ito, gustong-
Gusto ko, at sakaling sandali lamang talaga,
Babaunin ko ang aninag ng iyong pagpanatag.
Maraming salamat at magandang gabi sa lahat.

***

Introduksiyon sa Kung Saan sa Katawan ni Louie Jon A. Sanchez

Ni Romulo P. Baquiran Jr
Peb. 15, 2014, Natividad Galang Fajardo Room, De La Costa Hall, Ateneo de Manila University

Kasama kong taga-Norte itong nagbubunsod ngayon ng Kung Saan Sa Katawan. Cagayan Valley. Unang wika ang Ilokano pero nagpaampon na sa Tagalog. Walang pagsisi. Magandang wika ang alinman sa dalawa. May isang tula siya sa koleksiyon na parang poetika na ring matatawag, ang muling pagsulat ng tula, na may orihinal na Ilokano.

Isang manunulat na “sobra” sa maraming aspekto itong si LJ. Nag-uumapaw kung baga at hindi ko tinutukoy ang kaniyang katawan ha. Sabi ng kaniyang mga estudyante sa evaluation o comment sa isang thread, feeling “diva” itong ating kapatid. May kaunting pride kumbaga sa sarili. Confident. Pero may karapatan naman kahit paano. Ikaw na ang magwagi sa mga titulo na parang sa beauty queen na nga. Sa tulaan nga lang. “Makata Taon-taon” ang bansag sa kaniya.

Pero iyon nga ang kaso dito. Pinaghirapan niya itong “kasobrahang” ito. Naalala ko ang anekdota sa kaniyang itinuturing na ama-amahan sa gramatika, poesiya, at pagiging guro si Dr. Michael M. Coroza. Diumano, ang pananagalog noong undergraduate pa si LJ sa The Royal and Pontifical University of Santo Tomas ay maituturing na “garalgal” o sa Ingles “atrocious.” Pero dahil nga ang taong nagsisikap gumanda, o kahit iyong nagmamaganda, ay inaral ang wika, sineryoso ang challenge. Nag-enroll siya sa maraming youth and beauty camps. Naman, ngayon masasabing aba papaakyat na sa himpapawid ng kalangitan ng panitikan si LJ. Tingnan na lamang ang agad na masusumpungan sa kaniyang pagtula: ang pagbalong ng salita. Parang tsunami walk ang dating ng pananalita. Itong “flow” ng pagkamalikhain, sa pagsulat ng tula, ay nanggagaling sa “misa ng kaniyang mangha”. Ginagamit ko ang mga sipi sa kaniyang mga tula na sa palagay ko ay mga peg ng kaniyang pananaw sa sining na hindi naman maihihiwalay sa kaniyang pananaw sa buhay.

Nagmumula ang papalawak na sirkulo ng kaniyang pananaw mula sa sarili, patungo sa kapuwa, at sinikap na mabuo ang para sa bansa. Ang pagbuo ng sarili ng makata ay nakasityo sa isang “pook na hinaharaya.” Nasa haraya o imahinasyon. May pagsisikap kung gayon na likhain ang isang mundo na kongkretong nakatanim sa sarili at sa danas nito habang pumapasok sa isang likhang daigdig. Maaaring sabihin na egotistiko ngunit hindi ito ang nakakabalda at nasosobrahang selfie kundi isang sarili na nasasaputan ng salita. Tila walang disenyo ang pagdaloy ng wika kung ganoon? Hinding-hindi. Ang estetika ng pagtula ni Sanchez ay nasa lambat ng salita na nalilikha sapagkat ang lumilikhang kamalayan ay nasa proseso ng pagdidili sa obheto ng pinagdidilian. Ang proseso ng pag-“gammat” o pagdakma, gaano man ito kahinay, sa hinaharaya ang nakatanghal sa pahina. May pagkiling kung gayon na dumaloy ang ipinapahiwatig sa kilometrikong run-on o enjambment. Itong pasikot-sikot ay nagpapahiwatig sa pagdidiling pinaghirapan ngunit kakatagpuan din ng kasiyahan sa bahagi ng manunulat. Hindi ang pagkatagpo ang dinudulo ng tula kundi ang proseso o landas ng pagkamalikhain na isinisilang ng mismong paghahangad na maunawaan ang buhay. Sabi nga sa isa sa kaniyang tula, “bumabaling tayo sa imahen ng dagat na nais languyin.”

Hindi kaya ang persona sa mga tula ay ang nabanggit na “mongheng nawawala sa sarili” na ang sintomas ay nasa pagkahaling sa mga salita at siya namang ikinaaagnas natin bilang kasama o komunidad ng mambabasa? Itong persona ay naghihirap na labanan ang kagandahan. Naliligalig sa bagabag ng buhay ngunit nababatid na masusumpungan ang “daigdig na para bang lungtiang eden” kung “muli siyang [akong] maniniwala.”

May Katolikong hibo (kahit pa hindi aminin ng awtor) kung gayon ang pananaw ng manunulat ngunit personal na kritikal ang kaniyang posisyon dito sapagkat sa kaniyang danas, may mga kontradiksiyon na naipapahiwatig na siyang umookupa ng mahalagang buod ng kaniyang paksa. May sariling pagkaalam ang katawan na humuhulagpos sa pagsasalin ng paniniwala. Kung kaya napakainteresanteng basahin ang mga akda ng makatang si Louie Jon Sanchez. Sa ating pagbabasa sa Kung Saan Sa Katawan, may nabubuksang pagkamulat na ang tinanggap na kaalaman mula sa pananalig man o iba pang establisadong entidad ay nararapat na muling sipatin at pagdilian tulad ng ginawa ng may-akda.

Nananariwa ang ating pagkagulang.

***

Vicarious bodies and fiducial selves in Kung Saan sa Katawan

By Niles Jordan D. Breis

That religious diction accounts for much of the tonality of “Kung Saan sa Katawan” seems a given.Said book, after all,is replete with references and allusions relative to several faith-based declarations and nearly exegetical premises.

It would be an injustice, however,to resort to such a plain reduction, even without the necessary ad absurdum.At one point, the poet then was aware of the aforementioned inclination even prior to publication.Thus, in this collection, he employs one of the rhetorical scholia which is hard to ignore: vicariousness.

Vicariousness may be treated as a double- edged sword.Technique-wise, the author assumes several bodies either by way of too resigned an echoing or too contrarian a conviction. Or both or even through some soft undoings apart from the rigidity of poetic personas.

Said bodies have voices, of course.And true to the liminal nature of what partly consists vicariousness, the book at hand traverses the road to its salvific import in mixed array of acts for or against the self and beyond yet notably, still within this age-old credo: the body does not lie.

In four(4) sections, the book is an interplay of proximate and remote ruminations and gloamings but the gist bounces back to the fact that any body, contingent as it is, might be lost in the physiological realm as attested or culled from the closure of Santo Entierro, one of the representative poems.The latter does hint at the argument that any great sorrow may not be contained by the body within the sentient level only.There is more to it than meets the eye and one thing is clear: a singular view of things or encounters is dangerous.

Which brings us precisely to one of the strengths of the collection: Sanchez is an agile, graceful chameleon.At times, he is just being himself, authorial sans the curial brimstone while in some instances, he wears the convenient hat of an omnipotent prophet, if not a privileged social commentator.And at times, reflexive or is confessional of or on what turns him on within the language of seduction so profused between private desire and public sacrality or vice-versa.

And again, back to the kind of fidelity he ought to hold fast into and off to the theological, with much gusto, if not reluctance.Hence, the many fiducial selves in the book, each as reflective of a supposed genuflection of his own heaviness to God or perhaps, towards his very self or a homage to the heart of what is fundamentally human: allegedly, never trust a God who is so bereft of bodily hunger.

“Kung Saan sa Katawan” is indubitably a compendium of hunger, in various forms. And Sanchez is conspicously incandescent, at least within that note.To reduce his dependence on his received faith would also suit him just fine:that poetry may also thrive wholly in and within a free-spirited body, with less supernatural beliefs in tow.

Or better still, through this book,Sanchez is equipped enough to walk unaccompanied. With all the gravel growling beneath his feet.

***

HINGGIL SA PAGKAHABA-HABA MANG NG PRUSISYON

Pauna sa Aklat

Ni Fanny A. Garcia

TUNAY NA mapagbadya ang pamagat na Pagkahaba-haba man ng Prusisyon:  Mga Pagtatapat at Pahayag ng Pananampalataya ng librong ito ni Louie Jon A. Sanchez—ikatlo sa kanyang mga libro (koleksiyon ng kanyang mga tula ang unang dalawa).  Ito ang kauna-unahang koleksiyon ng kanyang mga sanaysay.

Ang buong kasabihan ay “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”  Sa pagpapakilala sa sariling libro, tinukoy ni Louie na mga ‘simbahan’ ang bawat sanaysay sa librong ito—na kanyang muling pinupuntahan (sa isip ko, hindi nga ba ang Visita Iglesia kung Mahal na Araw) para muling sariwain ang mga danas sa panahong sinulat ang sanaysay, at pagkatapos ay makapagnilay-nilay.  Sa ganitong konteksto rin ang kanyang paanyaya sa mambabasa na maki-Visita Iglesia sa kanyang mga ‘simbahan.’

NAIIBA SA mga karaniwang koleksiyon ng mga sanaysay ang librong ito.  May mga koleksiyon ng tinatawag na personal na sanaysay (personal essay); ang ibang libro ay katipunan ng mapanuring sanaysay (critical essay).  Ayon sa awtor, ang kanyang mga sanaysay sa librong ito ay may dalawang tinig:  personal (nagkukuwento at nagkukuwento), at mapanuri (nagmamasid, nagsusuri, nagninilay).  Agimat at sandata niya ang lawak at lalim ng ng kaisipan, kaalaman at karunungang nahuhugot, nasasandalan niya bilang isang likas na palabasa mula pagkabata hanggang maging estudyante, hanggang sa kasalukuyan bilang manunulat at propesor—at siyempre pa, agimat at sandata rin niya ang sariling pananaw at pananampalataya, gayundin ang kanyang mga personal na danas.

Sabihin mang naiiba na ngang maituturing ang koleksiyong ito dahil sa magkasanib na dalawang tinig (personal at kritikal), ang higit na umantig at nagpamangha sa akin ay ang namamaibabaw na ispiritwal na tinig—na hindi karaniwang naririnig sa mga manunulat at sa maraming akda.  Ipinagpauna man ni Louie na ang kanyang Katolisismo/Kristiyanismo/relihiyosidad ay laging nakapook sa kawalang katiyakan (ambiguity), at dapat mabasang pampanitikan at hindi institusyonal, tatak pa rin ng librong ito ang pagiging ispiritwal.  Tulad ni Louie, gusto ko ring bigyang-diin na ang paggamit ko ng ‘ispiritwal’ ay sa konteksto lamang ng personal na pagkapit at ekspresyon ng pananampalataya, hindi ang teolohikal na lawak at lalim nito.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Nick Joaquin sa The Writer and His Milieu (E. Alegre and D. Fernandez, eds., 1987):

. . . back in the 1930s it was “modern” and even “nationalistic” to snub anything that wore the name of tradition. The result was a fiction so strictly contemporary that both the authors and their characters seemed to be, as I put it once, “without grandfathers.”

Ang pakikipag-usap sa mga ‘lolo’ ay naging mabungang praktis ni Joaquin:  kinilala ang kanyang mga akdang nagtatalaban ang kasaysayan-kultura-identidad.

Nakikipag-usap sa kanyang ‘lolo’t lola’ ang librong ito ni Louie.  Isang epektibong tulay ang kanyang ina at ang sinilangang probinsiya (paghila-hila sa kanya sa misa, Visita-Iglesia, prusisyon, nobena, ritwal, atbp.).  At partikular sa kaso ni Louie (hindi tulad sa mga iba), nagpapatuloy ang paghaharap-harap at usapan kahit pa may pagtatalo, pag-uusig, pagrerebelde sa pana-panahon:  pag-aaral sa pontipikal na University of Santo Tomas na siyempre pang may required units  sa Religion/Theology (wala sa University of the Philippines!), pagtatrabaho bilang miyembro ng staff ng Gospel Komiks, pag-aaral (para sa gradwadong kurso) sa De La Salle University-Manila (may panahong nagturo rin siya rito), at pagtuturo hanggang kasalukuyan sa Ateneo de Manila University.  Interesante na sa kabila man ng pana-panahong pagtatalo, pag-uusig, pagrerebelde ay patuloy pa rin si Louie sa praktis ng pagsisimba, pagnonobena, pagdarasal, pagninilay-nilay (na isang karaniwang praktikang ispiritwal).

Sa librong ito ay naibahagi ni Louie na ninais niyang maging pari (maliwanag namang hindi siya natuloy).  Kilala ko na siya noong panahong iyon.  Bukod sa Department of Literature, nagturo rin siya sa Departamento ng Filipino—at ako ang tagapangulo noon.  Hindi ko siya personal na kilala, pero pamilyar na ako sa kanyang byline.  Kung pagbabatayan lamang ang karaniwang nakikita sa kanya kapag nasa departamento, hindi maiuugnay ang maingay, magalaw, makuwentong Louie sa Louie na mapagkanlong sa simbahan.  Ito rin ang panahong naibahagi niya sa akin ang muli niyang pagkabigong tanggapin sa seminaryo para magpari.

Bilang manunulat, kung pagkakamit lamang ng mga gantimpala ang pagbabatayan (siyempre pang hindi naman) kung ‘nakarating’ na ang isang manunulat, matagal na, at paulit-ulit nang nakarating si Louie.  Pero may pangarap na hindi natupad si Louie, ang maging pari.  Kaya malay man siya o hindi, tumutulay ang mithiing ito sa kanyang panulat, magpasintabi man siya sa kanyang Katolisismo/Kristiyanismo/relihoyosidad.

Sa kanyang pambungad na “Pag-aantanda:  Sa Simbahan Din ang Tuloy” ay tinukoy ni Louie na ‘pagtatapat’ ang kanyang mga sanaysay—sa isip ko, ‘kumpisal.’

Pagninilay-nilay.  Pagtatapat.  Pangungumpisal.

May sanaysay na ang titulo ay “Mabuti” pero agad-agad na nilinaw ni Louie na ang kanyang tinutukoy ay walang ugnay sa  tauhang si ‘Mabuti’ ni Genoveva Edroza-Matute.  Pero sa isip ko ay may nakikita pa rin akong ugnay.  Ang tauhang si ‘Mabuti’ (paboritong ekspresyon kasi niya ang “Mabuti.  Mabuti.”) ay paboritong magkubli sa isang sulok ng aklatan—at doon niya binibigyang-laya ang panimdim na hindi niya maipakita sa iba.  Isang mag-aaral ang hindi sinasadyang nakita ang kanyang guro sa lugar ding iyon—dahil ang mag-aaral mismo ay may sarili ring panimdim, naghahanap din ng ‘sulok kong sadya’ (sabi nga sa awit ng panimdim na “Dito Ba?” na inawit ni Kuh Ledesma—maraming taon pa ang bibilangin bago malilikha ang awit na ito).

Kaabang-abang ang pagtatagpo sa ‘sulok kong sadya’ ni Louie at ng mambabasa.

***

Pagpapakilala ng direktor ng University of the Philippines Press sa aklat na Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon ni Louie Jon A. Sanchez

Ni J. Neil C. Garcia
Enero. 17, 2017, LIRAhan sa Conspiracy Bar

From the very first time I read Louie Jon’s poetry with academic seriousness—as a critic at his MFA thesis defense—it already became clear to me that the interest and the power of his writing would ever derive from the “cognitive dissonance” attending his position as a devoutly Catholic and yet unflappably bakla writer.

Even then (almost a decade ago), Louie Jon’s poems already recorded this dissonance as a generative paradox, from which they drew a wealth of insights about the complexity and ambivalence—the sacrifice and the bliss—of the human condition.

The essays collected in this book pursue this project, albeit in prose and creatively nonfictional forms. The delight (and astonishment) is that, unlike in his lyrically committed poems, the first-person speaker in these personal reflections and memoir pieces is able to freely oscillate between the meditative and the anecdotal registers, entirely devoted as he is to the objective of affirming the rudimentary tenets of his faith even as he earnestly decides, now and again, to critically unpack them.

It is, of course, possible to speak the languages of the artist and the mystic all at once, since these activities mutually traffic in the procedure of analogy and parallel thought, in which, as we know—and as the poet Robert Frost once memorably put it—one thing is said (and experienced) in the terms of another.

Of course, we who have made literature our life’s work know this procedure very well, denominating it by that much-utilized word, “metaphor”: the paradoxical resemblance or unity between the primary tenor and its subsidiary vehicle, which are—come to think of it—the only things that the narratives of scriptural traditions can purvey.

Not in so many words, spirituality’s transcendent truth is the mysterious tenor toward which the vehicle of all the mythological stories and images of the world’s various faith systems gestures, and by the same token approximates and yet cannot fully coincide with or exhaust. As artists and saints intuitively understand, it is precisely within this essential gap—this ontological crack between eternity and time, the infinite and the finite, matter and form, desire and its sensuous distraction—that the mystical experiences of both religion and art can take place.

The recognition that all our human languages are substitutions, and as such can only ever glimpse at—and not possess or apprehend—the radiance of the mysterium tremendum at fascinans is the necessary humility of all art, even if not all religious movements—specifically the literalist and/or fundamentalist ones—share it.

Like all of you here tonight, I gratefully celebrate the birth of this book, written by one of our most gifted bilingual artists and believers, who demonstrates the productive plausibility of the necessary contradiction—the beautiful crisis—of our embodiment as earthly (and earthy) souls. The official publishing house of our country’s one and only national university—an appropriately secular place, where religious interrogations and cultural critiques are given, within the luminous aegis of academic freedom, their rightfully sanctioned space—is proud of counting this book as one of its latest titles.

Congratulations, Louie Jon, and all the best to you and all your future endeavors!

A pleasant evening to everyone.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s