University of the Philippines Press, 2016

Naiiba sa mga karaniwang koleksiyon ng mga sanaysay ang librong ito. May mga koleksiyon ng tinatawag na personal na sanaysay (personal essay); ang ibang libro ay katipunan ng mapanuring sanaysay (critical essay). Ayon sa awtor, ang kanyang mga sanaysay sa librong ito ay may dalawang tinig: personal (nagkukuwento at nagkukuwento), at mapanuri (nagmamasid, nagsusuri, nagninilay). Agimat at sandata niya ang lawak at lalim ng kaisipan, kaalaman at karunungang nahuhugot, nasasandalan niya bilang isang likas na palabasa mula pagkabata hanggang maging estudyante, hanggang sa kasalukuyan bilang manunulat at propesor—at siyempre pa, agimat at sandata rin niya ang sariling pananaw at pananampalataya, gayundin ang kanyang mga personal na danas.
–FANNY A. GARCIA
Ang Pagkahaba-haba man ng Prusisyon ay isang lawas ng mga personal na pagtatapat ng isang kaluluwang nagsusumikap at nagpupumiglas kilanlin ang kaniyang sarili batay na rin sa mga karanasang humahamon sa kaniya. Sa pamamagitan ng literatura, nakikipagdiyalogo ang may-akda sa kaniyang pananampalataya, nagtatanong, nagpoprotesta, sinusubukang iugnay dito ang mga katanungan ng kaniyang buhay. Inirerekomenda ko sa lahat ang akdang ito ni Louie Jon A. Sanchez, na di lamang nagpapakita ng kaniyang natatanging talento sa pagsulat ngunit higit na pinasisilip din tayo sa kaniyang loob sa pamamagitan ng pagninilay sa mga kuwento ng kaniyang buhay. Sa pagbasa nito, tayo man ay magmumuni, mapapaisip, mapangingiti, maluluha, at muling maaalaala ang halaga ng ating pagkatao.
–JERICHO NATIVIDAD
REVIEWS & CRITICAL COMMENTARY FOR PAGKAHABA-HABA MAN NG PRUSISYON
Pauna sa Aklat
Fanny A. Garcia
Tunay na mapagbadya ang pamagat na Pagkahaba-haba man ng Prusisyon: Mga Pagtatapat at Pahayag ng Pananampalataya ng librong ito ni Louie Jon A. Sanchez—ikatlo sa kanyang mga libro (koleksiyon ng kanyang mga tula ang unang dalawa). Ito ang kauna-unahang koleksiyon ng kanyang mga sanaysay.
Ang buong kasabihan ay “Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.” Sa pagpapakilala sa sariling libro, tinukoy ni Louie na mga ‘simbahan’ ang bawat sanaysay sa librong ito—na kanyang muling pinupuntahan (sa isip ko, hindi nga ba ang Visita Iglesia kung Mahal na Araw) para muling sariwain ang mga danas sa panahong sinulat ang sanaysay, at pagkatapos ay makapagnilay-nilay. Sa ganitong konteksto rin ang kanyang paanyaya sa mambabasa na maki-Visita Iglesia sa kanyang mga ‘simbahan.’
Namibia sa mga karaniwang koleksiyon ng mga sanaysay ang librong ito. May mga koleksiyon ng tinatawag na personal na sanaysay (personal essay); ang ibang libro ay katipunan ng mapanuring sanaysay (critical essay). Ayon sa awtor, ang kanyang mga sanaysay sa librong ito ay may dalawang tinig: personal (nagkukuwento at nagkukuwento), at mapanuri (nagmamasid, nagsusuri, nagninilay). Agimat at sandata niya ang lawak at lalim ng ng kaisipan, kaalaman at karunungang nahuhugot, nasasandalan niya bilang isang likas na palabasa mula pagkabata hanggang maging estudyante, hanggang sa kasalukuyan bilang manunulat at propesor—at siyempre pa, agimat at sandata rin niya ang sariling pananaw at pananampalataya, gayundin ang kanyang mga personal na danas.
Sabihin mang naiiba na ngang maituturing ang koleksiyong ito dahil sa magkasanib na dalawang tinig (personal at kritikal), ang higit na umantig at nagpamangha sa akin ay ang namamaibabaw na ispiritwal na tinig—na hindi karaniwang naririnig sa mga manunulat at sa maraming akda. Ipinagpauna man ni Louie na ang kanyang Katolisismo/Kristiyanismo/relihiyosidad ay laging nakapook sa kawalang katiyakan (ambiguity), at dapat mabasang pampanitikan at hindi institusyonal, tatak pa rin ng librong ito ang pagiging ispiritwal. Tulad ni Louie, gusto ko ring bigyang-diin na ang paggamit ko ng ‘ispiritwal’ ay sa konteksto lamang ng personal na pagkapit at ekspresyon ng pananampalataya, hindi ang teolohikal na lawak at lalim nito.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Nick Joaquin sa The Writer and His Milieu (E. Alegre and D. Fernandez, eds., 1987):
. . . back in the 1930s it was “modern” and even “nationalistic” to snub anything that wore the name of tradition. The result was a fiction so strictly contemporary that both the authors and their characters seemed to be, as I put it once, “without grandfathers.”
Ang pakikipag-usap sa mga ‘lolo’ ay naging mabungang praktis ni Joaquin: kinilala ang kanyang mga akdang nagtatalaban ang kasaysayan-kultura-identidad.
Nakikipag-usap sa kanyang ‘lolo’t lola’ ang librong ito ni Louie. Isang epektibong tulay ang kanyang ina at ang sinilangang probinsiya (paghila-hila sa kanya sa misa, Visita-Iglesia, prusisyon, nobena, ritwal, atbp.). At partikular sa kaso ni Louie (hindi tulad sa mga iba), nagpapatuloy ang paghaharap-harap at usapan kahit pa may pagtatalo, pag-uusig, pagrerebelde sa pana-panahon: pag-aaral sa pontipikal na University of Santo Tomas na siyempre pang may required units sa Religion/Theology (wala sa University of the Philippines!), pagtatrabaho bilang miyembro ng staff ng Gospel Komiks, pag-aaral (para sa gradwadong kurso) sa De La Salle University-Manila (may panahong nagturo rin siya rito), at pagtuturo hanggang kasalukuyan sa Ateneo de Manila University. Interesante na sa kabila man ng pana-panahong pagtatalo, pag-uusig, pagrerebelde ay patuloy pa rin si Louie sa praktis ng pagsisimba, pagnonobena, pagdarasal, pagninilay-nilay (na isang karaniwang praktikang ispiritwal).
Sa librong ito ay naibahagi ni Louie na ninais niyang maging pari (maliwanag namang hindi siya natuloy). Kilala ko na siya noong panahong iyon. Bukod sa Department of Literature, nagturo rin siya sa Departamento ng Filipino—at ako ang tagapangulo noon. Hindi ko siya personal na kilala, pero pamilyar na ako sa kanyang byline. Kung pagbabatayan lamang ang karaniwang nakikita sa kanya kapag nasa departamento, hindi maiuugnay ang maingay, magalaw, makuwentong Louie sa Louie na mapagkanlong sa simbahan. Ito rin ang panahong naibahagi niya sa akin ang muli niyang pagkabigong tanggapin sa seminaryo para magpari.
Bilang manunulat, kung pagkakamit lamang ng mga gantimpala ang pagbabatayan (siyempre pang hindi naman) kung ‘nakarating’ na ang isang manunulat, matagal na, at paulit-ulit nang nakarating si Louie. Pero may pangarap na hindi natupad si Louie, ang maging pari. Kaya malay man siya o hindi, tumutulay ang mithiing ito sa kanyang panulat, magpasintabi man siya sa kanyang Katolisismo/Kristiyanismo/relihoyosidad.
Sa kanyang pambungad na “Pag-aantanda: Sa Simbahan Din ang Tuloy” ay tinukoy ni Louie na ‘pagtatapat’ ang kanyang mga sanaysay—sa isip ko, ‘kumpisal.’
Pagninilay-nilay. Pagtatapat. Pangungumpisal.
May sanaysay na ang titulo ay “Mabuti” pero agad-agad na nilinaw ni Louie na ang kanyang tinutukoy ay walang ugnay sa tauhang si ‘Mabuti’ ni Genoveva Edroza-Matute. Pero sa isip ko ay may nakikita pa rin akong ugnay. Ang tauhang si ‘Mabuti’ (paboritong ekspresyon kasi niya ang “Mabuti. Mabuti.”) ay paboritong magkubli sa isang sulok ng aklatan—at doon niya binibigyang-laya ang panimdim na hindi niya maipakita sa iba. Isang mag-aaral ang hindi sinasadyang nakita ang kanyang guro sa lugar ding iyon—dahil ang mag-aaral mismo ay may sarili ring panimdim, naghahanap din ng ‘sulok kong sadya’ (sabi nga sa awit ng panimdim na “Dito Ba?” na inawit ni Kuh Ledesma—maraming taon pa ang bibilangin bago malilikha ang awit na ito).
Kaabang-abang ang pagtatagpo sa ‘sulok kong sadya’ ni Louie at ng mambabasa.
Pagpapakilala sa Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon
Enero. 17, 2017, LIRAhan sa Conspiracy Bar
J. Neil C. Garcia
From the very first time I read Louie Jon’s poetry with academic seriousness—as a critic at his MFA thesis defense—it already became clear to me that the interest and the power of his writing would ever derive from the “cognitive dissonance” attending his position as a devoutly Catholic and yet unflappably bakla writer.
Even then (almost a decade ago), Louie Jon’s poems already recorded this dissonance as a generative paradox, from which they drew a wealth of insights about the complexity and ambivalence—the sacrifice and the bliss—of the human condition.
The essays collected in this book pursue this project, albeit in prose and creatively nonfictional forms. The delight (and astonishment) is that, unlike in his lyrically committed poems, the first-person speaker in these personal reflections and memoir pieces is able to freely oscillate between the meditative and the anecdotal registers, entirely devoted as he is to the objective of affirming the rudimentary tenets of his faith even as he earnestly decides, now and again, to critically unpack them.
It is, of course, possible to speak the languages of the artist and the mystic all at once, since these activities mutually traffic in the procedure of analogy and parallel thought, in which, as we know—and as the poet Robert Frost once memorably put it—one thing is said (and experienced) in the terms of another.
Of course, we who have made literature our life’s work know this procedure very well, denominating it by that much-utilized word, “metaphor”: the paradoxical resemblance or unity between the primary tenor and its subsidiary vehicle, which are—come to think of it—the only things that the narratives of scriptural traditions can purvey.
Not in so many words, spirituality’s transcendent truth is the mysterious tenor toward which the vehicle of all the mythological stories and images of the world’s various faith systems gestures, and by the same token approximates and yet cannot fully coincide with or exhaust. As artists and saints intuitively understand, it is precisely within this essential gap—this ontological crack between eternity and time, the infinite and the finite, matter and form, desire and its sensuous distraction—that the mystical experiences of both religion and art can take place.
The recognition that all our human languages are substitutions, and as such can only ever glimpse at—and not possess or apprehend—the radiance of the mysterium tremendum at fascinans is the necessary humility of all art, even if not all religious movements—specifically the literalist and/or fundamentalist ones—share it.
Like all of you here tonight, I gratefully celebrate the birth of this book, written by one of our most gifted bilingual artists and believers, who demonstrates the productive plausibility of the necessary contradiction—the beautiful crisis—of our embodiment as earthly (and earthy) souls. The official publishing house of our country’s one and only national university—an appropriately secular place, where religious interrogations and cultural critiques are given, within the luminous aegis of academic freedom, their rightfully sanctioned space—is proud of counting this book as one of its latest titles.
Congratulations, Louie Jon, and all the best to you and all your future endeavors!
A pleasant evening to everyone.
Leave a Reply