Siwang sa Pinto ng Tabernakulo

Librong LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), 2020
Finalist for Best Book of Poetry in Filipino, National Book Awards

Buy via Lazada

Nung inabot sa akin ni Louie Jon A. Sánchez ang pdf nitong antolohiya ng kanyang mga tula, nangamba akong baka malunod sa haba at lalim ng lumang Tagalog. Nagkamali ako. Katulad ng isinulat niya sa kanyang tulang “Santa Misa,” na pagmumuni sa paglakad ni Hesus sa tubig: “Ako paláng maydibdib// Ang talagang walang kaalam-alam.// Sa pagtawid
ng bigkas sa salamat// Sa Diyos, wari’y himalang naiabot// Sa sariling lunod ang aking kamay. Ako’y napaahon—….”

Nakaugat ang katagang “antolohiya” sa Griyego: isang bungkos ng bulaklak (Pranses/Ingles, bouquet o nosegay). Sa antolohiyang ito, nakikilala natin, hindi ang titig ng kritiko o ang bibig ng guro, kundi ang puso ng makata. Dumadapo ito sa mga bulaklak na pinagkakaabalahan niya: ang pananampalataya at ang mga minamahal niya sa pamilya. Hinaharap din ang mga tinik at dahong-palay ng masasamang balita na araw-araw na umuusbong sa malungkot nating republika (Bencab). Masinop at maingat ang paglalatag niya sa matulaing eksena. Matalim ang mga larawan. At kapag sinundan natin ang takbo ng kanyang pagmumuni, parang may kasabay tayo sa malungkot at mabatong landas ng pagpapakatao. Kung sa Facebook ito nalathala, pinupugan ko ang mga tula ng puso at kamay na asul.

—RAMÓN C. SUNICO

In his new collection, Louie Jon A. Sánchez explores how faith is constructed and performed, illuminating the page with his lyric intensity. His meditative poems reveal not only the divine in the human, but more tellingly, the human in the divine: fallible, flawed, and thus all the more complex. These are hymns and psalms, odes and elegies—devotional songs that celebrate the agonies and ecstasies of commuters, soldiers, domestic workers, men and women on the margins of history and in ordinary time. There is a crack in the door and the poet, in his role as a mystic, invites us to take a closer look at the profound, baffling, and ultimately wondrous mysteries of faith.

—RODRIGO DELA PEÑA JR.

REVIEWS & CRITICAL COMMENTARY FOR SIWANG SA PINTO NG TABERNAKULO

Pagbabalik sa Pundamental
Virgilio S. Almario

Ang una kong simbuyo pagkatunghay sa Siwang sa Pinto ng Tabernakulo (2020) ni Louie Jon A. Sanchez ay magpugay sa kaganapan nitó bílang isang “aklat ng tula.” Ang ibig kong sabihin, tinipon ito at binubuo ng mga tula tungo sa pagiging isang aklat. Na ang ibig ko pang sabihin, maraming nalalathalang aklat noon at ngayon na binibigkis lámang ng pangyayaring sinúlat ito ng isang awtor—ng isang makata—ngunit ang mga piraso ng tula sa loob ng aklat ay hindi naglilingkod tungo sa isang layunin o isang lunggati ng awtor. Tinipon lang ang mga tula para magpakapal sa bílang ng mga páhiná ng aklat. Kayâ tuwâng-tuwâ ako noon sa Aves (2009) ni Jerry B. Gracio at Agua (2015) ni Enrique S. Villasis. Taglay ng pamagat ng mga aklat nina Jerry at En ang pambihira’t malikhaing trabaho upang tupdin ang nais niláng itula.

At ganito ang isang birtud ng koleksiyon ngayon ni L.J.

Subalit sa ikalawang buklat ay napagpakuan ko ng titig ang “Elemental.” Lumiwanag sa akin ang isang leksiyon sa pagtula na makabuluhang ipagunita sa kasalukuyang pandemya. Ito ang silbi ng pagninilay o meditasyon. Relihiyoso ang datíng sa atin ng Español na “meditasyón” (meditacion) at kahit ang katumbas na “pagninílay.” Marahil, dahil naganap ang unang pagtutumbas pangwika sa isang aklat na relihiyoso ng Agustinong si Fray Pedro de Herrera, ang Meditaciones, cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong pag Eexercicios (1645) at itinuturing kong unang libro ng tula sa Filipinas.

Gayunman, hindi dapat mapiit ang ehersisyong ito sa mithiing relihiyoso. Isa itong lehitimo at pundamental na trabaho ng makata, gaya ng mahihiwatigan sa “Elemental” ni LJ.

Gaya ng nais iturò ng pamagat ng tula, isa itong pagbalik sa pagdamá ng bagay-bagay sa paligid—sa tula, pagdamá sa mga bagay isang tag-araw (Abril) sa isang pook na may natítirá pang katangiang pastoral—may simoy, may punongkahoy, may damo, may baging, may ibon, atbpang nagdudulot ng kulay, tunog, amoy, lasa, at rabaw para sumikdo ang damdamin, gunita, at adhika. Tinutulay ng pagninilay ang puwang sa pagitan ng bagay at ng kahulugan. O marahil, ang pagpapakahulugan sa mga dinadamáng bagay.

Sa pamamagitan ng pagninilay ay nagkakaroon ng kabuluhan sa tao ang bagay na nakikíta o naririnig; nagiging kabutihang-loob ang liwanag, nagiging gútom ang butó o nektar, pagiging pag-ibig ang likot ng baging. [Siyempre, ang interpretasyon ng titig ni LJ ay may bahid ng kaniyang tinging ebangheliko.] Depende sa dumadamá sa mundo. Ang dagta ng sindak o dahon ng pag-asa ay magkasanib na nakatimo sa iisang halaman, o iisang “paswit o pagaspas,” ngunit nangangailangan ng sapat na hinahon upang ganap na danasin. Ipinakilála ni LJ ang naturang paraan ng pagdanas sa ating paligid sa ganitong matimping saknong:

Humihimig ang kuliling na nakasabit
Sa punò, at o, anong banayad
Ng mga daliri ng hangin, wari’y sadyang
Ipinauulinig ang taginting, saliw
Sa paswit ng balinsasayaw sa papawirin.

At ang kabuoang dula ng pagdamá, lalo na ng pag-ulinig sa mahinàng taginting ng kuliling, haplos ng simoy, at huni ng ibon, ay kasintalas at kasintiyaga ng kailangan at angkop na disiplina upang magagap ang iluluwal na katotohanan. Kailangang bigyang diin ang gayong dula ng pagnilay, ang “banayad” at “marahang-marahan,” upang isalungat sa ordinaryong gawain ng modernong tao.

Ay, ang modernong tao! Nagmamadalî at nakikipag-unahan sa pagpapakíta ng dunong (pakikisangkot man o malasakit), sa tulong ng teknolohiya, malimit na kung hindi peke ay mababaw ang pinalalaganap niyang pahayag. Hinding-hindi siyá makikinabang sa tiyaga ng pagninilay sa “siwang sa pinto ng tabernakulo” ni LJ.

Ferndale Homes
9 Disyembre 2020

Poems of faith in the quotidian
Alma Anonas-Carpio
Philippine Daily Inquirer, March 9, 2021
https://lifestyle.inquirer.net/380173/poems-of-faith-in-the-quotidian/

Faith, it is said, is only known after it is sorely tested. It is in the ordinary and everyday experiences of this nation of sore tests that Louie Jon Sanchez couches his latest volume of poetry, “Siwang sa Pinto ng Tabernakulo” (Librong LIRA, 2020).

This slim volume of verse brings the reader down to the level of Ordinary Juan and his trials and tribulations—riding a congested train at the end of a workday, attempting to fit wages to needs, taking in the news of efforts to lower the age of criminal responsibility, finishing a degree—and weaves these small, but not insignificant, quotidian things into poetry.

There is a spareness to Sanchez’s use of Filipino that appeals, and makes his work accessible to the same people from whom the inspiration for this book seems to be drawn. His rhythm in this book is the rhythm of trains running across cities, counterpointed by the sharp delivery of broadcast news. There is the staccato of construction workers’ hammers toiling into the ebbing of daylight, and the slow drip of sweat from workers’ brows.

The struggle to feel the spark of the divine is part of the human condition—and well we know it from Dante Alighieri’s “Purgatorio.” So, too, does Sanchez render the search for the divine in “Siwang sa Pinto ng Tabernakulo,” literally, the cracked-open tabernacle door, behind which the holy host of the Eucharist rests before Mass.

The poetry appeals for its lack of hubris, but may, at times, push the card of divinity-seeking to the edge of the page. In the latter, one sees the apt metaphor for just how far the Ordinary Juan has to push, just to get through the day with body still joined to soul.

Weariness and relief
From the poem “Pasasalamat,” Sanchez draws out the intermingled weariness and relief of finishing a postgraduate degree: “Ang pagkakasakit sa pagtuldok ng disertasyon,/ Makapagmartsa lang sa pagtatapos.// Tatlong taong pag-ibig na kinailangang/ Palayain upang matagpuan ang inaapuhap. (Falling ill puts a period to the dissertation,/ Just so one can march in completion.//Three years of love that needed/ To be set free to attain what one seeks to grasp).”

Sanchez makes use of simple devices for the structures, internal rhymes and forms that, when juxtaposed against the exacting correctness of his use of the kudlit to mark meaning and pronunciation, offer us insight into the paradox of simplicity and deep nuances that characterize the everyday Filipino in all his walks of life.

The poem “Ngalan (Name)” ends on four lines that sum up the self-reliance necessary for life in the Philippines: “At sabay naisakamay ang pakahulugan,/ Wala nang anumang pagtatakda ang matutupad,// Kahit lantay ang aruga. Kailangang maalwang tanggapin/ Na nagsimula ang iyong lakbay patungong sarili. (And at the same time hold in hand the meaning,/ There is nothing set that will come to pass,// Even if the care is withered./ It must be easily accepted/ That we have begun the journey to ourselves.)”

This is, in a way, a book of prayers—one that every lover of the Filipino language can utter in solidarity with the rest of the nation.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: